Now Playing: Your guardian angel by Red jump suit~
*****
EVAN'S POV
Yung kaba ko ngayon kakaiba, yung daga lang dati ngayon nadagdagan ng kabayong nag-tatabuhan sa dibdib ko.
Simple lang naman itong surprise ko para kay dezirelle. Special ang araw na to kasi bukod sa aaminin ko na ang nararamdaman ko ay araw din ng mga puso.
Matagal ko ng itinatanggi at itinatago ang nararamdaman ko para sa kanya. Matagal na panahon na din siyang nawala sakin mula noong umalis ako at sa Japan mag-aral.
"Pre sa labas Lang ako magaantay kanila Lea." -sabi sakin ni Jacob
"Sige pre senyasan mo ako ah" -sagot ko naman.
"Sige sige. Kaya mo yan." -pagpapalakas naman ni Jacob ng loob ko.
Lumabas na siya at ako ay kumuha ng maraming lakas ng loob sa kaka-sabi ng kaya ko'to.
Mahal kita dezirelle...
Pinatay na ni Jacob ang ilaw at naiwan ako sa loob ng room nakaupo sa teacher's chair.
Nasa lamesa na malapit sa akin ang bouquet ng pula ng rosas simbolo ng pagibig ko.
Maya-maya...
Pumasok si Jacob, mahinang sinabi na anjan na sila.
--------------
DEZIRELLE'S POV
kasalukuyang paakyat na kami ni Lea at ng makalapit na sa room 204 ay nilagyan niya ako ng piring o takip sa aking mga mata.
"Wag mo muna tatanggalin ah." -sabi ni Lea.
"A-ano to Lea. Pinag-titripan mo na naman ako eh." -sagot ko naman sa Kanya.
"Basta, magtiwala ka lang sakin." -sabi niya naman.
Kinakabahan ako sa pinaggagawa nito ni Lea sakin.
Inalalayan niya ako, nagbukas siya ng pinto at pumasok kami.
Iniwan ako ni Lea.
"Sandali, wag moko iwan Lea" -sabi ko.
Maya-maya bumukas ang ilaw may narinig akong nag-strum ng gitara.
Guitar intro~
Tinanggal ko ang takip ko sa mata.
Nagulat ako sa mga nakita ko.
Si Evan nakaupo habang may hawak ng gitara sa tabi niya na lamesa ay bouquet ng red roses.
Mula dito sa kinakatayuan ko ay isang daan na may mga kandila at mga nakakalat na petals ng rose.
May mga heart balloons na nakasabit mga crepe paper na nakadikit sa ceiling. Sa madaling salita. "EFFORT"
Ang sarap sa pakiramdam bilang babae na masurprise ng ganito. Nakaka-taba ng puso. Napaka-special ng pakiramdam. Ito yung effort na never kukupas.
Nag-simula na siyang kumanta.
When I see your smile
Tears run down my face
I can't replace
And now that I'm strong
I have figured out
How this world turns cold
And it breaks through my soul
and I know
I'll find deep inside me
I can be the oneHindi ko alam na napaka-ganda ng boses ni Evan. Mag-kababata kami pero ngayon ko lang siya narinig kumanta.
Nakita ko si Lea at yung Isang lalaki, ito yata ang kinukwento ni Lea na nakilala niya. Parehas silang naka-ngiti.
BINABASA MO ANG
Meet my man from other world
RomanceOnce upon a time, there was a young lady, Dezirelle who fell in love with an anime character for almost 10 years and even if she knows the fact that his man is just an anime character, she still believes that his man is living in the other world and...