CHAPTER 40: I lost you

262 15 6
                                    


DEZIRELLE'S POV

Ilang linggo na ang nakalipas, nagkaayos na sila Ravier at Sheena hindi lang basta nagkaayos kundi nagka-mabutihan pa. Kapag tinatanong ko si Sheena kung ano na ang mayroon sa kanila ni Ravier ang sinasabi niya lang sa akin ay nanliligaw pa si Ravier pero sa mga kinikilos nila ay parang sila na. Napapansin na rin iyon ng mga katrabaho namin.

Napapangiti na lang ako tuwing naiisip ko na mahal pala nila ang isat-isa at matagal na panahon muna ang lumipas bago nila napagtanto at naamin sa sarili bago sinabi sa isat-isa. Parang samin ni Christopher ilang taon na ang lumipas pero ito at walang nagbago mahal parin namin ang isat-isa at mas minahal pa namin ang isat-isa ngayon. Masasabi ko na mas maging mature kami pag-dating sa relasyon namin ngayon at anytime ready to settle na kami.

Gosh! SETTLE?! Hahaha napangiti tuloy ako sa naiisip ko buti na lang at nakatagilid ako at hindi makikita ni Cristopher 'yung mga pag ngiti-ngiti kong 'to. Hindi pa kasi naming napaguusapan yung tungkol sa mga ganitong bagay.

Hindi pa nagkikita sila mama at Christopher simula noong nagkahiwalay kami ni Christopher noong mga highschool pa kami. Pero sinabi ko naman kay mama na nagkabalikan kami ni Christopher masaya siya dahil alam niya na masaya ako. Sabi ko Kay mama pupuntahan na lang namin sila ni Christopher kapag maluwag na ang schedule namin sa trabaho parehas. Naiintindihan naman ni mama iyon dahil nasabi ko na rin naman sa kanya na CEO si Christopher ng kumpanya pero di ko na sinabi na sa kumpanya ng pinagtatrabahuan ko.

"We're here..." sabi ni Christopher sakin nang itigil niya ang kotse sa parking area ng company building. Nandito na pala kami, nakatulala lang kasi ako sa bintana habang nagiisip ng mga nangyari nitong mga nakaraang buwan.

"I'll fetch you later."-sabi niya.

Ngumiti ako "Text mo ako kapag tapos ka na sa trabaho mo today. Para in-case na mag-OT ka mag-oovertime din ako para matapos ko in advance 'yung mga paper works ko regarding sa new project." -sagot ko sa kanya.

"Pwede naman na hindi mo na lang tapusin, ipapatapos ko sa mga members mo or sa secretary ko. Ayokong napapagod ka. Lately napapansin ko na namumutla ka at mabilis ka ng mapagod last time na we walk sa park at umakyat tayo sa overpass napagod ka agad." Naglabas siya ng buntong hininga, sobrang nagaalala siya sakin. "You can have your rest anyti-"

"Napagusapan na natin ito eh. Hindi porket CEO ang boyfriend ko ay hindi na ako magtatrabaho" -ngumiti ako at tsaka pinisil ang pisngi niya. "Napapagod ako, oo. Pero masaya ako sa ginagawa ko kaya kahit mayaman at may-ari ng kumpanya ang boyfriend ko. Hindi pwede yun, dapat ako din mayaman de joke lang hahaha"- natawa ako sa sarili ko natawa na din siya sa ka-cornyhan ko.

"Sabay na tayo mag-lunch break mamaya. Sa office na tayo kumain. I'll order food for us. What do you want to eat?" -tanong niya sakin.

"Hmm, pag-iisipan ko muna." -sabi ko. Pagiisipan ko muna kasi may mga gusto akong kainin pero hindi ko lang alam kung ano. Weird diba. "Itetext na lang kita, okay lang ba?"-tanong ko.

Ngumisi siya ng makita ang reaksyon ko na nahihirapan mamili ng kakainin. Alam niya kasi na tumakaw ako nitong mga nakaraan pero matakaw naman talaga ako sayo pero sa mga favorite ko lang na mga pagkain, hindi sa lahat.

"of course. Oorderin natin kahit gaano man kadami yan."-natatawang sabi niya sakin. Marunong na talaga siyang mangasar. Natawa na din ako.

Bago kami bumaba ay nagkiss kami syempre. Naghiwalay na kami... naghiwalay ng way kasi magkaibang building kami kaya magkaibang elevator ang sasakyan naming. Sumakay ako ng elevator at may mga nakasabay akong empleyado. Yung huling pumasok na empleyado ay may dalang bilao hindi ko alam kung anong laman pero nung naamoy ko. Palabok. Bumaliktad yung sikmura ko ng maamoy ko yung palabok umaandar paakyat yung elevator habang naamoy ko yung kakaibang palabok. Hiniwakan ko ang bibig ko gamit ang kanan kong kamay samantala ang kaliwa kong kamay ay hawak ang hand bag ko. Ngayon lang ako nagkaganito sa amoy ng palabok. Nang tumigil sa floor ng office ko yung elevator ay dali-dali na akong bumaba ng nakayuko habang naglalakad papuntang office. Nang makaupo ako ay saka lang ako unti-unting kumalma at hindi na gaanong nakakaramdam ng kakaiba sa tiyan ko. Dahil siguro sa elevator 'to. Hindi kasi maganda ang gising ko kahit wala naming nakakapagod sa ginawa ko kahapon na trabaho.

Meet my man from other worldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon