Ika Pito
******
[EDITED]"Samahan ko lang boss si Chelly sa labas." Paalam ni Kiel kay Sytton.
Nakasimangot naman ito at hindi tumugon.
Pagkasarado ng pinto ay para siyang batang tumatalon talon habang naglalakad sa tabihan ko. Napa iling nalang ako. Actually nacucutetan ako sa mga inaasta niya para siyang bata na matangkad lang. Baby face kase kaya bagay sa kanya ang inaakto niya.
"Chelly saan ka pala pupunta? Sama ako ah? nagpaalam naman ako kay boss." Saad pa niya.
Inilagay ko lang ang mga ginamit kanina saka hinanda ang gamot na iinumin niya ulit mamaya.
"Sino yang kasama mo Chelly? Pakilala mo naman kami."
"Ah eto pala si Kiel, Kiel eto si Marissa at Ella kasamahan ko dito sa hospital." Pakilala ko.
Naghagikhikan naman ang dalawa saka nakipag kamay kay Kiel. Sinusundan pa kami ng dalawang lukaret hanggang sa room ni Sytton.
"Balik ka ulit dito Kiel ah, kwentuhan pa tayo. I mean natin pala. Hihihihi" nahagikhik na saad ni Marissa.
Pagkapasok namin sa loob wala doon ang kambal. Saan naman yun nag punta? Nakarinig ako ng lagaslas ng tubig sa loob ng CR.
"Baka naliligo lang si Boss sa loob. Labas muna ako Chelly, may tatawagan lang ako." Paalam ni Kiel saka lumabas nga ng kwarto.
Inilibot ko pa ang mata ko sa higaan ni Sytton. Nakita ko kaseng may nakahandang damit na pamalit at tuwalya doon. Di manlang niya dinala sa loob ng banyo. Kainis! Baka mamaya lumabas yan na walang saplot.
Isinalansan ko nalang ang dala dala sa coffee table. Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto ng CR ngunit pinagsawalang bahala ko lang iyon.
Nakarinig ako ng mga yabag na papunta sa gawi ko. Anong gagawin ko? Pumikit kaya ako? Hindi magpatay malisya nalang ako. Kunwari diko siya rinig na lumabas. Tama Tama."Tsk!" Dinig kong saad niya sa likuran ko. Naramdaman kong kinuha niya ang damit at tuwalya sa kama at muling bumalik sa CR.
Nakahinga lang ako ng maayos ng marinig ko ang pag sarado ng pinto nito. Huh! Biglang uminit! Iba na talaga ang Climate change ngayon.
Inayos ko ang higaan niya tapos sinalansan ko rin ang mga magazine na nagkalat sa lamesa. Tinapon ang mga dapat itapon.
Maya maya pumasok na sa loob si Kiel na siyang pinagpasalamat ko. Buti nalang may kasama nakong iba dito maliban sa masungit na yon.
"Sorry natagalan ng konti. Lumabas na ba si Boss?"
"Ah? h-indi pa." Nakatungong saad ko
Narinig ko ang pagbukas ng CR at lumabas ang taong nasa loob nito. Suot niya ay isang fitted grey tshirt na mas lalong nakadagdag ng pagkadepina ng mga muscles niya sa katawan plus dagdag mo pa ang pantalon na hapit na hapit sa pang ibaba niya. SHET! ANG LAKI!
(•<×)
Napalunok nalang ako sa iniisip saka tumaas ang tingin sa mukha niya. Nandoon parin ang pagiging emotionless at ang mga kilay niya ay salubong na tila laging galit sa kaharap. Naglakbay pa ang tingin ko sa labi niya hanggang sa paglunok ay kita ko rin ang Adam's apple niya na lalong nakakapag bigay ng lakas ng sex appeal, sama mo pa ang luntiang mga mata na hindi mo mabasa kung ano ang pumapaloob dito. SHET! Yung buhok! Magulo pero parang ang sarap hawakan!! Ang lambot sa paningin.
"Ah Chelly uy, kanina kapa namin tinatawag." Saad ni Kiel sa tabihan ko na nakapagpagising sa kahibangan ko.
"A-h? Ano yun? Pasensya na."
BINABASA MO ANG
The ARROGANT and ME [MAFIA SERIES #1]✔
Romance[COMPLETED] Chelly was just a simple nurse but in a one glimpse, it all changed. One of her patient changed her life. She found out his secret Because the man she cares for is a MAFIA BOSS Ps: Sytton Denovan Templeton story Highest Ranking #1 in...