Ika Tatlo

9.7K 171 5
                                    


Ika Tatlo
[EDITED]
******

Habang namimili ako ng mga delata sa can goods section, may naka salubong akong lalaking naka all in black. As in black lahat, kulang nalang yata mag mask siya ng itim mapag kakamalan mo na siyang magnanakaw. Ano ba'to si kuya, iba ang fashion sense. Pero kanya kanyang trip lang yan.

Di ko nalang pinansin saka kumuha ng favorite luncheon meat sa istante, mga limang delata, saka nilagay sa cart na dala dala.

Pumunta naman ako sa meat section para bumili. Pumipili nako ng meat ng makita ko nanaman si kuyang all in black. Feeling ko talaga may parang binabantayan siya o sinusundan? o sadyang paranoid lang ako? Patingin tingin kase Ito at palingon lingon, muntik panga kaming mag eye to eye kanina buti iniwas ko agad ang tingin.

Nag bayad nako saka dumiretso sa counter para bayaran pa yung ibang pinamili.

Parang nagiging weirdo nako ah, kung ano ano nalang ang napapansin ko ngayong araw.

Pag kalabas ko sa supermarket dala dala ang isang push cart, naisipan kong kumain muna sa Mc Donald's bago umuwi.

Umorder lang ako ng isang Mc float, mc burger, big Mc fries, saka isang mc meal with coke. Umupo ako banda sa labasan ng fastfood chain.

Nag brobrowse lang ako ng fb newsfeed ko noong makatanggap ako ng chat kay Eliss. Isa sa mga co-nurses ko sa Saint Luke Hospital.

Eliss send a message
- Psst nasan ka?

You send a message
-Nandito sa MEGA MALL bakit?

Eliss send a message
- Sabi kase ni Miss Jane, kung pwede ikaw na raw ang naka assign sa patient 320?

You send a message
- Sure, no problem

Eliss send a message
- Thank you very much Chelly. Hulog ka talaga ng langit, send ko sayo mamaya yung schedule.

You send a message

- Sige.

Nang matapos nako sa pagkain ay nag take out nalang ako ng two mc fries saka isang sundae at iyong natira sa inorder kanina, mag momovie marathon ako mamaya if ever pasok sa time.

Pag kalabas ko sa mall, pumara lang ako ng taxi sa labas saka sinabi yung location ng apartment namin. Nakita ko na yung sinend na scheduled ni Eliss.

Eliss send a message
- Eto na pala Chelly yung schedule mo.

Patient 320 schedule
Assigned Nurse: Chelly

Monday

8:00 am to 10:00 am

3:00 pm to 5:00 pm

8: 00 pm

Tuesday

8:00 am to 10:00 am

3:00 pm to 5:00 pm

8: 00 pm

Wednesday

8:00 am to 10:00 am

3:00 pm to 5:00 pm

8: 00 pm

Thursday

8:00 am to 10:00 am

3:00 pm to 5:00 pm

8: 00 pm

Friday

8:00 am to 10:00 am

3:00 pm to 5:00 pm

8: 00 pm

Saturday

8:00 am to 10:00 am

3:00 pm to 5:00 pm

8: 00 pm

Bakit pare parehas lang? Walang nagbago?

Chinat ko agad si Eliss noog makita ko agad ang schedule.

You send a message to Eliss
-Eliss bakit ganun yung scheduled na binigay mo sakin?

Eliss is typing...

Eliss send a message
- VVIP patient kase, saka ayaw mag pahawak sa ibang nurse. Pinapili ni Miss Jane kanina, ikaw yung gusto.

You send a message
- Huh? Ganun ba? Sige.
Salamat Eliss.

Impyernes first time kong nakahawak ng VVIP patient ngayon kaya nagtataka ako kanina kung bakit ganoon ang schedule.

Nag bayad nako sa taxi saka umakyat na sa taas ng apartment na tinutuluyan namin. Pagkapasok ko sa loob ay inayos ko na agad ang mga pinamili sa refrigerator at inilagay ang mga delata sa cabinets.

Pumasok muna ako sa kwarto para mag palit ng damit. Pagkatapos lumabas ulit ako para mag luto ng ulam, pagabi narin kase baka mamaya maya pauwi narin si Andy.

Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto noong may kumatok sa pinto. Tinigil ko muna ang ginagawa saka ito pinuntahan. Pag kabukas ko ng pinto ay tumambad sakin ang isang kahon na kulay pula na iniwan ng kung sino mang kumatok kanina kanina lang.

Tinignan ko muna kung may tao sa ibang unit pero wala kaya kinuha ko ito at dinala sa loob para tignan kung ano ang nilalaman.

Isang kulay puting sobre ang laman nito, kasama ang tatlong petals ng rose. Nakaka pagtaka naman? Sino naman ang taong mag iiwan nito sa labas ng pintuan ng apartment namin? Baka nag kamali lang ng pinadalhan.

Diko nalang muna binuksan ang sobre. Itinago ko lang ito sa ilalim ng kama sa kwarto. 

*****

"ALAM MO BESH?! ANG GWAPO TALAGA NIYA!" OA na saad ni Andy sakin.

Maniniwala na sana ako kaso wag nalang.
Nasa hapag kami ngayon habang pinagsasaluhan ang niluto kong adobo.

"Ganun ba?" walang ganang saad ko.

"OO BESH! kaso, may pag ka masungit eh. Sayang talaga dapat ako mag prepresinta kanina, willing na willing talaga ako! kaso ayaw mag pahawak kung kanino kanino lang. Swerte mo talaga besh, sanaol bet ng papam." Anong swerte doon? Baka nga maging maarte ang isang yun dahil VVIP patient.

"HAHAHA basta BESH! makalaglag panty ang gwapo." Nakatulala at nakatingin pa ito sa taas tila iniimagine pa nito yung itsura ng patient na sinasabi niya saakin. Nahibang na ang isang to, sobra sobra na.

"May boyfriend kana, kaya umayos ka." Nakasimangot sa sagot ko.

"Ito naman, ang seryoso. Wala paring tatalo sa Jimmy ko noh? No one can beat him sa puso ko." 

Pagkatapos kumain ay si Andy na ang nagpresintang maglinis ng pinagkainan, ako na raw kase ang nagluto.

Pagpasok ko sa kwarto ko nanood muli ako ng favorite kong kdrama. I just enjoy watching ng di ko mapansin ang oras hating gabi na.

Anak ng! May pasok pako bukas!

Dali dali kong sinet ang alarm ng phone ko at pinatay ang laptop.

Hmm? Kung ganun nalang ang reaksyon ni Andy kanina saakin. Tulad nga ng sabi niya mala Adonis ang gwapo ng patient na iyon. Papasa kaya siya sa taste ko?

Ah ewan, nasobrahan narin ako sa kahibangan. Dahil ito kay Andy eh.

Sana naman, hindi siya maarte.






#HOPING




czarahfai

The ARROGANT and ME [MAFIA SERIES #1]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon