******
Araw ngayon ng scheduled ko kay Doc Miranda, hinihintay ko nalang na matapos si Andy sa ginawa at diretsong hospital na agad ang punta namin.
Pagkarating sa hospital ay diretsong online na agad ni Andy sa shift niya, masyadong maraming patients ngayong araw kaya need na niyang umonline.
Ako naman is bukas pa ang shift ko 9:00 am to 7:00 pm ang out. NASA waiting area nako habang hinihintay na tawagin nalang ang patient name dahil halos marami rin akong mga kasabayang nagpapa-check up.
"Nurse Chelly! Wow sabi ko na nga ehh buntis ang isang to." Saad ni Joela assistant nurse ni Doc Miranda.
"Nako! Oo, gagawin nga kitang ninong pag lumabas na." Biro ko sa kanya.
"Oo naman why not? Sige na buntis pasok na sa loob."
Pagkapasok ko sa loob nakita ko agad si Doc Miranda sa usual spot nito.
"Hello po Doc!"
"Oh Chelly, mabuti naman ako ang napiling Doctor mo. Magtatampo talaga ako pag pumili kapa ng iba."
Tinanong lang ako nito ng mga weird stuff na nangyari saakin nung mga nagdaang araw like nagsusuka ba raw ako every morning? Or may gusto at ayaw akong pagkain at amoy.
Pagkatapos noon ay nirisetahan ako nito ng vitamins and Milk na dapat kong inumin para kay baby. Binigyan din ako ni Doc Miranda ng advice para maging healthy si Baby like balance diet and exercises.
Masyadong maliit pa si Baby kaya hindi na muna ako nag paultra sound, check up okey na yun. Nag pa scheduled nalang ulit ako sa susunod na month para kay Baby.
IM SO EXCITED! This is my first baby. Kinabahan man ako noong una kong malaman na buntis ako but kinalaunan ay ang saya kahit may pangamba parin akong nararamdaman sa dibdib.
It will be fine, and you will be safe baby, gagawin lahat ni mama para sayo.
Dala dala ang pinamiling vitamins and milk ay naka uwi ako sa bahay bandang 4 pm ng hapon. Patay ang ilaw pagkadating ko sa apartment, binuksan ko ito at pumasok na sa loob.
Ngunit ang pinagtataka ko sa pagpasok ay ang taong naka upo ngayon sa sofa.
"S-sino ka? "
Andy's POV
Nagtataka ako, dahil nakailang chat nako kay Chelly kung kamusta ang checked up niya kanina kay Doc Miranda ay wala itong sagot manlang saakin. Nakailang tawag at missed calls nako sakanya
Dali dali akong umuwi ng bahay, pagkalabas na pagkalabas ng Hospital hindi kona nga nahintay pa si Jimmy na sunduin ako.
SA APARTMENT
"Chelly? Chelly?!" Agad kong bungad pagkapasok sa loob.
Nagulat ako sa nasaksihan ko.
"Anong ginagawa mo dito? Sino ka?" Gulat ang namutawi saakin ng mga oras na iyon.
Nakakita ako ng isang lalaking nakaupo ngayon habang kausap ni Chelly sa sala.
"Andy." Sita saakin ni Chelly.
Mabilis ko itong nilapitan at tinitigan muli ang lalaki.
"I'm chief Dylan from NBI police." Pakilala ng lalaking nasa unahan.
Nagpakita pa ito ng kanyang I'd, katunayan na totoo nga ang sinasabi niya saamin.
"I'm here because I want to interrogate your friend sa isang kasong napasukan niya."
Kaso?
"We investigated and the outcome is you're one of the person involved in that case. Just tell me exactly and complete the details and I will promise that you will be out to this." Professional said ng lalaking ito sa harap namin.
"Ilang beses ko ba sasabihin sayo na, wala nga akong alam. Ang alam ko lang is isa siyang pasyente dati ng hospital, at ako ang naassigned na mag handled sa kanya. Yun na yun, ano pa bang gusto mo?!" Inis na saad ni Chelly kay Chief Dylan.
"Chief, nagsasabi ng totoo si Chelly and please huwag mo siyang istressin. Masama yun sa kalagayan niya at buntis pa naman." Litanya ko.
"I'm sorry, I didn't know that. Babalik ulit ako sa makalawa. Asahan ninyo na may mga taong aaligid sa inyo as your guide. Isa ka sa mga maaring magbigay ebidensya saamin, kung maari huwag na muna sana kayo magpagala gala sa panahon ngayon. Aalis na ako."
Pagka alis na pagkaalis ng lalaki ay siyang pag alalay ko kay Chelly.
"Okey kalang?" Nakita kong hinihilot nito ang sintido kaya't dinaluhan ko ito agad.
"I really don't know kung ano gagawin ko Andy. Paano nalang if hindi maging safe ang baby sa sinasapupunan ko? Sinabi ko sayo lahat lahat ng nalaman ko. Andy, alam mo kung anong at sino ang ama ng batang dinadala ko. Napaka mapanganib... natatakot ako."
Napaiyak nalang ako, habang nakikita ang kaibigan kong nasasaktan ngayon. Inalo ko siya at dinamayan, pilit na pinatatag siya sa stiwasyong napasok.
Nang tumigil ito sa pag iyak ay tinanong ko ito.
"Kamusta ang checked up? Kamusta si Baby?" Masayang saad ko habang nakatingin sakanyang inaayos ang mga vitamins and milk na binili siguro niya kanina.
Namutawi ang isang ngiti sa malungkot niyang mukha kanina.
"Okey naman, sinabi saakin na healthy naman si baby. Okey naman daw ang mga symptoms na nararamdaman ko nung mga nagdaang araw ng first semester ng pagbubuntis."
Masaya akong malaman na okey naman pala ang baby niya. Ang hirap ng pinagdadaanan ng kaibigan ko ngayon. Pero kahit na ganun nandito lang ako, hayaan mo Chelly makakaaasa ka saakin.
Nagpalit ako ng damit pang bahay ng marinig kong tumutunog ang cellphone sa bag ko, baka tumatawag si Jimmie.
"Babe?"
[Naka uwi kana ba? Nakaalis kana raw sabi ni Kuya Jo]
"Naka-uwi nako, pasensya na hindi na kita nahintay. Hindi ko kase macontact si Chelly kanina, nag alala agad ako kaya agad agad akong umuwi."
[That's all right, punta nalang ako dyan babe]
"Sige dito ka nalang matulog, ipagluluto kita ng masarap na ulam."
[Ano bang ulam yan? Isa lang naman ang gusto ko] malisyosong saad nito sa kabilang linya.
"Ikaw ha?... sige na mamaya... alam ko namang ako lang ang gusto mo. Hintayin kita dito. I love you." Saad ko bago ibaba ang linya.
"Kumain kana ba Chelly? Magluluto ako, dito magpapalipas ng gabi si Jimmy." Tumalikod nako para pumuntang kusina at magluto.
"Salamat Andy sa lahat, diko alam ang gagawin ko kung wala ka sa tabi ko." Naramdaman kong yumakap ito sa likod ko.
"Oo naman, dito lang ako. Aalalay sayo."
"Thank you, thank you sa lahat lahat."
Nakakagaan ng loob, nag eemote ang buntis ngayon as the same time, salamat din sa lahat BESH.
Awe awe, keep reading PIPPER'S
BINABASA MO ANG
The ARROGANT and ME [MAFIA SERIES #1]✔
Romance[COMPLETED] Chelly was just a simple nurse but in a one glimpse, it all changed. One of her patient changed her life. She found out his secret Because the man she cares for is a MAFIA BOSS Ps: Sytton Denovan Templeton story Highest Ranking #1 in...