Ika Labing Tatlo

6.4K 128 5
                                    

Ika Labing tatlo

Edited

*****

Tatlong araw na simula noong nangyari sa library. Hay buhay pagtinamaan ka nga naman ng katangahan!

Sino ba naman kaseng wala sa katinuan ang gagawa nun? Edi ako. Saka isa pa hindi ko alam ang ginagawa ko sa mga oras na iyon para na lamang akong nahiptonismo.


Padami ng dami ang mga blackmen sa labas ng mansyon ngayon. Simula kase noong isang araw nagsidatingan na sila sa mansyon. Kahit saan ka mapatingin makikita mo sila. Para silang mga kalat na langgam.

"Miss you're not allowed to go outside, please go inside." Matigas na Ingles na saad ng isang Blackmen ni Sytton. Mukhang ito yata yung sa Hospital yung humarang din saakin. Namumukhaan ko siya.

Bumalik nalang ako sa loob, kesa naman makipag talo ako roon baka mamaya pa tutukan ako ng baril tulad ng ginawa ni Sytton saakin. Aba oo nga ano? Dapat galit ako sakanya ngayon dahil sa mga pinagagawa niya saakin.

"Chelly? Nandyan ka pala. Hinahanap kita sa kwarto mo." Buti nalang talaga hindi na ulit umalis sila Kiel dito sa mansyon.

Dahil baka pag umalis ulit sila may mangyari nanamang kababalaghan.

"Tara nood tayo ng movies."

Pumasok kami sa entertainment area ng mansyon. Wow naman ang yaman talaga.

Pagkapasok na pagkapasok ko palang para na akong nalula sa laki ng tv na nasa unahan ko ngayon. So parang Mini Cinehan na ito. May mga upuan din na katulad sa sinehan. May mga malalaking kurtina din na tumatakip sa gilid sidenyo kung baga.

"So What movie do you want to watch Chelly?" Kita ko ang mga CDs stand sa gilid. Halos lahat ng mga ito orig talaga.
Ikaw ba naman maging mayaman bibili ka pa ba ng mumurahin? Edi yung mahal na para matagal mapakinabangan.

"Eto nalang." Turo ko sa Harry Potter Series na The Deadly Hallows part 1

Kung hindi ko pa nasasabi sa inyo favorite movie ko iyan. Aba Potter's head yata to!

Sinimulang iplay ni Kiel ang movie kaya pumili na ako ng magandang upuan.


Nasa kalagitnaan na kami ng panonod ng biglang namatay ang t.v

"Huh? Anong nangyari?" Kainis naman kung kailan maganda na yung part.

Dali dali kong kinuha ang remote para iplay ulit pero hindi ito na buhay.

"Tsk! It's not going to work cause I say so.." may nagsasalita nanamang kung sino sa isang tabi.

"Papansin talaga." Bulong ko

"Papansin? Who? Me?" Patay malisya pa.

"Tara na Kiel! Kain tayo." Anyaya ko sa isa.

"Wala si Inang, walang magluluto ng ulam ninyo."

"Kaya ko naman mag luto, tara Kiel."

Nasa kusina ako ngayon nagluluto ng spaghetti. Meron kase akong nakitang Pasta pack.

Nang matapos ako magluto inayos ko ito sa lalagyanan saka kumuha rin ako ng mga kubyertos at plato.

"What are you doing? Bakit ka kumukuha niyan?" Nakita ko kaseng kumukuha si Sytton ng niluto kong pasta.

Aba! Akala niya nakalimutan ko na yung ginawa niya saakin. Basta galit ako.

"I'm hungry." Naawa naman ako kase mukha nga talaga siyang gutom ngayon. Nakanguso ito ngayon habang sumasandok ng spaghetti na niluto ko.


Aba matinde uubusin panga yata lahat ng niluto ko. Nakakain naman ako pero, niluto ko kase ito para makatikim din yung kambal. Ang kinalabasan siya lang halos ang nakaubos.

"I'm full, argh!!" Dumighay panga.









Halos wala din namang binagbago yung araw na iyon. Busy minsan sila Kiel at yung kambal kaya ako eto tulala sa isang tabi. Pinagisipan ko na nga ring kausapin si Becca at Eris.

Nagtanong tanong ako kung normal lang ba talaga yung mga nagaganap sa mansyon na iyon. Yung mga blackmen sa labas at loob ng bahay na akala mo lagi may susugod dito.

"Nako ma'am normal lang yan, nothing worry." Saad ni Becca

Napatawa naman ako sa saad niya. Si Eris naman ay may pagka Shy type kaya di ko naman masyadong matanong.


Makatulog nalang, itutulog ko nalang ito. Kung siguro ngayon nasa Hospital pa ako at nagtratrabaho.

Nung makapunta nako sa hallway na kinalalagyan nang kwarto ko naraanan ko si Sytton na naka tambay sa labas ng kwarto ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Masungit na saad ko.

"I'm going to sleep in your room." Nothing less yun na yun.

"What? Nagpapatawa ka ba? Pinagsabihan kana ni Inang na layo layuan mo ako ah."

"Then? Are you afraid na baka may mangyari saatin pag matulog tayo ng sabay? Don't worry you're not my type pagdating sa sex."

Aba! Ang walang hiya talaga!! Hindi na talaga mahiya sa kabalustugan ng bibig. Sarap pasakan ng sili.

"Dont yeah ka din, hindi kita type no. Saka I'm not going to do that with you." Tignan lang natin kung saan ang kaya mo.

Tumalim ang tingin niya saakin sa sinabi ko. Ano ka pala?

Ayun nanaman ang mga mata niyang luntiang bumihag saakin..

 I-I mean yung luntiang mga matang ang sarap dukutin. 

"I'm going to sleep here, that is final." Saka binuksan ang pinto ng kwarto ko at pumasok sa loob.


Napaka tigas naman ng ulo eh

"Ako dyan, doon ka sakabila." Hinila ko siya para umalis sa gusto kong pwesto.

"Isa! Sytton! ako sabi dyan." Nagtulugtulugan ang mokong, at lalong pinabigat pa ang katawan. Even though I pushed him hard as I can, hindi ko parin ito maiurong. Parang mababali lang ang mga braso ko.

"Kyahh!" He held my hands saka hinila ako papailalim sa kanya at dinaganan.

"Sytton! You fat ass! Ang bigat mo." Hindi ko maigalaw ang mga kamay ko dahil hawak hawak niya ito.

I heard him chuckling dahil sa mga salitang sinasabi ko sakanya, tuwang tuwa pa siya? May sapak ata ang isang to.






Author's note 

Oops, walang Labing labing scene dito. Gusto mo? Luh asa😎

czarahfai 

The ARROGANT and ME [MAFIA SERIES #1]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon