Ika Dalawampu't Lima

4.5K 76 2
                                    

********

Mahigit 2 weeks old na ang baby sa tummy ko, todo asikaso naman si Andy saakin.

"Nako babae! Tigil tigilan mo nga ako. Kumain kana, eto oh bumili ako ng mansanas."

Sinabihan ko kase siya, parang natatakam ako sa apple ngayon. Tignan mo binilhan agad ako.

"Bukas punta tayo kay Doc Miranda, nagpasched ako kanina sakanya para sayo."

Maganang inubos ko ang pagkain, pagkatapos ay nilantakan ko na ang biniling mansanas ni Andy.

Wala lang naggrave kase ako nitong mga nagdaang araw sa apple, para akong ewan na hindi makatulog.

Nagsusuklay nako ngayon upang sumama kay Andy na mamalengke.
Sa Palengke kami mamimili kesa sa Supermarket sa SM. Mas mura pa ang mga bilihin doon.

"Halika kana, Chelly?"

"Oo, eto na."

Tricycle lamang ang transportation papunta roon, kung gusto mo naman is mag jeep ka pero hanggang labasan lamang ito. Need mong maglakad papasok if ito ang sasakyan mo.

Sisiksikan at gulo ang bumungad agad saamin, pagkababa na pagkababa sa tricycle. Umalingasaw agad ang natural na amoy ng palengke, pero para saakin sa kalagayan ko ngayon, ito ay isa sa mga mabangong lugar na napuntahan ko.

"Ito ang bibilhin natin ngayon, ito lang kumasya sa pera."

Nakipagsiksikan kami sa dami ng taong namamalengke ngayon. Kanya kanyang dala dala ng mga pinamili at kanya kanyang agenda sa mga ginagawa.

Pumasok kami sa isang store na suki raw ni Andy sa bigas. Pero imbes na tumuloy as pagpasok sa loob ay naghintay lamang ako sa labas. May kung ano saaking gustong sumuka sa pagkakataong ito. Ayaw na ayaw ko sa amoy ng bigas.

Nagiging weird ako ng mga nagdaang araw, may mga gusto at ayaw akong ginagawa na dati namang kadalasang ginagawa ko. Tumakaw din ako sa pagkain, kung dati ay matakaw na talaga ako para bang ngayon ay double pa ito. Nagkakalaman na tuloy ako, kaya't ang ibang damit ko'y sikip na saakin.

"Hmm? Okey kalang Chelly?" Bungad saakin ni Andy pagkalabas na pagkalabas niya sa bigasan.

"Okey lang, medyo umikot lang ang sikmura ko Andy."

"Sabi ko kase sayo sa bahay ka nalang at huwag sumama. Baka mamaya mapano kapa. Ang kulit kase. Tsk! Tsk!"

Tumagal siguro kami ng dalawang oras sa pamamalengke. Dala dala ko ang dalawang supot ng plastic na di gaanong kabigat habang nagiintay kami ng masasakyan.

Maya maya ay mayroong tumigil na sasakyan na itim sa harap namin kung kaya't agad na napaurong kami sa kinatatayuan.

"JUSKO!" Anas ni Andy sa tabi ko.

Bumaba ang bintana ng kotse at nakita namin ang sakay nito.

"Ah miss, pwede ba magtanong? Parang naliligaw kase kami. Saan ba yung Mechenta street dito?" Magalang na saad ng lalaking driver saamin.

"Hmm? Yun ba? Liko ka dyan banda sa kaliwa, pagkatapos may makikita kang store na malaki dyan. Umikot ka doon, tapos yun na." Saad ni Andy.

Pero imbes na makinig sa sinasabi ni Andy ay nasaakin ang mga mata nito. Ang weird ng isang to, parang may kakaiba sa kanya na ewan. Nakasuot ito ng itim na jacket at shades na suot. Ganun din ang katabi nitong lalaki sa front seat.

"Salamat miss." Anas nito

Pero bago ito umalis ay mabilis na sumagi sa isip ko yung mga NBI personnel na dating pumunta sa hospital.

Sila nga ang mga iyon...

Pero ang katanungan sa isip ko ay

BAKIT PARANG MINAMANMAN NILA AKO NGAYON?....







********

"Okey kalang Chelly? Mukhang ang lalim ng iniisip mo."

Bumalik ako sa ulirat ng marinig ko si Andy sa gilid.

"Ah? A-h oo..."

Simula ng makauwi kami ay gumulo ng husto ang isip ko. Ewan ko pero parang feeling ko ano mang oras ay makikita at makikita ko ulit sila na umaaligid aligid sa paligid ko. Hindi magandang pahiwatig to...

Natapos ang hapunan na lumilipad ang utak ko sa lalim ng iniisip. Tinatanong ang sarili kung magiging ligtas paba kami dito sa apartment na tinutuluyan namin...

Sana huwag naman maging katulad nito ang iniisip ko..

Sana.










Author's note

It's been a while since nang mag update ako, huhu writers block talaga main reason. But here still writing again.

Thank you RYLLL33 this chapter is dedicated for you♡

The ARROGANT and ME [MAFIA SERIES #1]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon