Ika Labing Isa
EDITED
****Kung panaginip man ito sana pakigising na ako.
"Buti nalang talaga Chelly ang ingay ni Jack and Jill kanina kung hindi, di ka namin makikita. Nangangagat pa naman si Jack pag di niya kilala. Sabi ko sayo sa kwarto ka nalang e." Saad ni Kiel. Nagpapasalamat nga ako sa kaingayan niya ngayon ang awkward kase. Ang nahimik ng hapag saka hindi ko parin talaga nakakalimutan yung ginawa niya saakin kanina. How dare him to do that to me? Tinutukan niya ako ng baril.
Tatlo lang kami ngayon sa napakalaking hapag tapos ang handa sa lamesa parang pang fiesta na. Pero ang lahat ng ito ay baliwala saakin. Wala akong ganang kumain.
"Ganun ba? Hmm so kailan ako uuwi? Birthday bukas ni Andy. Baka hanapin ako noon. Saka may pasok ako sa isang araw kaya kailangan kong umuwi bukas." Mahabang litanya ko habang nilalaro lang ang pagkaing nasa plato.
Hindi ito sinagot ni Kiel, inaantay ko pa naman ang sagot niya ng biglang tumikhim si Sytton sa kabilang dulo ng mesa.
"You will not go, you will stay here in my mansion." Matigas na saad niya.
Nagpapatawa ba siya? Kung nagpapatawa siya napatawa na niya ako, natakot panga.
"Nagpapatawa ka ba?" May halong inis na saad ko saka binaba ang hawak na spoon and pork sa mesa.
Tinitigan niya ako ng mariin. Wala akong mabasa ni isang emosyon sa mukha niya na nagloloko siya sa sinabi kanina.
"Ah Chelly diba maganda naman iyon? Ayaw mo nun magkasama na tayo." Sabat ni Kiel, pilit na ginagawang light ang nagaganap na kumusyon sa pagitan naming dalawa ni Sytton.
"Hindi pwede Kiel may trabaho ako, kailangan ko ang trabaho ko dahil nagpapadala at may sinusustentuhan akong pamilya sa Cavite."
"So that's the reason why you dont want to stay here? Tsk! Ako ng bahala sa lahat." Saad niya saka nilisan ang hapag kainan.
"BAKIT KA BA GANITO AH? NAIINIS NAKO!" Sigaw ko.
"Aalis alis ka ng walang Paalam tapos babalik ka ng ganito? Napaka unfair mo. Sana di nalang kita muling nakita." Nanghihinang saad ko saka sumubsob sa mesa.
"Chelly pag pasensya mo na si Boss, ganoon talaga iyon." Dalo saakin ni Kiel.
Pagkatapos noong kaganapan kanina hinatid nako ni Kiel sa kwartong tutuluyan ko sa mansyon nila. Napakalaki ng kwartong iyon may isang Queen size bed, isang napakalaking Flat screen tv at kumpletong mga kagamitan na usually na nakikita sa mga mayayaman. Tinatamad ako mag describe.
Nandito ako ngayon sa banyo, wala lang try ko lang yung shower nila. Ganda sis may shower na may bathtub pa.
Pinakialaman ko pa yung kabinet, maghahanap ako ng maisusuot. Nakakita lang ako ng ilang damit na kulay puti saka ilang pares ng pantulog na pambabae, meron ding undies at bra ang naandoon. Kanino naman ito?
Kumuha ako ng isang pares na patulog doon saka kumuha din ako ng undies. Mukhang bagong bili naman iyon kaya okey lang.
Nakakapagod ang araw na ito, yung sa mall, doon sa puno, sa mansyon hayst! Nakakabaliw. Saka bakit ba ako nandito? Ano namang kailangan niya?
*****
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mata ko. Dali dali akong tumayo at pumasok sa banyo.
Pagkalabas ko ay siyang pag katok ng kung sino sa pinto.
"Sino yan?"
"Ma'am pinapagising na po kayo ni Ser baba na daw po kayo." Magalang na saad ng isang maid dito sa mansyon nila Sytton.
BINABASA MO ANG
The ARROGANT and ME [MAFIA SERIES #1]✔
Romance[COMPLETED] Chelly was just a simple nurse but in a one glimpse, it all changed. One of her patient changed her life. She found out his secret Because the man she cares for is a MAFIA BOSS Ps: Sytton Denovan Templeton story Highest Ranking #1 in...