Ika Lima
*******Mag gagabi na ng pagpasyahan kong kunin na yung panghuling iinumin niyang gamot.
Pagkabalik ko sa loob ay wala na yung tatlo. Inilapag ko sa tabi niya yung gamot.
"Ah nga pala ano yung kakainin mo ngayon? Ako na ang oorder sa cafeteria." Saad ko kahit na ang mga mata niya ay busy parin sa laptop na nasa unahan niya.
"Do you think I will eat food from your cafeteria? I already order my dinner, no thanks Tsk!" Inis na Saad niya.
Nagtatanong lang naman ako, anong masama doon? Tsk! tsk!
"Ah ganun ba? Mabuti naman. Nandito na pala yung gamot mo. Ito na yung huling iinumin mo ngayon."
Busying busy parin siya sa ginagawa kaya umupo nalang ako sa pang isahang upuan saka tinitigan siya sa kanyang ginagawa. Nagsasalubong ang kanyang makakapal na kilay sa bawat pagtitipa niya. Napatitig naman ako pababa sa kanyang leeg. Napalunok ako ng makita ko ang kanyang Adam's apple. Shet! Bat biglang uminit. Hinilamos ko nalang ang mukha ko.
Tumigil siya sa pagtitipa saka tinanggal ang kanyang eye glasses na suot. Hinilot niya ang kanyang sentido saka napa tingin sa gawi ko. Ni hindi manlang siya natinag kahit na nakatingin nako sa kanya. Hindi niya parin binabawi ang tingin kaya ako nalang ang umiwas. Inaamin ko napakahot niya sa ginagawa kanina.
"Do you eat dinner already?" He asked me. Umiling nalang ako bilang sagot.
Kinuha niya ang cellphone sa tabihan niya saka may pinagpipindot doon. Maya maya lang biglang bumukas ang pinto kaya napatayo ako.
Nakita ko si Kiel na may dala dalang two bags of foods saka sumunod naman sa kanya yung dalawang kambal namay bitbit na kung anong plastic sa mga kamay.
"Boss Sytton, ito na yung order mo." Masayang saad ni Kiel habang may malawak na ngiti na halos hindi na makita ang mata. Inilapag niya ang pinamili sa round table na nasa unahan ko. Nginitian niya ako kaya nginitian ko rin siya bilang ganti.
"Boss una na kami, balik nalang kami mamaya pag tapos na kayo, bye Chelly." Saad niya saka lumabas na ng pinto.
Pagkasarado ng pinto ay katahimikan ang namayani sa pagitan namin. So Sytton pala pangalan niya.
"Prepare our foods." Utos niya saka binuksan ang t.v.
Tama ba pag kakaintindi ko? Pagkain namin? Inayos ko nalang wala rin naman akong magagawa. Kinuha ko yung tray saka isinalansan ang pinamiling mamahaling pagkain. Ganito pala yung gusto niya eh? Yung gagastos ng ilang libo para lang sa dinner. Mga mayayaman nga naman.
Lumapit ako sa higaan niya saka nilagay yung tray. Sunundan niya ako ng tingin kaya kinabahan ako. Kaya mo ito Chelly girl! Fight.
Umupo ako sa gilid niya saka kinuha ang spoon para ilahad sa kanya ang pagkain. Inilapit ko sa kanyang bibig yung spoon na naglalalaman ng food. Nakakita ako ng pagtataka sa mata niya ngunit panandalian lang iyon bago niya isinubo ang pagkain. Habang gumunguya siya ay nakatingin siya sakin. Napalunok nalang ako.
Ginagawa ko lang naman yung dapat gawin ah? Pasiyente siya dito kaya yun dapat ang gawin. Bahala na
Nagpatuloy lang ako sa ginagawa ng mag salita siya.
"Anong oras ang out mo?" Ayun ang kauna unahang tagalog na salita ang narinig ko mula sa kanya. Marunong naman palang mag tagalog ang isang to.
"Mamaya pang 8:00 out ko." Nakatuon sa pagkain ang atensyon ko.
"Someone's gonna fetch you?" He asked
"Hmm no ones gonna fetch me. Kasabay ko ang kaibigan ko."
Sinilip ko siya, nakita kong salubong ang kilay niya para bang malalim ang iniisip. Nagtama ang mga tingin namin, nagtatanong ang tingin ang ibinigay niya saakin.
"Hmm She's a girl and her boyfriend gonna fetch us." Bakit kailangan ko pang magpaliwanag sa kany?
Tumango tango pa siya na para bang okey na sa nalaman.
Iniligpit ko ang pinagkainan niya saka pinainom na rin siya ng gamot. Maya maya nag salita uli siya.
"Eat your food first before you go." Hindi yun tanong kundi utos kaya nilingon ko siya.
"Hindi na, may usapan kase kaming kakain sa labas."
Binaling nalang niya sa t.v ang tingin at hindi ako binigyang pansin. Bahala siya. Isinalansan ko nalang ang pagkain, hindi naman ito masisira saka baka mamaya magutom si Kiel edi ipakain niya dito. Pupunta pa naman dito yun mamaya sabi niya.
"Tsk." Rinig kong singhal niya.
Tinignan ko ang relong pambisig 7:54 pm na malapit nako mag out. Tinignan ko uli siya, naka salubong na ang kanyang kilay at parang galit. Inilipat lipat niya sa ibang channel ang t.v bago ito pinatay. Padabog niyang binaba ang remote sa coffee table.
Kinuha ulit niya ang laptop at nag simulang magpipindot dito. Hindi na niya ako muling pinansin kahit nung nagpaalam nako sa kanyang mag out na.
Nandito na kami sa Fa'cio ngayon habang kumakain ng dinner. Nangangalahati nako sa pagkain ng matanawan ko si Silver sa labas ng restaurant. Nang makita niya akong nakatingin sa kanya ay umalis na siya. Anong ginagawa niya dito? Ano kaba Chelly baka nagkataon lang. Baka may biniling pagkain or kaya naman may kikitain din dito.
Hinatid din kami ni Jim pauwi, naglambingan muna ang dalawa kaya pumasok nako sa loob ng kwarto. Nakakapagod ang araw na ito. Feeling ko ang daming nangyari.
Tinanggal ko muna ang sapatos ko bago humiga muna sa kama bago naghanap ng damit para maligo.
Pagkatapos kong maligo ay dumiretso na agad ako sa kwarto. Hinihintay ko nalang na dalawin ako ng antok ngunit sadyang kung kailan gusto mo matulog, ayaw kang dalawin ng antok. Nag pagulong gulong pako sa kama saka tumitig sa kisame para makatulog pero wala parin. Naaalala ko nanaman ang mukha niya, yung inakto niya kanina bago ako umuwi. Ni hindi manlang ako pinansin, bahala siya.
Nagising ako ng maramdaman kong parang may nag bukas ng pinto. Kaya napabangon ako... sino naman yun? Nakalimutan ba ni Andy isara yung pinto?
Lumabas ako, nakita kong patay na lahat ng ilaw kaya binuksan ko ang ilaw sa sala. Naka sarado naman ang pinto. Tumingin pa'ko sa kwarto ni Andy tulog na ang babae inilock ko ang pintuan ng kwarto niya. Saka pumasok na ulit sa loob ng sariling kwarto.
czarahfai
BINABASA MO ANG
The ARROGANT and ME [MAFIA SERIES #1]✔
Romance[COMPLETED] Chelly was just a simple nurse but in a one glimpse, it all changed. One of her patient changed her life. She found out his secret Because the man she cares for is a MAFIA BOSS Ps: Sytton Denovan Templeton story Highest Ranking #1 in...