Ika Isa
[EDITED]
******
Chelly's POVI'm here sa nurse station. Umabsent kase si ate Mabell na nakatoka rito ngayon kaya't ako muna ang pumalit.
Ang duty ko sana ngayon ay panghapon kaso walang kapalitan si Ate Mabell, nakiusap ito kahapon saakin na kung maari ay 5:00 am palang ay pumasok nako, ngayon ay 6:40 am na at wala parin akong kain ng umagahan. Patiently waiting kay Eliss na dumating agad.Noong nakaraan ay halos overtime rin ang ginawa ko dahil need ng lola ninyong kumayod para sa ika-aangat ng bansa, ang kinalabasan pagod ang ate ninyo.
Tahimik ang hallway kaya nag patugtog nalang muna ako. I even checked the patient lists and even the doctors na nakaassign sa mga ito.
It was a typical day na masasabi ko na lagi naman talagang nangyayari sa araw-araw na ipinasok ko rito. Inayos ko ang gusot sa unipormeng suot. May mga iilan ilang patients ang nagdischarge at nag-charge na usual naman talaga sa isang hospital.
Pamaya-maya naman ay pinalitan nako ni Eliss kaya pwede nako mag break.
"Uy! Sige na Chel, ako na rito." Bungad niya saakin.
"Sige Eliss, una nako." Nginitian ko muna ito bago maglakad papuntang canteen ng hospital. Bibili ako ng wapple at coffee latte, para pang umagahan ko.
*****
Pag bungad ko sa canteen ay hindi naman masyadong marami ang tao dahil maaga panga. Agad-agad kong pinuntahan sa counter si ate Beth.
"Ate Beth yung alam ninyo na!" nakangiting saad ko habang nasa counter.
"Ikaw talaga ang pang goodvibes ko sa umaga." saad niya bago ibigay sakin ang inorder maka lipas ang 3 minuto.
Napapatawang kinuha ko ang order saka naghanap ng mauupuan. Nginitian ko rin ang mga kapwa co-nurses ko na nakita roon. Nasa bandang gitna ako umupo, kitang kita ito sa exit and entrance ng canteen. Kaya kitang kita ko ang mga taong papasok at aalis doon.
Mamaya pa namang 9:30 am ang unang patient ko. Kaya kakain muna ako ng marami 8:36 am palang naman ng umaga, tatlong oras akong nag stay sa nurse station para magbantay kanina.
I'm sipping to my latte when someone sits to my front, si Matt, isa siyang doktor dito. Matagal na niya akong pinupormahan simula nung makapasok ako bilang qualified nurse ng hospital. He's good, saka magaang kasama pero may hinahanap akong wala sakanya. Ewan ko lang o sadyang hindi lang talaga ako mahilig sa relasyon. Lalo na't NBSB ata ako.
"Hi Chelly." Nakangiting saad nito habang kitang kita ang dimple sa dalawang pisnge.
Actually gwapo naman siya. Ma appeal saka pinagkakaguluhan ng halos lahat ng mga co-nurses ko rito. Pero parang hindi parin sapat ang gwapo lang.
I smiled back at him, you know baka sabihin namang napaka snobber ko kung hindi ko gagantihan ang bati niya. Patapos narin ako nong dumating siya kaya't nagpaalam nakong aalis. I fixed the plate and mug that I used para sana tumayo na but pinigilan niya ako sa kamay.
"Tapos kana agad? Hintayin mo nako." pangungulit niya.
He tried to pull me again pabalik sa pwesto ko kanina.
"Meron pa kase akong gagawin." pag dadahilan ko, and I gave him a uncomfortable smile.
I saw na unti unting nawala ang ningning ng mata niya sa narinig. Kaya't imbes na umalis nalang at pabayaan siya ay sinabihan ko ito.
"Sige pag may time ako sasabihan kita." Pagkarinig na pagkarinig niya sa sinabi ko ay umangat ang mukha niya na kaninang nakatungo. Muling umilaw ang pag-asa sa mga mata niya saka binigyan nanaman ako ng nakakahipnotismong ngiti.
"Really? You promised? Wala ng bawian." Tumayo ito at inayos ang robang suot sa pagkakagusot sa pag upo kanina.
Pagkalabas ng canteen ay sinamahan pa ako nitong ihatid sa assign station ko.
"Salamat sa paghatid Doc. Matt, sige na baka may patients kana roon. Working hours right."
Mukhang ayaw pa kase nitong umalis at gusto pa makipagdaldalan saakin kaya't pinilit ko na itong ipagtabuyan.
Tinignan ko ang oras sa relong pambisig 12:13 na pala. Kailangan ko ng mag madali. Dumiretso agad ako para kumuha ng gamot sa med station.
Hindi ko namalayan ang oras, chinika kase ako ni Doc. Matt eh..
czarahfai
BINABASA MO ANG
The ARROGANT and ME [MAFIA SERIES #1]✔
Romance[COMPLETED] Chelly was just a simple nurse but in a one glimpse, it all changed. One of her patient changed her life. She found out his secret Because the man she cares for is a MAFIA BOSS Ps: Sytton Denovan Templeton story Highest Ranking #1 in...