Ika Labing Lima
*****
EDITEDIsang sigaw galing sa labas ng pintuan ko ang nag pagising sa nahihimbing kong diwa. Tumayo ako saka pumunta sa pinto para buksan Ito.
Tahimik na hallway lang naman ang sumalubong saakin. Dim na ang ilaw sa daan ng mga ito na usually set nito pag tulog pa ang mga tao. Saan ba nanggaling ang sigaw?
Napadpad ako sa pinakadulong hallway kung saan naririnig ko ang mahinang daing. Nakakapanindig balahibo.
Sa pinaka dulong kwarto ito nanggagaling. Dahan dahan ko itong pinuntahan.
Ito yung hallway na pinakadulo sa dulo, intindi ninyo ba? Ah never mind. Nakarinig ako ng mga yabag at kaluskos na lalong nagbigay saakin ng idea para puntahan ito.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng niluwa nito palabas si Sytton.
"Anong ginagawa mo dyan?" Tanong ko saka silip sa loob ng pinto. Madilim ang loob nito kaya diko maaninag kung ano ang nilalaman ng kwarto.
"Ikaw, bakit ka nandito?" Balik tanong niya saakin saka pinasadahan nang tingin ang katawan ko.
"Nakarinig kase ako ng sigaw." Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin saka pinagtaaasan siya ng kilay.
"Tsk! Guni guni mo lang yun, matulog kana."
Tinalikuran niya ako saka naglakad papaalis.
"Oy, teka nga! Hindi paako tapos mag tanong." Hinabol ko siya.
"Ano bang laman ng kwartong yun? Saka bat ang dilim sa loob?"
Walang sagot.
"Oy, kausapin mo nga ako Sytton." Pigil ko sa paglalakad niya.
Humarap siya sa tabi ko saka binigyan ako ng pansin.
"Tinatanong kita kaya sumagot ka."tinaasan ko siya ng kilay sabay lagay ng kamay sa dibdib.
Binigyan lang niya ako ng walang kwentang tingin.
"Kausapin moko pagmaayos na ang suot mo, baka mamaya magsisi ka Tsk!"
Tinalikuran niya ulit ako saka nagpatuloy sa paglalakad.
Maayos naman suot ko ahh sabay pasada sa damit. Ayy SHET! BWESET NATO!
Kakagaling ko lang diba sa pagtulog, ayun nakalimutan ko nga palang wala akong bra tapos---
ASHH! SHET! MANYAKOL!! KAYA PALA PANAY TINGIN SAAKIN KANINA.
Actually kase bakat siya sa suot kong damit.
NAKAKAHIYA..
*****
Nang makasalubong ko siya sa hallway umiwas agad ako. Nahihiya parin ako sa nangyari.
"Oy Chelly ginagawa mo dyan?" Tanong ni Kiel nung makita ako isang araw sa pinakadulong hallway.
"Wala naman may tinitignan lang."
Nacucurious talaga ako sa nilalaman noon. Tatlong araw na ang lumipas noong tinangka kong puntahan ang hallway na yun, pero hanggang ngayon hindi ko parin nalalaman ang nakapaloob doon.
"Kumain kana, Chelly tignan mo oh. Hindi mo pa nababawasan yung food mo."
Nilagyan ni Kiel yung plate ko ng karne, basta karne yun hindi ko alam kung anong luto.
Mahigit isang buwan na siguro ako sa mansyong ito pero hindi ko parin alam kung ano talaga ang dahilan kung bakit ayaw nila akong palabasin.
"Tulala ka dyan." Puna nanaman ni Kiel saakin.
"Ahh wala may iniisip lang hehe, bat dika pa natutulog?"
Nandito ako ngayon sa Teresa ng pangalawang palapag habang nagmumuni muni at nagpapaantok.
"May pinapatapos pa sakin si Boss. Ikaw matulog kana pag nakita ka noon dito mapagalitan kanaman nun."
Gustong gusto kong tanungin si Kiel kung alam ba niya ang laman ng kwarto sa pinakadulong hallway kaso baka hindi din naman niya sabihin ang totoo. Kaso alam naman ninyo Curious talaga ako kaya tinanong ko parin kahit nagdadalwang isip.
"Amm Kiel, tanong ko lang amm alam mo ba kung anong laman ng pinakadulong kwarto sa hallway makalampas sa library?"
Tumitig lang ito saakin para bang nagdadalwang isip kung sasagutin ba ang tanong ko o hindi.
"A-HH Chelly mas mabuti kung si B- boss nalang tanungin mo he-he he." Sabay kamot sa ulo.
Pagkatapos kong tanungin si Kiel ay hindi ko na muling tinangkang tanungin ito. Alam ko din naman kase ang isasagot niya.
Kinabukasan umalis muli sila Sytton at ang tatlong asungot na lagi naman niyang kasama sa tuwing aalis ng mansyon.
Naiwan nanaman ako kasama sila Nanang at ang mga blackmen sa bahay. Tila ba sa loob ng isang buwan at nasanay narin ako sa takbo ng ginagawa.
Magtatanghali na noon ng umakyat ako sa second floor upang puntahan ang kwarto subalit sa pag akyat ko ay siya namang pagkapukaw ng aking atensyon sa pinakadulong kwarto. Patay ang ilaw doon kung kayat kung titignan mo ay para bang kahit sino hindi tatangkaing puntahan ito.
Pero siguro kung ito lang naman yung oras mo para puntahan yung kwartong ito na walang susuway sa iyo, sino ba namang hindi susulitin ang pagkakataon?
Dali dali akong pumunta sa gawi noon. Kahit pa alam kong pagagalitan nanaman ako ni Sytton pagdating niya ay wala akong pakielam.
Sarado ang pinto kaya't ang ginawa ko ay humanap ako ng kung ano mang ipangsusungkit doon.
Habang ginagawa ko iyon gamit ang hairclip na suot ay nakaririnig talaga ako ng mga mahihinang sigaw at daing sa loob. Para bang nanghihingi ito ng tulong. Dala ng kuriosidad ay pinilit ko talagang buksan ang pinto ng pintuan kahit pa napaka IMPOSSIBLE nitong mabuksan dahil sa kahit anong gawin kong pag sungkit ay wala paring epekto.
Sa huling pag kalabit ko ay siyang paglagitik ng seradula na siyang ibig sabihin ng pagbukas nito.
Sa pagtulak ko ng pinto upang pumasok ay isang madilim na silid ang bumungad saakin. Sa sobrang dilim nito ay wala ako ni isa manlang na maaninag kung kayat kumapa kapa ako sa dingding kung may switch manlang na nandoon.
Pag bukas ko ng ilaw ay siyang empty space lamang ang nandoon. Walang anumang gamit o tambak. Kung sa unang tingin at isang ordinaryong kwarto na walang laman lang. Ngunit may naririnig talaga akong boses ng kung sinong tao doon sa loob.
Inikot ko ang kwarto at hinanap kung saan nanggagaling ang boses. Kinapa kapa kopa ang dingding baka kako may hidden door na nakatago roon, yung tulad sa tv na napapanood natin na biglang may bubukas na hidden door.
Pero wala akong nakita.
Sa paglilibot ko sa kwarto, may natapakan akong kung anong lumagitik sa sahig.
Nakita kong kakaiba itong tiles na ito sa lahat, nakaangat ng bahagya ang kalahati nito na para bang may kung sinong tao ang nag angat noon.
Inurong ko ang nakaangat na tiles sa lapag hanggang sa nakakita ako ng isang metal door na naka lagay doon.
.
ISANG LAGUSAN.
czarahfai
BINABASA MO ANG
The ARROGANT and ME [MAFIA SERIES #1]✔
Romance[COMPLETED] Chelly was just a simple nurse but in a one glimpse, it all changed. One of her patient changed her life. She found out his secret Because the man she cares for is a MAFIA BOSS Ps: Sytton Denovan Templeton story Highest Ranking #1 in...