Ika Labing Anim
******
EDITEDNapakahirap buksan ng metal door na ito. Para bang makakalas ang mga braso at kamay ko sa paghatak pataas upang buksan ito.
Nang maiangat ko ito ay siyang pagkakita ko sa isang hagdan pababa. Bakit may ganito sa bahay na ito?
Dahan dahan kong binagtas ang hagdan pababa sa kung ano mang secret room na ito. Mas lalo ko pang nadinig ang hiyaw ng isang lalaki.
Boses ng lalaking tila ba parang nabobosesan ko.
"TULONG! I NEED HELP HERE! HELP F*CK HELP ME HERE!! TANGIN* MO SYTTON PALABASIN MOKO DITO!!"
Lalo ko pang nadinig ang mga sigaw niya ng tumapat ako sa isa pang pinto sa baba.
Binuksan ko ito upang tuluyang kompirmahin ang hinala kung sino ang lalaking iyon.
"Ma-Matt anong ginagawa mo d-dito?" Tanong ko sa isang lalaking naka posas ang mga kamay sa silid na iyon.
Tila ba nagulat din siya ng makita ako dahil nanlaki rin ang mga mata niya.
"C-chelly? What a-are you doing here?"
Parang hindi siya ang Matt na nakilala ko dahil gunit gunit at mukhang gusgusin na ang nasa unahan kong ito.
Halatang matagal tagal narin siyang hindi nabibihisan at napapaliguan. Halata rin ang mga tuyong dugo sa balat at damit niya na kulang nalang ay malagot lagot na.
"CHELLY YOU NEED TO HELP ME HERE!! PLEASE CHELLY I NEED YOUR HELP, TANGGALIN MO ITONG POSAS PLEASE CHELLY!!"
May halong sigaw at pagmamakaawang saad niya saakin habang nakaluhod sa sahig. Bakit siya nandito? At sino ang may gawa sakanya nito?
Parang ilang segundo pa ang tinagal ko sa pagtayo lang sa harapan niya bago siya tinanong muli.
"A-anong nangyari sayo Matt? S-aka sino ang may gawa sayo niyan?" May halong awang tanong ko sa kanya.
Kung titignan mo talaga siya ngayon, malayong malayo siya sa Matt na nakilala ko sa Hospital. Yung isang masugid na may gusto sayo tapos bigla mong makikita sa lagay na ito tiyak na magugulat ka talaga sa nangyari sakanya.
Bakit ginawa ito ni Sytton sa kanya?
Dali dali ko siyang dinaluhan upang tanggalin ang posas niya ngunit sadyang sobrang tibay ng pagkakalagay nito.
"F*CK CHELLY BILISAN MO!!"
Nataranta naman ako sa pag sigaw niyang iyon. May halo kase iyong takot at pagmamadali.
Tumayo ako saka hinanap kung may susi manlang na nakalagay doon.
Nakakita ako ng isang kumpol ng susi sa taas ng isang estante. Dali dali ko itong kinuha at tinanggal ang pagkakaposas ni Matt. Nung una Nahirapan ako sa pag hahanap ng susing naaayon sa posas niya, ngunit nag try ako ng nagtry hanggang sa matanggal ko ito.
"Thanks Chelly, h-alika aalis na tayo dito. You're n-not safe here." Hinigit ni Matt ang braso ko paharap sa gawi niya.
"Kilala mo ba si S-sytton C-helly?" Napaka lalim na ng kanyang mga mata tila ba nakadanas siya ng matinding pagpapahirap dito. May mga galos at sugat sa buong katawan.
"A-mm b-bakit?"
"Masamang tao si Sytton Chelly, sumama ka sakin tatakas tayo rito pupunta tayo kay boss. Ligtas tayo roon."
BINABASA MO ANG
The ARROGANT and ME [MAFIA SERIES #1]✔
Romance[COMPLETED] Chelly was just a simple nurse but in a one glimpse, it all changed. One of her patient changed her life. She found out his secret Because the man she cares for is a MAFIA BOSS Ps: Sytton Denovan Templeton story Highest Ranking #1 in...