Ika Anim
******Kinabukasan inagahan ko na talaga ang pag gising. Pambawi manlang sa nalate na araw kahapon. Ewan ko ba, basta ginanahan lang akong kumilos ngayon kesa nung mga nakaraaang araw.
Nakabihis at naka ayos narin ako. Hinihintay ko nalang matapos si Andy sa pag aayos bago tumulak na papaalis.
"Halika na, tapos nako."
Pagkababa na pagkababa namin saktuhang may nakatigil na taxi sa tapat kaya pinara namin ito.
"Ang aga pala natin best ngayon. HAHAHA siguradong ginaganahan kana ngayon pumasok ng maaga sa Hospital, dahil may yummy na pasyente siyang inaalagaan." Malisyosong saad niya habang inaayos ang mahaba niyang buhok sa pagkakapusod.
"Ewan ko sayo."
Mga ilang minuto nasa Saint Luke Hospital na kami. Mga 7:25 palang ng umaga ibig sabihin napaaga nga ang pagdating namin.
"Oh aga ninyo ahh." Bungad ni Eliss sa Nurse station habang inaayos ang mga patient list.
"Nako naman kase, sino bang hindi gaganahang pumasok ngayon eh may isang yummy na pasyente dito." Hindi man ako mismong tinukoy ni Andy pero alam kong ako ang tinutukoy niya. Alam ko na kaya mga parinig niya.
"Nako oo nga pala." Sabay pa ni Eliss dito. Pinagkakaisahan ako ng dalawa.
Nag attendance muna ako, bago sabay kami ni Andy na pumunta sa Cafeteria para magpalipas ng oras. Mamaya pang 8:00 am ang unang pasyente ko. Bale siya lang pala pasyente ko.
"Aga ninyong dalawa ah. Si Andy lang nakikita kong maagang dumating dito hindi ikaw Chelly." Biro ni ate Mabell.
"Nako ate Mabell sinabi mo pa. Inspired lang itong si best kaya ganyan."
"Saktuhan lang na maaga ako nagising ngayon, kayo talaga."
Halata ba talaga saakin?
"Oh siya maiwan ko na kayo mag roaming lang muna ako." Paalam ni ate Mabell.
Umorder ako ng isang coffee chinos dahil hindi naman pala inom si Andy ng coffee sa umaga. Umorder din ako ng dalawang pancakes para saakin at kay Andy syempre hati kami sa bayad.
"Wait lang best may kukunin lang ako sa locker. Babalik din ako." Paalam ni Andy saka nagmamadaling umalis sa cafeteria.
Tinignan ko ang oras sa relong pambisig. 7:35 palang. Tagal pa ng oras, bakit ba atat na atat ako magtrabaho? Kainis!
"Hi." Bati ni Doc Matt saakin habang suot ang puting robe at naka sabit sa leeg ang stethoscope na ginagamit ng mga doctor. Professional na professional ang datingan niya, bigyan pako ng isang ngiti na labas ang dimple.
"Hi." I greeted back.
"Buti nakita kita dito. Masyadong busy sched ko ngayon, di tuloy kita nakita kahapon." Naghihinayang na saad niya.
"Okey lang Doc Matt, atleast nagkita tayo diba."
"Labas tayo pag di na hectic schedule ko, saka kung may free time kana." Dati pa siyang ganyan saakin. Kahit na kadalasan hindi ako nakakasama sa mga anyaya niya tuloy parin siya sa pag aaya kaya minsan hindi ako makatanggi.
"Sige ba."
Nagkwento lang siya tungkol sa mga patient na hawak niya sa araw na iyon. Napatawa pako dahil may isang patient daw siyang noong isang araw na ayaw siyang paalisin pagkatapos niya itong painumin ng gamot.
"Buti nalang na charge na siya kahapon." Natatawang saad niya.
"Ganun ba? Buti nalang." Dagdag ko.
BINABASA MO ANG
The ARROGANT and ME [MAFIA SERIES #1]✔
Romance[COMPLETED] Chelly was just a simple nurse but in a one glimpse, it all changed. One of her patient changed her life. She found out his secret Because the man she cares for is a MAFIA BOSS Ps: Sytton Denovan Templeton story Highest Ranking #1 in...