Ika Siyam

6.9K 153 7
                                    

Ika Siyam

******
EDITED

Tatlong araw na ang lumipas nung umalis siya. Pero ako eto parang baliw na palaging may hinihintay sa entrance ng hospital. Lagi rin akong pumupunta sa room 320 nagbabakasakaling  bumalik siya.

BALIW KANA TALAGA CHELLY!

"Chelly, anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Doc Matt ng makita niya akong tinititigan ang ang pinto na iyon.

"Ah Doc Matt ikaw pala iyan. Hehehe  wala lang." Napapahiyang saad ko. Mukha ba akong baliw kanina? Hayst!

"Hindi na hectic schedule ko so pwede na ba kitang ayain mamaya? Dinner lang tayo sa labas." Nakangiting saad niya.

Nakakahiya namang tumanggi dahil nangako ako na sasama.

"Sige ba."

"Yes! Sa wakas, so hintayin nalang kita sa parking lot. Okey ba?" Nakangiti pa niyang saad.

"A-h sige."

Tumalikod nako saka bumalik na sa ginagawa.

Nagmumukha nakong baliw dito kakahintay na bumalik siya. Kahit man anino lang okey nako doon.

"Okey na po ba kayo lola? Baka may gusto po kayong kainin?" Saad ko sa isang pasyente ko sa araw na iyon. May katandaan na siya saka di na masyadong makalakad o makatayo manlang.

"Okey nako hi'ja, salamat pala sa pagaalaga saakin." Nakangiting saad niya saakin.

Naalala ko tuloy ang aking lola sa Cavite dahil sa kanya. May katandaan narin iyon, namimiss ko na siya. Mamaya tatawag ako kay ate Cristina para kamustahin si Nanay. Laking lola kase ako, bata palang ako ulila na. Kaya si lola na halos ang nagpalaki saakin.

"Ganun po ba? Kailan po kaya dadalaw ang mga anak o apo ninyo dito lola. Simula kase noong naconfine kayo wala kayong naging bisita dito."

"Nako busy sila lahat, ang iba naman nasa ibang bansa kaya hindi makakapunta." Malungkot na saad niya saakin.

"Ganun po ba? Nako wag kayong magalala dadalaw din po iyon dito." Saka ngumiti ng matamis para hindi siya paghinaan ng loob.

"Mabuti nga kung ganoon." Malungkot na saad pa niya uli.

Naawa talaga ako pag may mga ganito akong pasyente kadalasan sa mga ganitong edad pa. Nagagalit ako doon sa mga taong hindi manlang mabisita o maalagaan mga magulang nila. Okey naman sana kung busy pero sana mabisita manlang saka gumawa ng paraan para makapunta dito.

"Tawagin ninyo lang po ako kung may kailangan kayo lola, balik nalang po ako ulit dito mamaya bago po ako mag out." Saka lumabas na.

Sabay kaming naglunch ni Andy sa cafeteria may baon naman kaming dalawa para bawas gastos. Bumili lang kami ng maiinom solve na solve na.
Pagkatapos noon tinawagan ko si Ate Cristina.

"Kamusta na kayo diyan ate? Si nanay Kamusta? Okey lang ba siya? Saka yung maintenance na gamot niya ubos na ba?" Sunod sunod na saad ko.

Tagal ko narin kasing di napatawag. Tatlong araw na.

"Nako okey na okey naman, wag kang mag alala meron pa siyang gamot. Saka eto gusto kanang pauwiin. Wag kanalang daw mag trabaho." Saad ni ate Cristina.

"Pwede ba makausap si Nanay ate? Paki bigay naman sa kanya oh?"

"Nay gusto ka raw makausap ni Chelly." Saad sa kabilang linya.

"Si Chelly bato!? Oh apo kamusta kana? Umuwi kana dito namimiss kana namin. Aba noong nakaraang anim na buwan pa ang huling dalaw mo dito."

"Nay uuwi rin po ako dyan wag kayo magalala saakin dito. Kamusta po yung maintenance ninyo na gamot? Iniinom po ba ninyo sa tamang oras?"

"Nako okey nako Chelly, umuwi kana dito."

"Uuwi din ako dyan Nay sa makalawa. Hintay lang po kayo. Miss ko na rin kayo" saad ko

Naubos ang oras ko sa pagtawag. Pero okey lang din naman. Miss ko na sila..

Mag out na sana ako pagkatapos kong puntahan si Lola kaso naalala ko yung usapan namin ni Doc Matt na mag didinner kami ng sabay ngayon. Nagpaalam lang ako kay Andy na baka mamaya pa ako makauwi dahil may pupuntahan ako kasama si Doc Matt mag dinner ngayon. Pumayag naman wag lang daw magpagabi.

"So how was your day Chelly? Di tayo masyadong nagkita ngayon dahil sa ibang floor ka naiassign di tulad dati." Nandito na kami sa Fancy Restaurant na pinagdalhan niya saakin.

"Great, unusual ganoon parin. Ikaw how was your day?"

Tinitigan ko lang ang wine glass na hawak ngayon habang hinihintay ang sagot niya.

"Well I had 3 surgery sessions today, isa sa umaga at 2 hapon. Nakakapagod pero worth it naman dahil dito sa dinner natin." Nakangiting saad niya habang nakapatong ang mga siko sa lamesa at nakatitig saakin.

Nakakailang pero sanay nako.

"Ganun ba? Sana nagpahinga ka nalang. Mukhang pagod kana." Concern na saad ko saka tinitigan ang mukha niya.

Mukha talaga siyang pagod ngayon dahil malamlam na ang mga mata niya.

"Okey lang, ikaw naman kasama ko." 

Natapos ang dinner namin na masaya at maayos. Nag usap lang tungkol sa naging araw saka sa mga patient na hawak niya ngayon bago hinatid pa niya ako sa apartment.

"Salamat sa dinner, I enjoy it." Nakangiting saad ko habang nasa labas na ng sasakyan niya.

Lumabas din siya saka umikot para pumunta sa gawi ko. Pinasok niya sa dalawang bulsa ang kamay saka tinitigan ang mukha ko at ngumiti.

"I enjoy too, sana sa susunod uli. Kung pwede?" Saad niya saka sumandal sa kotse niya.

"Sige. Am pasok nako. Ingat ka sa pagmamaneho text ka saakin kung nakauwi kana."

Tumango siya saka lumapit sa gawi ko. Ginawadan niya ako ng halik sa pisnge saka tumayo ng maayos.

"I will. Good night Chelly." 

Pumasok nako sa loob saka umakyat sa taas. Pagkapasok ko ay buhay ang ilaw sa sala. Tulog na yata si Andy. Sinarado ko nalang ang pinto saka dumiretso sa sariling kwarto. Nag bihis lang ako saka humiga na. Maya maya tumunog ang cellphone ko.

Matt:

I'm home, sa uulitin ulit Chelly.
I really enjoy it :) Sweet dreams.

Di nako nagchat pa sa sobrang pagod.





Third person's POV

Really huh? Dating with that SHIT!. Tsk! Three FUCKING! Days. I just left but you have other man to date.

Tsk!

I'm going to watch you in far, don't worry baby. I'm going to claim you someday. Someday you will be mine, only mine.

Wait that day to come.


czarahfai 

 

The ARROGANT and ME [MAFIA SERIES #1]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon