Ika Sampu
EDITED*********
"Ah sige po sige po, salamat."
Binaba ko ang telephone ng makita kong papunta si Andy dito. Birthday kase niya bukas so, gusto ko surprise na muna. Bukas ko nalang sasabihin.
"Sino kausap mo?"nagtatakang bungad niya saakin. Umiiling iling naman akong sumagot. "Wala lang yun."
Nagtataka niya akong tinitigan.
"Okey, una nako." Tumalikod na siya saka umalis. Wala akong pasok ngayon kaya napag desisyunan kong sa bahay nalang muna tumambay. Tinatamad akong kumilos. Ni ayaw ko nga maligo o tumayo sa kama. Kaso kukunin ko pa mamaya yung inorder kong gift para kay Andy kaya tumayo nako at kumilos.
I'm here sa Mega Mall naghahanap ng makakainan. Mamaya nalang muna ako uuwi maaga pa naman.
Pumasok ako sa isang fastfood chain. Saka umorder ng makakain. Tinatamad talaga akong kumilos ngayon kahit kumain, basta! Magulo ako ngayon.
Pinnick-up ko yung inorder online sa isang shop dito buti nalang di matao ngayon. Pinapabalot ko narin para hindi nako magaaksaya pa ng oras sa bahay mamaya.
"Salamat po ma'am balik kayo ulit." Saad noong isang saleslady saakin.
Nagikot ikot pa ako sa mall, pumunta sa isang salon para magpa trimming ng buhok. Pag katapos noon ay bumili rin ako ng isang cake. May nakalagay pangang
Happy Birthday beshie
From Your best beshie ever
Papauwi na sana ako ng may makita akong kamukha ni Kiel na sumakay ng elevator. Si Kiel ba iyon? Baka kamukha lang? Pero dahil nga ilang araw ko narin silang gustong makita ay sinundan ko ito.
Nagmamadali akong sumakay ng elevator para pumunta sa parking lot ng mall. Pagkababa ko puro mga kotse lang ang nandoon. Tahimik at walang katao tao. Naglakad lakad pako baka nandito yun. May mga nakikita akong iilang mga kotseng papaalis saka papasok.
Baka namamalik mata lang ako.
Sa sobrang pagnanais kong makita ulit sila nag hallucination nako. Kailangan ko na talagang magpahinga.
Pagod akong naglakad papalabas ng parking lot ng biglang.
"Hmmmp! Hmmp!" May biglang humigit sa akin papunta sa madilim na parte ng Parking lot. Pinilit ko mang makawala sa hawak niya kaso sa sobrang higpit nito kahit isang pagkilos manlang ay diko magawa, kaasar yung mga pinamili ko. Tinatakpan ng kamay ang aking bibig.
Hanggang magdilim na lahat.
*******
Nagising na lamang akong nakahiga sa isang napakalaking kama. Mayroon itong desenyong mga bulaklak na gold at black naman na pinaghalo ang iba. Inilibot ko ang tingin sa paligid. Isa itong silid na may grey na kulay dinesenyuhan ng mga maliliit na dahong dark silver. Kapag ito ay nasisinagan ng ilaw ay mas lalong tumitingkad ang pagkadesenyo. May maliit na vase sa tabihan at may malaking binta ng terrace sa pinaka gitna na makikita mo sa labas ang isang malawak na hardin, matatanaw mo ito sa kinahihigaan ko.
Hindi oras ngayon Chelly para mamuri at mag describe.
Dali dali akong tumayo at binuksan ang pinto. Pagkalabas ko ay tumambad saakin ang napakalawak na hallway dagdagan pa nga napakaraming pinto.
Kinakabahan ako, saan nila ako dinala? Sino yung kumidnap saakin. Mga walang puso.
Takbo dito takbo roon ang ginawa hanggang lumiko ako sa isa pang hallway. Anak nang! sino ba nagdala saakin dito? Napaka tahimik at wala kang maririnig na ibang tunog kundi ang mga yabag na ginagawa ko.
BINABASA MO ANG
The ARROGANT and ME [MAFIA SERIES #1]✔
Любовные романы[COMPLETED] Chelly was just a simple nurse but in a one glimpse, it all changed. One of her patient changed her life. She found out his secret Because the man she cares for is a MAFIA BOSS Ps: Sytton Denovan Templeton story Highest Ranking #1 in...