Ika Walo
*****
[EDITED]Kinabukasan nagmamadali akong umalis ng bahay kahit pa madilim pa sa labas. Hindi ko na nga nahintay si Andy na gumising pa. Basta ngayon ang nasa isip ko lang ay makita siya. Kinakabahan ako at may halong pagkasabik.
Nang makasakay nako ay sinabihan ko ang driver na bilisan ang pagmamaneho. May emergency kako kahit wala naman. Buti nalang walang traffic kaya nakarating agad ako sa hospital.
Pagkapasok na pagkapasok ko ay naka salubong ko si Ate Mabell.
"Oh Chelly ang aga mo naman ngayon."
"Oo nga ate napaaga pala ang punta ko." Pagdadahilan ko kahit na ganun naman talaga ang pakay ko.
Maglalakad na sana ako ng muling mag salita si ate Mabell.
"Nakapag discharge na pala yung sa room 320. Diba patient mo iyon?"
Nakuha nito ang atensyon ko.
"Ate ahmm bakit?"
Wag mo sabihing nakaalis na siya ng wala ako dito."Nakalabas na kanina kanina lang sinundo ng mga naka unipormeng lalaki." Pagkarinig na pagkarinig ko noon ay nagmamadali akong pumunta sa kwarto niya.
Takbo lakad ang ginawa ko. Naka dali pako ng isang patient na pilay sa hallway sa sobrang pagmamadali ko maka punta lang agad sa room 320.
S-sabi niya hihintayin niya ako? Nag promise pa siya kahapon saakin.
Akala ko ba hihintayin niya pa ako ngayon bago siya umalis. Napag usapan na nga namin yun kahapon eh. Para tuloy ako maiiyak ng makita ko si Ella na naglilinis na ng kwartong iyon.
"Oh Chelly aga mo ah."
Wala na siya.. iniwan na niya ako. Di manlamang ako hinintay.. nanghihina ako.
"E-ella pwede bang ako nalang maglinis dito." Mahinang saad ko habang nakatungo.
"Okey?" Nagdadalwang isip pa na saad niya saka ako iniwan roon.
Napaupo ako sa kama saka naramdaman ko nalang ang panlulumo. Napag usapan na namin ito kahapon e, tumango siya bilang tugon. Wala umalis na siya...iniwan na niya ako.
Naramdaman ko nalang ang pag tulo ng luha ko sa aking kamay kaya pinunasan ko ito. Bakit ba ako umiiyak? Para akong timang dito. HAHAHA biliw na. Punasan ko man nang punasan ang pisnge ko hindi naman ito nakatulong para mabawasan ang mga luha na patuloy parin sa pag tulo.
"H...hh...hh nababaliw nako... h...hh...hh tumahan kana nga... bakit mo ba siya iniiyakan?.... h....hhh....hh." pagpapatahan ko sa sarili. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ng uniform ko saka pinunasan ang basang mukha na puno ng luha.
"Nababaliw kana Chelly." Bulong ko sa sarili saka sinabunutan ang sariling buhok.
Nang maka recover na, kinuha ko ang unan na ginamit niya. Mukhang hindi pa ito napapalitan ni Ella. Niyakap ko ito saka sininghot singhot. YUCK CHELLY! PARA KANG TIMANG SA GINAGAWA MO!
Ang bango, kunin ko nalang itong punda remembrance manlang sa kanya. Para naman akong baliw pag ginawa ko yon.
Nang matapos kong malinisan ang kwarto ay lumabas ako dala dala ang mga bedsheets saka punda.
"BESHH!! KANINA PA KITA HINAHANAP." sigaw ni Andy.
Baliw talaga tong babaeng to. Bawal sumigaw dito di na nadala mapagalitan. Dati kase may nag reklamo sa kanya ang ingay daw ayun napagalitan.
"Ang ingay mo." Saad ko ng sabay kaming naglakad.
"Naku naku! di kapa nasanay. So musta? Balita ko umalis na si Yummy patient mo."
Hindi ako sumagot.
"Sige mukhang ayaw mo pag usapan. Akin na nga yan. Dumiretso kana sa nurse station bibigyan kana nun ng bagong scheduled."
Kinuha niya saakin ang dala dala, siya naraw ang bahala roon.
Nakita ko si Ate Mabell sa nurse station.
"Kukunin mo na ba ang bagong scheduled mo Chelly? Mamaya ko nalang ibibigay sayo."
Pumasok ako sa loob saka umupo. Nakakapagod kahit na wala pa naman akong ginagawa parang naubos ang lakas ko sa pag iyak kanina.
"Can I know kung meron kayong patient na nagngangalang Sytton Templeton nung makalipas ang tatlong araw. Baka may isinugod dito." Tanong ng isang lalaki, actually may kasama rin siyang isa pa lumilinga linga ito sa paligid na parang nagmamasid.
"Sorry po sir but confidential po ang hinihingi ninyo. Pero kung kamag anak po ninyo pwede ko pong sabihin." Magalang na saad ni Ate Mabell sa isang lalaki.
Sytton Templeton? Bakit nila hinahanap si Sytton? Templeton pala ang apilyido niya.
"NBI Business." Saad nung lalaki saka nagpakita ng card na kasiguraduhang NBI business nga.
"Hmm sorry sir pero wala pong Sytton Templeton na pangalan ang sinugod dito makalipas ang tatlong araw." Si ate Mabell ang nagsabi habang hawak hawak ang patient list.
Napabuntong hininga ang isa saka napagawi ang tingin sa sakin. Kinakabahan ako, pinagpapawisan ako ng malagkit. Para bang nababasa niya yung isipan ko na kakilala ko ang hinahanap niya.
Tinitigan niya ako ng mariin kaya nag iwas ako ng tingin.
"A-ah ate Mabell alis nako. Mamaya k-ko nalang kunin schedule ko." Paalam ko saka umalis na.
Kung ano man ang pakay ng mga yun Kay Sytton, wala akong alam.
Sytton sino ka nga ba?
**********
Nakauwi nako ngayon. Parang wala nakong lakas pang tumayo para magpalit ng damit. Humilata nalang ako basta, saka unting unting pinikit ang mga mata.
Nakakapagod ang araw na to..
Mabilis ang aking paghinga hanggang sa napabangon nalang ako. SHIT PANAGINIP LANG PALA!
Hinawakan ko ang aking buhok saka hinihingal na tumayo para kumuha ng tubig. Pagkabukas ko ng pinto, kadiliman ang bumalot saaking paningin. Hindi nako nag bukas ng ilaw pa dahil kabisado ko naman na ang daan papuntang kusina.
Kumuha ako ng malamig na tubig sa refrigerator. Humampas ang malamig na hangin saaking balat sa pag bukas ko nito. Pinuno ko ang isang baso na naglalaman ng malamig na tubig saka dirediretsong ininom ito. Bago nilapag saka hinugasan.
Pabalik na sana ako ng makarinig ako ng kaluskos sa kung saan ako nanggaling. Napahinto ako sa pagbalik at tinanaw sa kinatatayuan ang pinanggalingan ng kaluskos. ANTOK LANG TO.
Panaginip nanaman. Nananaginip ako na binalikan daw ako ng mga lalaking NBI sa Hospital saka pinipilit akong magsabi ng totoo sa kanila.
Pinapahirapan nila ako...
Nagmamadali akong pumasok ng pinto ng kwarto saka nilocked ito. Binuksan ko ang lampshade na nasa tabihan ng kama saka kinuha ang cellphone, 3:20 am palang ng umaga. Parang hindi na yata ako dadalawin ng antok ngayon.
Humiga nalang akong uli saka pinikit ang mata. Kailan ko kaya siya makikita? Magkikita pa kaya kami? Hayst!! Baliw kana Chelly!
Makakalimutan din kita..
czarahfai
BINABASA MO ANG
The ARROGANT and ME [MAFIA SERIES #1]✔
Romansa[COMPLETED] Chelly was just a simple nurse but in a one glimpse, it all changed. One of her patient changed her life. She found out his secret Because the man she cares for is a MAFIA BOSS Ps: Sytton Denovan Templeton story Highest Ranking #1 in...