Ika Dalawampu't Pito

4.4K 76 7
                                    

********

It's been 5 months since nung malaman kong nagdadalang tao ako, this day may appointment ako kay Doc Miranda for my ultrasound.

Kinakabahan ako na ewan at the same time excited din. Mas dinaig panga ako ni Andy sa pagkaexcite. Ngayon kase malalaman if anong gender ni Baby.

Magkakaroon kami ng kaunting salo salo sa bahay mamaya, pagkakuha ko ng results. Then sa susunod na araw is mamimili na kami ng gamit ni baby. Mas maganda na yung maaga pa at hindi pa masyadong malapit sa kabuwanan ko.

Malaki laki narin ang tummy ko kaya napagdesisyunan kong mag leave nalang ng maaga sa trabaho. Isasabay ko narin ito mamaya pagdating ko sa Saint Luke Hospital.

"Oh buntis, dito kana. Hihintayin ka namin sa bahay mamaya then didiretso kaming grocery para mamili. If papauwi kana magsabi kalang ipapasundo kita kay Jimmy." Habilin saakin ni Andy. Hinatid kase ako ng dalawa dito sa hospital.

"Sige na, sige na. Masyado nakong nakakaabala sa inyo. Mag iingat ako, tatawag ako if uuwi na." Litanya ko para ulitin ang mga naihabilin niya.

"Good, excited na talaga ako! Hihi."












OH MY G! Hindi ako makapaniwala sa naging result ng ultrasound ko.

"You've a twin baby boy, Congratulations Chelly."

I can't believe it, I have twin baby boy in my tummy. Na iiyak ako ngayon na hindi ko magpaliwanag. OH MY! thank you so much God, for giving me this twin. I promise, aalagaan ko sila at mamahalin ng buong puso.

Binigyan ako ni Doc Miranda ng Milk brand upang inumin ko raw para maging healthy si baby. Sasabay ko pa ito ng mga vitamins while having balance diet.

Ang kabuwanan ko ay sa December na, August na ngayon at malapit na ang BER month's kaya't masyado na talaga na maraming pag gagastusan.

Nag insists na ang dalawa bilang ninong at ninang ng anak ko. Sila pa ang gagastos sa salo-salo ngayon.



Sinundo ako ni Jimmy sa hospital, masaya ako't ikinuwento nito saakin ang mga kaekekan na pinag gagawa ni Andy sa bahay. Nako po!

Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ay nakakita ako ng Design sa ding ding ng apartment.

"HAPPY 5 MONTH'S BABY
CONGRATULATIONS BESH!"

Natutuwa ako sa mga pinagagawa niya saakin ngayon. Todo effort pa itong magpatarpaulin.

"CHELLY ANO?! ANONG RESULT? SABIHIN MONA." Excited na excited na talagang bungad ni Andy saakin pagkapasok na pagkapasok ko palang ng apartment.

May mga lobong nagkalat sa loob halos puro kulay Blue at Gold. Ang hula kase ng babaeng ito ay lalaki raw ang magiging baby ko. Who knows na totoo pala ang hula niya.

"I have a twin baby boy!" Sabay pakita ng ultrasound pictures sa kanya.

Kitang kita ko ang gulat sa mukha niya ngayon. HAHAHA ang priceless ng mukha niya, wala akong masabi. Nakanganga ito habang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"A-no ulit ang sinabi mo Besh?" Gusto pa nitong ipaulit ang sinabi ko.

"Kambal kako na lalaki ang anak ko, tinagalog kona." Sarcasm na saad ko.

"OH MY GOSHHHHHHH! YHAAAAAAAAH! Sabi ko na, sabi ko na sayo e. Ayaw mo maniwala, ang lakas ng instinct ko huhu. Congratulations Besh!" Yumakap ito saakin saka kinuha ang ultrasound pictures saakin.

Napansin kong may kakaiba sa loob. Nakita kong nandito nanaman ang Chief Dylan na ito . Kumukulo talaga ang dugo ko sa isang to. Pinanliitan ko ito ng mata saka mataray na tinanong.

"Ano nanamang ginagawa mo dito?!" Galit na tanong ko.

He just stares at me na, parang may nagawa siyang kasalanan saakin. Totoo naman, naiinis ako sa presensya niya.

Maayos naman ang itsura niya ngayon. Magandang pangangatawan, magandang tindig saka maamong mukha pero para saakin napaka pangit niya. Yung mga mata niyang yun? Akala mo parang isang matanglawin. Laging nakamasid sa bawat galaw ko. Hindi parin pala sila tumigil sa kakamasid saamin. Tsk! Tsk! Wala silang mapapala saakin.




"Ah, Besh ininvite ko si Chief dito hehe." Saad ni Andy saakin ng makitang inis na inis ako sa lalaking ito.




Ayos naman sana ang araw na iyon kaso habang nasa hapag talaga at salo salo nang kumakain ay hindi ko maiwasang hindi maasiwa sa presensya ng Chief na iyon.

"Salamat Chief Dylan sa pagpunta, pasensya na talaga ah. Masyadong mainit ulo ng buntis sayo. Sauulitin ulit Chief." Dinig kong saad ni Andy sa Chief na yun.

Anong sa suulitin? Wala ng susunod.
Hindi kona siya papapuntahin dito.

Sinipat sipat ko pa ito sa baba if nakaalis na but sa huling silip ko ay nakita ko itong nakatingin na sa gawi ko. Dali dali akong tumakbo papasok.

Nakita kayo niya ako? Hindi naman siguro.

Makapag hinaw na at makatulog, tsk!

Di manlang nag goodbye saakin bago umalis, hmmp!





********

Next day napag desisyunan naming mamili na ng gamit ng kambal. Kung tutuusin nga mas maganda if ngayon na mamili pero umalis ngayon si Andy and Jimmy para asikasuhin ang mga papeles nila. Alam mo na, gusto narin nilang magpakasal. Malapit narin kaseng umuwi ang mama ni Jimmy sa Pinas kaya habang maaga pa mas maganda ng nakaayos na lahat.

"Nagugutom ako, parang gusto ko kumain ng Donuts."

Sinilip ko ang ref, pero wala akong gustong kainin sa mga nakastock. Lalabas muna ako, at bibili.

Nakabihis ako ng isang pinkish dress na ang haba ay hanggang tuhod ko. Hubog na hubog ang malaki kong tiyan sa damit. Lumaki laki rin ang aking mga hita at braso. Ang taba taba kona, tsk! tsk!

Lumaki laki rin ang dibdib ko dahil sa pagdadalang tao. Minsan sumasakit ito at sinasabayan pa ng pagkirot ng balakang ko. Minsan namamanas din nag mga paa ko lalong lalo na if nalamigan.

Papalabas na sana ako nang pagbukas ko ng pinto ay bumungad saakin ang taong kina iinisan ko.

"Wala dito si Andy, makakaalis kana."

Wala itong naging reaksyon sa sinabi ko, nakatayo lang ito ng maayos at naka formal na suot. Galing pa siguro ito sa trabaho niya.

"I'm not here for Andy. Sasamahan muna kita ngayon lalo't wala ka palang kasama dito."

Kumunot agad ang noo ko ng marinig ko ang sinabi niya.

"I don't need companion, kaya ko sarili ko. Saka pala aalis ako kaya kung gusto mo dito ka muna sa loob then hintayin mo nalang sila Andy na makauwi. " Nagpupumilit na saad ko.

Ang rude ko naman if hindi ko siya papapasukin sa loob diba? Mukhang galing pa sa trabaho ang isang to.

"Samahan na kita." Insists niyang saad.

Imbes ba makipag away pa ay pumayag narin ako. Para naman sa kaligtasan ng kambal. Baka mamaya may kung anong mangyari saakin if mag isa lang ako lalabas ngayon.

"Saan kaba pupunta? I have my car here."

"No need, gusto ko maglakad ngayon."





czarahfai

The ARROGANT and ME [MAFIA SERIES #1]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon