Ika Labing Dalawa

6.9K 137 7
                                    

Ika Labing dalawa
EDITED
*****


"Nako etong sila Jack and Jill ay alagang alaga ng batang iyon. Ayaw nga noon na basta batang pagkaing karne lang ang ipapakain, gusto niya ay yung mamahalin pa."

Nandito kase kami ngayon sa likuran ng mansyon para pakainin ang dalawang aso. Sakto namang papakainin na ni Inang ang aso kaya sumama ako.

Tahimik lang ang dalawang aso habang nilalagyan ni Inang ng karne ang kanilang kainan. Akala mo napakababait.

"Inang hindi po ba kayo natatakot na pakainin ang dalawang aso? Alam ninyo po baka kayo ay kagatin."

"Nako hindi hija mababait naman ang dalawang iyan kapag kilala kana. Nabalitaan ko nga kahapon na hinabol ka raw ng dalawang ito, tama ba?"

"Oo nga po Inang." Mabait naman si Inang, isa siya sa pinaka matagal ng naninilbihan sa pamilya ni Sytton. Pagkatapos niya akong ilibot sa buong mansyon ay inanyayaan naman niya ako para kumain.

"Sino po ang nagluto? Napaka sarap po."
May favorite, sinigang na baboy. Napadami ang kain ko ngayon, halos maubos ko nga ang kalahating rice cooker ng kanin.


Patapos na sana ako sa ginagawa ng biglang pumasok sa loob ng kusina si Sytton. Napaka intimidated ng datingan niya. Nakakunot ang mga noo tila laging galit o kaya naman ay may kung anong iniisip na hindi maintindihan.

Nung pumunta sa gawi ko ang mga tingin niya ay bumaling ako sa ibang direksyon.
Kunwari tinitignan ko ang mamahalin nilang chandelier sa dining area.

"Oh anong kailangan mo Sytton? Nadala na ni Becca ang pagkain ninyo sa taas." Salubong ni Inang sa kanya.

"Nothing Inang, may tinitignan lang." Saka inilipat ang tingin saakin.

Kumuha siya ng tubig sa ref saka nagsalin nito. Sinusundan ko siya ng tingin kaya kita ko ang lahat ng ginagawa niya.

Inubos niya ito ng isang tunggaan saka tumingin sa gawi ko. Ako naman, tumayo saka iniligpit ang ginamit. Hindi ko siya pinansin noong mapadaan ako sa gawi niya.

"I thought aalis kana?"

Nakatalikod ako sa gawi niya kaya may lakas loob akong magsalita.

"Nagbago na pala isip ko." Simpleng anas ko. Saka hinugasan ang sariling ginamit.

"Really huh? Nagbago ang isip mo dahil?" Nanunuya pa niyang saad.

Narinig ko ang kanyang mga yabag papalapit saakin kaya humarap nako. Pagharap ko nakita ko siyang nasa unahan ko na. Ikinulong niya ako sa pagitan ng lababo.

"A-ano ba? L-lumayo ka nga!" Tinulak ko ang dibdib niya para lumayo siya ng kaunti sa sakin. Sinasakop na niya ang private space ko.

Parang wala siyang narinig sa sinabi ko.

"Ano b-ba? Isa!" Tinulak ko pa siya ng isang beses ngunit parang walang nangyari.

Para siyang matigas na pader na hindi ko matinag manlang. Kahit na anong gawin kong pagtulak ay balewala.

"You're cute, when you are blushing." Bulong niya saakin sabay dampi ng isang magaan na halik sa pisnge ko.

At doon na nga nagsumulang mag habulan sa pagtibok ang puso ko. Hsjssjsjsjsjsjs, hindi ko mahanap ang mga salitang gusto kong sambitin.


Umalis siya na parang walang ginawa saakin. Iniwan niya akong tulala roon at mag isa. Kung may hawak lang ako plato malamang sa malamang basag na.

Nanlalambot ako, parang gusto kong lumubog nalang sa kinatatayuan ko ngayon. Wala akong ibang maisip kundi yung ginawa niya.


The ARROGANT and ME [MAFIA SERIES #1]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon