Ika Dalawampu't Apat

4.6K 82 3
                                    


******

I begged that day, so he will make me stay. Pero para lang itong wala sakanya.
I cried out loud while kneeling on him.

That day even the darkest night knows how pain I felt. Sumabay sa paghihinagpis ko ang langit. Bumuhos ang malakas na ulan habang nasa labas ako ng mansyon niya.

"P-please.. S-sytton, I'm begging you. Dont do this to me." Nagiginig ako sa lamig ng buhos ng ulan na bumasa saakin ng gabing iyon.

Walang magawa ang iba kundi titigan lang ako sa malayo. Wala si Kiel at ang Kambal sa mansyon noon pero tandang tanda ko ang mga masakit na salitang binitawan niya ng gabing iyon.

"I just used you, that's all. Nakuha ko na ang gusto ko. Nagamit na kita, you just worthless now. Leave, hanggat nasa katinuan pa ako." He said in cold voice.

Kitang kita ko sa mga mata niya na walang awang namutawi sakanya ng mga oras na iyon. Naghihinayang ako sa mga panahong inilagi ko dito, akala ko kase....

"Chelly? okey kalang? Isang Linggo kanang ganyan. Ayos kalang ba talaga?"

Ibinalik ko ang sarili sa kasalukuyan, pilit akong nagpapakatatag kahit na durog na durog na ako.

"O-o naman." Saad ko sa mahinang boses.

I pity myself that time, why I crossed the boundaries to down myself? Tsk! Useless, that's it.

Wala akong gana kumain noong mga nagdaang araw. Kaya't nangayayat ako't hindi  makapag trabaho ng maayos ngayon.

Pabalik na sana ako sa nurse station ng bigla akong mahilo, kung kaya't napahinto muna ako sa isang gilid, kamuntik pa akong mapasubsob sa sahig kung hindi ko lang naitukod agad ang kamay sa pader.

"You okey nurse Chelly?" Hindi ko nakitang nakita pala ako ni Doc Miranda. Isang OB-gyn physician ng hospital. Tinulungan ako nitong tumayo ng maayos. Iniupo ako nito sa isang bleacher sa hallway saka pinainom ng tubig.

"You don't looked okey, you should take a break first. Kumain kana ba?" Nakakunot ang mga mata nitong saad saakin.

Umiling lang ako bilang sagot.

"Nakakasama yan sa batang dinadala mo."

Nagulat ako sa inasal nito saakin, a-nong?...

"P-paki ulit nga po ng s-sinabi ninyo? Doc Miranda."

Parang isang bombang sumabog saakin ang katotohanan ng inulit nito ang sinabi saakin. Papa-anong? H-hindi.. ma-aari!..

Binigyan ako nito ng dalawang pregnancy test kit upang I-sure ang kalagayan ko. Nalaman niyang nagdadalang tao ako nang mahawakan niya ang palapulsuhan ko kanina. Dalawa raw ang pintig ng puso ko, kung kaya't sigurado siyang nagdadalang tao ako.

Kabadong pumunta ako ng comfort room, nasa mga kamay ko ang dalawang test kit na binigay niya saakin. Labis nalang ang gulat ko noong nakita ko ang dalawan' pulang linya sa test kit.

Itinesting ko pa ang isa at nag babakasakaling mali ang resulta ng nauna ngunit noong magkaroon ito ng dalawan' pulang linya tulad ng nauna ay doon nako parang pinagbagsakan ng langit at lupa.

B-Bakit?... shhhhh....

Tumagdag pa ito sa nagpsikip ng dibdib ko. Shh.. shhh... you can do this Chelly. Pagsubok lang to.

I comfort myself, pero hindi ko talaga kaya. Lalo lamang ako nasasaktan ngayon. I cry while staring my reflection to the mirror. You can do this...

You don't need him. He just used you, you begged that day, pero anong ginawa niya? Tinaboy ka niya Chelly..

Shhhhh




Halos 30 minutes or more ang itinagal ko sa banyo bago naisipang mag out na ng maaga ng araw na iyon. Ayaw ko munang sabihin kay Andy, natatakot akong husgahan niya. Itatago at sasarilihin ko muna ito.

Nagkulong lang ako sa kwarto pagkauwi na pagkauwi ko. Nakatulog siguro ako habang naiyak hanggang magising nalang sa katok saaking pinto.

"Chelly? Chelly? Buksan mo ang pinto. Kumain kana Chelly, I know na hindi maayos ang pakiramdam mo. Noong nagdaang araw hinayaan lang kita pero ngayon hindi na. Chelly?"

Hindi ako tumayo o kumibo manlang sa kanya. I need to rest, parang pagod na pagod ako. Hindi ko na alam ang gagawin.

Halos mag mamadaling araw na siguro kaya't napagpasyahan kong lumabas at uminom ng tubig. Siguradong tulog na ang isang 'yon.

Nakita kong may ulam at kanin sa hapag. Pagkakita na pagkakita ko nito ay parang si The Flash ang bilis kong ininit ito at kumain.

Ang sarap! May favorite, kare-kare, samahan mo pa ng alamang.

Naubos ko ang kalahating bahaw na kanin sa hapag, napagkahalahatian ko narin ang ulam. Tiyak na magugulat bukas si Andy sa madadatnan.

Napangiti tuloy ako na parang baliw.

"AHEM!..."

Pasubo na sana ako ulit ng makita ko siyang nakasandal sa pader ng kusina, nakasalamin ito't nakapangtulog na.

"Kakain ka'rin pala. Musta ang pakiramdam? Nabalitaan ko kanina na masama raw ang pansala mo? Hindi ka manlang nagsabi saakin, nagtatampo nako." Nakangusong saad nito saakin.

Lumapit ito sa gawi ko, saka pinagsalin ako ng tubig. Pinakiramdaman ko lang siya sa gagawin.

"Kumain kapa, ubusin mo na yan. Niluto ko talaga yan para sayo. Gusto sana kitang ipagluto ng lugaw kaso alam ko namang hindi mo kakainin iyon."

Nag lapag pa ito sa tabi ng isang tablet ng biogesic.

"I'm sorry..." mahinang sambit ko, actually nahihiya narin ako sakanya.
Nangutang ako noong nakaraang araw ng pera para ipadala kila Nanay sa Cavite. Naniningil na raw ang landlord nila roon. Ewan ko ba, pero sa tagal na tagal kong nawala. Ang dami ng nagbago.

Lumipat pala sila Ate ng tirahan noon kung kaya't nangungupahan sila ngayon.

Sa halos limang buwang nilagi ko sa mansyon. Wala tuloy akong ipon, hindi ko tinanggap ang perang inalok saakin. Para ano pa't para ipamukha saakin na ginamit lang ako?

Yung kasamahan naming si Eliss lumipat na pala sa ibang hospital. Halos mga bago narin ang ibang doctor doon. Iilan nalang ang natira at nagstay.

Nagbabalak narin sila Jimmy at Andy na magpakasal, lalo pa't uuwi ngayon ang ina ni Jimmy galing states upang mamanhikan kila Andy sa Caloocan.

"Okey kalang ba talaga Chelly? Saan kaba talaga napadpad noong nagdaang limang buwan? Yung totoo."

Napaiyak nalang ako bigla na hindi ko alam. Inalo ako nito't pinatatahan. Pagkatapos sinabi ko sa kanya ang lahat lahat. Inamin ko narin ang kalagayan ko, kung ano ang nangyari sa loob ng limang buwan. Saan ako napadpad, anong ginawa ko, sinong kasama ko. Lahat iyon ay ipinagtapat ko. Pati ang pagbubuntis ko.

"So anong gagawin mo ngayon? Hindi pwedeng ipalaglag mo yan Chelly, sinasabi ko sayo. Itatakwil kita bilang kaibigan pag ginawa mo yun." Advance na saad nito.

"Sino ba nagsabing ipapalaglag ko ang bata? Hindi kailan man pumasok sa isip ko yan. Ang point ko is paano nalang ang pagpapalaki ko sa kanya? Hindi pa stable ang kalagayan ko ngayon. Wala akong ipon sa pagbubuntis ko." Problemadong saad ko sakanya.

Kung bibigyan man ako ng pagkakataon na makahanap ng tatlong trabaho ngayon, pagsasabayin ko iyan kumita lang. Wala akong savings, hindi pa ako handa.

Pero buhay ng batang ito ang dinadala ko. Hindi ko kailangan ng tulong ng ama niya.





Kahit kailangan....








czarahfai

The ARROGANT and ME [MAFIA SERIES #1]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon