Ika Dalampu't Isa
Try to listen the vid👆
*********Papauwi na kami ngayon, nagkaayos at nagkalinawan na kami. Kahit wala naman talaga akong halos ginawa ngayong araw, feeling ko pagod na pagod ako dahil sa mga nangyari kanina.
"Are you okey bebe ghorl?" Tanong saakin ni Sytton.
Yup tama po kayo, bebe ghorl at bebe boi po ang call sign namin. Kanina lang po namin napagisipan yun at si Kiel ang nag suggest.
Corny ba? INGGIT KALANG KASE WALA KANG BEBE
"Yeah I'm okey Bebe boi. Napagod lang talaga ako kanina." Pagod na saad ko.
"Saan ka naman napagod Chelly?" Sabat ni Kiel na pagmamaneho ngayon.
Narinig kong humahalakhak si Sytton na nasa gilid ko ngayon.
"Bakit ka natawa?"
"Ha! Ha! wala naman, I just find it funny."
Siraulo na talaga ang isang to, nakasinghot kaya ito ngayon? Or worse expired na yung ininom niyang gamot?
"Stop the car on the nearest restaurant Kiel." Utos ni Sytton.
"Hindi pa tayo uuwi?" Curious na saad ko sakanya.
He just bite his lips then pitched my legs. Napaka MANYAKOL talaga ng isang to. Naka ngisi pa ang loko habang ginagawa ito.
Huminto ang sinasakyan namin sa isang mamahaling restuarant. The Dew Restaurant.
Halos malula ako sa mahal nang presyo ng bawat dishes na nakikita ko. Napalunok lunok pa ako nang halos kasing laki na ito ng sweldo ko sa hospital.
Talaga bang ganito ang mga mayayaman na mag dinner? Nagastos nang libo libo para lang sa kakarampot na pagkain.
"Chelly, what's your order?"
Natinag ako sa pagninilay-nilay ng tawagin ako ni Sytton. Kukunin na siguro ang order namin.
"I-ikaw nalang ang pumili nang akin."
Namawis ang noo ko doon a, nakakalula talaga ang mga presyo.
"One chicken chills stew, one emerald beef smoke and for the drinks just bring white Alexander wine.."
Tumigil ito saka tinanong pa ako kung ano pa ba ang gusto ko.
"Baby ghorl, may idadagdag kapa? Or anything you want?"
Napanganga nalang ako saka pinanlakihan siya ng mata. Jusmiyo! wala nga akong kaalam alam sa fancy dishes.
Tumango nalang ako saka tumitig sa waiter na nasa gilid namin.
"A-mm ok na yun, He He." Napagawi ang tingin ko sa mga taong kumakain sa loob ngayon.
Puro mga mayayaman base sa kanilang mga postura, saka sino ba naman ang walang kayang makakain dito diba? Tsk! Tsk!
Nag serve muna sila ng appetizers habang inaantay namin ang order.
Para itong bilo bilo, yung pang meryendang Filipino. Kaso ang pinagkaiba ay may mga dahon dahon akong nakitang nakahalo dito.
Tinikman ko naman ito pero SHET! ANG SARAP! Sunod sunod akong sumubo.
"Hey! Slow down." Pag suway saakin ni Sytton.
Tinitigan ko ito nang masama.
Naramdaman kong may dumating tissue sa gilid ng bibig ko."You messy eater." Saka Nakangiting tinitigan ako.
Nginusuan ko nalang siya bilang tugon.
Kung titigan mo talaga siyang mabuti ngayon, masasabi mong isang napaka matinong business man lamang ang kanyang pinabatakbo pero dahil sa mga nalaman ko kanina masasabi kong hindi ka dapat nagtitiwala sa itsura lamang.
BINABASA MO ANG
The ARROGANT and ME [MAFIA SERIES #1]✔
Romance[COMPLETED] Chelly was just a simple nurse but in a one glimpse, it all changed. One of her patient changed her life. She found out his secret Because the man she cares for is a MAFIA BOSS Ps: Sytton Denovan Templeton story Highest Ranking #1 in...