A/N: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to the actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
| PLAGIARISM IS A CRIME! |
Enjoy reading! :)
***
"Hoy, tara na. Nagiintay na daw don sila Ava tsaka Mia" sabi ni Ivy sakin.
"Oh, gagang Mia nandon na agad?" tanong ko habang nagsusuot ng heels.
Pupunta kami ngayon sa club ni Ava. Grand opening ni gaga ngayon eh. Syempre supporters niya kami.
"Excited si gaga eh" sabi niya at tumawa pa.
"Do i look okay na?" tanong ko at umikot pa sa harap niya. Nakasuot lang ako ng red fitted dress na above na knee. And naglugay na lang ako ng buhok dahil mahaba naman siya tsaka kinulot ko yung dulo.
"Oo okay nayan, papaganda ka pa wala naman don si Cloud" sabi niya kaya binatukan ko nalang siya.
"Aray naman, bakit totoo naman ah" sabi niya pa.
"Tara na nga, baka magwala pa yung dalawang gaga don" sabi ko at sumakay na kami sa kotse.
Nagpahatid kami sa driver ko kasi for sure hindi na kami makakapagdrive mamaya kapag kami lang. I'm sure hindi papapigil tong mga baliw nato.
"Oh, buti dumating pa kayo. Ang tagal ha!" sigaw agad ni Ava pagbaba namin ng kotse. Ang dami agad tao sa loob. Dami talagang kakilala nung babae nato.
"Shot muna!" sigaw ni Mia pagupo namin sa couch kung nasan siya.
"Gaga ka, kanina ka pa ba umiinom dyan ha. Alam mo naman low tolerance ka lang pagdating sa alcohol bida bida ka pa dyan na naguumpisang uminom" sabi ko sakanya.
"Kanina pa yan sobrang wild, ang dami na ngang nalandi eh ang tagal niyo kase" sabi samin ni Ava.
"Ang tagal kasing gumayak nitong babae nato kala mo naman nandito si Clo--" dipa siya natatapos tinakpan ko na agad yung bibig niya kaya natawa nalang sa inasta ko yung dalawa.
"Gagang to, hanggang ngayon di parin nakakamove on sa isang ulap" sabi ni Ava at tumawa pa talaga sila. Sarap sapakin. Si Mia naman ayon kanina pa umiinom, di na kami pinapansin.
Papahirapan nanaman ako nito mamaya."I'll be back later" sabi ni Ava at umalis para kausapin yung mga bagong dating. Puno na talaga yung club niya. Taray ni gaga.
"Hoy, ano di ka pa ba iinom? Tingnan mo oh, lasing na yung isa nayon" sabi ni Ivy na umiinom na, tinuro niya si Mia na itsura palang lasing na. Bida bida kase si gaga di naman kaya.
"Here" abot sakin ni Ivy nung shot glass na may lamang black label. Yun unang tinira ni gaga eh. Alangan namang ubusin niya mag isa yon.
"Hey, tara pakilala ko kayo sa mga friends ko" sabi ni Ava pagbalik niya sa table namin.
"Make sure na may gwapo don ha" sabi ko at tumayo na tsaka sumunod kay Ava na pumunta sa ibang table.
"Hey, guys! Meet my best friend, Sky" sabi ni Ava pagdating sa isang table na puro boys. Gosh, ang gagwapo nga. Pero yung isa sa kanila mukhang walang pakelam. Attitude siya pren. Nagpakilala na yung iba saken siya nalang hindi. Arte naman.
"Engineer, magsalita ka naman dyan" sabi nung isang kasama niya kaya nabaling yung atensiyon niya samin. Mukhang nagulat pa siya na makita ako don. Weird siya ha. Wait parang nakita ko na siya somewhere? Oh, nevermind.
BINABASA MO ANG
Reaching the Sky (University Series #1)
Teen FictionCloud Riley Martinez is aware that he will be having an arrange marriage after his graduation and he did not complain, until he met Crystal Skyler Perez. (University Series #1)