"Ma'am Sky, ready na po yung breakfast niyo" nagising ako sa katok nung maid sa room ko.
It's already 7 na so bumangon nako para gumayak. Pagbaba ko wala na don sila Dad.
"What time umalis sila Dad?" tanong ko sakanila.
"4am po" sagot sakin nung maid at tumango nalang ako.
Pagkatapos kong magbreakfast lumabas narin ako at sumakay sa kotse papuntang Campus.
Pagdating ko sa room nandon na yung dalawa at nagchichikahan.
"Goodmorning!" energetic na bati sakin ni Ivy. Ano nanamang nakain ng babae nato.
"Morning" sabi ko nalang at naupo na.
"Hoy, i heard pala umalis sila Tita?" sabi niya sakin.
"Yes, they went to Australia for their Anniversary" bored kong sagot.
"Kawawa naman, iniwan" sabi ni Ava at tumawa pa kaya inirapan ko siya.
"Oh? Then it means mag isa ka lang sa mansion niyo?" sabi pa ni Ivy. May binabalak nanaman tong bruha nato.
"Yeah"
"Ayon naman pala! Tara inom sa inyo!" sigaw niya agad. Sabi na eh may binabalak si gaga.
"Pota ka talaga" sabi ko lang at tumawa pa siya.
Dumating narin yung prof kaya hindi na siya nagsalita pa.
Pagalis non dumating narin yung isang prof. Pagkatapos neto lunch na namin.
"Tara nang cafeteria! May good news ako sakanila!" sigaw ni Ivy at nauna ng lumabas, gagang yon.
"Mia! Inom tayo maya kila Sky!" sigaw agad ni Ivy kay Mia paglabas niya sa room.
"Sure! Teka, wala ba don sila Tita?" sagot ni Mia.
"Wala, nagbakasyon. Iniwan si Sky" sabi nanaman ni Ava at tumawa pa hayp talaga.
Pagdating namin sa cafeteria, nakita namin sila Lucas at Nate na nakapila na kaya sumunod na don si Ava at Mia.
Kami naman ni Ivy yung naghanap ng table. Nung napalingon ako sa gilid, pota sana pala di nako lumingon.
Pano ba naman nakaupo don sa gilid si Cloud tas katabi niya yung haliparot nayon. Punyeta umagang umaga.
"Hey! Dito nalang kayo!" sabi samin nung haliparot nayon.
"Uy, tara dito" biglang dumating si Lucas at inaya din kami don kaya wala na kaming nagawa ni Mia at don na umupo.
Katapat ko yung haliparot dahil bida bida tong si Lucas na naunang umupo edi ayon siya tuloy katapat ni Cloud.
"Hey, tara kila Sky maya" sabi sakanila ni Ivy, habang kumakain kami.
"Anong meron?" tanong naman ni Lucas.
"Sorry, bawal tarantado samin" asar ko sakanya.
"Ah talaga? Eh bakit ka nandon?" sabi niya at nginisihan pako.
"Gago ka" sabi ko sakanya kaya natawa siya.
"Pikon, ampotek" sabi nanaman niya kaya hinila ko yung buhok niya.
"Aray! Napakabrutal mo talagang babae ka" sabi niya habang nakahawak sa kamay ko para alisin sa pagkakahawak ko sa buhok niya pero mas hinigpitan ko lang yung hawak ko.
"Gaga ka, bitawan mo na" sabi sakin ni Ava. At dahil medyo mabait pako binitawan ko narin yung buhok ni Lucas.
"Ang sakit ng anit ko pota" sabi niya agad pagkabitaw ko.
BINABASA MO ANG
Reaching the Sky (University Series #1)
Teen FictionCloud Riley Martinez is aware that he will be having an arrange marriage after his graduation and he did not complain, until he met Crystal Skyler Perez. (University Series #1)