His room is nice naman black and grey yung kulay nung mga gamit.
I thought magkasama lang sila nung Mommy niya sa isang room, magkahiwalay pala.
Tita Evilyn is so nice talaga, well she's her sister after all naman.
"1month lang talaga kayo dito?" tanong ko sakanya at umupo sa kama don.
"Yeah, why?"
"Well, hindi ko na alam kung anong palusot gagawin ko pag gusto kitang puntahan" sagot ko. Why so honest Sky?
"You don't need an alibi. You can go to my house whenever you want." sabi niya at tumabi sakin.
"So pwede rin akong tumira don kung gusto ko?" bat ba ang harot ko? Gosh.
"No" sagot niya.
"What? Why?"
"Magkakaroon naman tayo ng sariling bahay kaya bat ka pa titira don" sagot niya. Pota yung puso ko mama, hulog na hulog na.
"Bat ba ang harot mo?"
"Natututo nako sayo eh" sabi niya at tumawa pa. Clown ata talaga ko pag kasama ko to eh jusko.
"Hey, you didn't answer my question kanina" sabi niya.
"What? Kelan?" I asked.
"Sa cafeteria" sagot naman niya. Sa cafeteria? What the fucking shit! Yung 'can i court you' ba yung tinutukoy niya?!
"Do i need to answer that?"
"Yes, of course"
"When i first saw you, i already gave you permission to court me" sabi ko. Punyeta ka self, ang landi mo!
"Kelan mo ba ko nakita? Sorry, nakalimutan ko na" sabi niya at umaktong nagiisip pa.
"Gago ka!" sabi ko at binatukan siya.
"Cloud?" napalingon kami nung may kumatok sa kwarto niya. Kaya tumayo siya para pumunta don.
"Yes?" sabi niya at binuksan yung pinto. Si Tita pala.
"Oh, Sky nandito ka pala" sabi no Tita pagkakita sakin. Kaya tumayo ako at lumapit sakanila.
"Ah, tiningnan ko lang yung room niya, Tita" sabi ko sakanila.
"Oh? I didn't know friend mo na pala si Cloud" sabi niya pa.
"Ah, yes po--" di pako tapos nung sumingit si Cloud. Epal naman neto.
"I'm courting her, Tita" sabi niya kay Tita.
"Omygod! Really? Alam ba to ng Mommy mo?" sabi niya samin.
"Ah, hindi pa po" sagot niya.
"Ikaw talaga! Well, i must say magaling kang pumili. Galingan mo ha! Omo, i almost forgot" sabi pa ni Tita. Alam ko na talaga kung san nagmana si Ivy.
"Your Tita Christel and her daughter Charlotte is here pala" sabi ni Tita
"Why are they here po?"nagtatakang tanong ni Cloud.
"Bumisita lang, umuwi na pala sila galing Japan nung isang araw" sagot ni Tita.
"Nandyan na po ba si Mommy?" tanong pa ni Cloud.
"Oh, tinawagan ko na siya and she said naman na pauwi na siya" sabi pa ni Tita.
"Bumaba ka na ha, hinahanap ka na nila" sabi pa ni Tita niya at nginitian pako ulit tsaka nauna ng bumaba.
BINABASA MO ANG
Reaching the Sky (University Series #1)
Teen FictionCloud Riley Martinez is aware that he will be having an arrange marriage after his graduation and he did not complain, until he met Crystal Skyler Perez. (University Series #1)