"Hoy, punta ko sa inyo mamaya ha" sabi ko kay Ivy. Kakatapos lang nung last na klase namin, maaga pa naman so tambay muna kami dito sa field.
"Gaga ka talaga, sabi ko na eh" sagot niya.
"Sabi sayo laging pupunta sa inyo yan eh, or worst baka sa inyo na tumira" sabi naman ni Ava.
"Support kita gurl" sabi lang ni Mia.
"Kaya lab kita Mia eh, pasampal ngang isa" sabi ko at tinawanan siya.
"Gaga ka ako na nga lang sumuporta sayo" sabi niya sakin.
"Dahil ikaw ang nagiisang supporter nyan, sa inyo mo nalang papuntahin" sabi ni Ivy.
"Gaga, mukha bang nandon samin si Cloud ha?" sagot ni Mia.
"Hoy, sino naman may sabing si Cloud ipupunta ko don kila Ivy ha" sabi ko sakanila. Mga judger to.
"Kunwari ka pa, kung wala si Cloud don dika tatambay kila Ivy hano. Di mo kami maloloko bruha ka" sabi ni Ava sakin. Na-bruha pako.
"Gaga ka, hindi ah" tanggi ko
"Oh sige bakit ka pupunta samin?" tanong naman ni Ivy.
"Magrereview kase ko mga gaga kayo" sagot ko
"Gaga ka talaga, akala mo ba maloloko mo kami ha? Pwede kang magreview sa inyo, may library pa nga kayo eh" sabi ni Ava.
"Oo na, haharot nako don. Pero Magrereview parin naman ako kailangan ko lang ng inspiration you know" sabi ko
"Inspiration kang gaga ka, nakapagreview ka naman dati ng wala yon ah. Wag kami, okay?" sabi ni Ivy.
"Hoy, bat ba kase magrereview kayo? Di niyo ko gayahin, chill lang" sabi naman ni Mia. Chill nga, bagsak naman. Gaga talaga to. Tsaka may topak ata, eh hindi naman namin siya kaklase.
"Gaga ka, chill ka nga babagsak ka naman." sabi sakanya ni Ava. Kaibigan ko nga to, confirmed.
"Diko talaga alam pano nakapasa dati tong bruha na to eh" sabi ni Ivy sakanya.
"Duh, stock knowledge"proud pang sabi ni Mia.
"Stock ka dyan, literal na nastock yung sayo anuba" sabi sakanya ni Ava.
"Ikaw kanina mo pa ko inaano ha!" sabi ni Mia sakanya at naghabulan nanaman sila don.
"Hoy, samahan mo nga ako sa cafeteria. Gusto kong milktea" sabi sakin ni Ivy.
"Lilibre mo bako?" syempre dapat may kapalit ang pagsama ko sakanya.
"Leche, oo na" sabi niya kaya sinamahan ko na siya, iniwan namin yung dalawa don na hanggang ngayon naghahabulan parin.
"Dito muna tayo" sabi niya kaya naupo muna kami sa cafeteria. Nagcp muna ko and chineck ko ig ko baka nagdm si Cloud malay mo naman diba.
"Hoy shet" sabi ko nung nakita ko yung ig story nung Lucas oh so siya pala new friend ni Cloud?
Well, mabait naman si Lucas, tarantado nga lang. Nakasama ko kase yon sa party ni Ava dati. So ayon nakachikahan ko siya non.
"Gaga ka, ano nanaman" tanong ni Ivy sakin.
"Gaga kase yung pinsan mo nandito pa pala" sabi ko.
"Oh? Nasan?" tanong niya
"Nasa library ata sila, puro libro background nung pic ni Lucas eh" sabi ko sabay pakita sakanya nung ig story ni Lucas.
"Tara, bilis samahan moko don, baka miss na niya ko" sabi ko at tumawa pa. Inirapan niya lang ako.
"Hay nako, ang harot niyo. Pag yan naging multo bahala ka" sabi niya pa.
"K lang, sanay nakong minumulto anuba. Tsaka pinsan mo naman to, pag ghinost ako pakisapok nalang hano" sabi ko sakanya.
"Gago siya, hindi lang sapok gagawin ko sakanya pag ghinost ka niya" sabi niya.
"Yiee, lab talaga kita kahit bruha ka" sabi ko sakanya.
"Gaga ka baka naman ikaw mang ghost dyan ha sasabunutan talaga kita" sabi niya saken.
Usapang ghost pala to di ako nainform.
"Gaga bat ko naman gagawin yon, chance ko na tong magkalovelife papalagpasin ko paba? Matagal ko tong hinintay gorl" sagot ko.
"Tara na, samahan moko" sabi ko at hinila na siya papunta sa library.
Pagpasok namin nandon sa isang table sa gilid sila Cloud, tatlo sila eh. Si Lucas yung isa and yung isa hindi ko kilala.
Nagpunta muna kami sa mga bookshelves don, kunyari tingin tingin ng libro tsaka hindi naman nila kami napansin na pumasok.
Hayp kase bawal nga pala mag ingay dito. Pano ko haharot nyan? Bulungan kami, ganon? Hayop.
"Gaga ka, papunta dito si Cloud. May kukuhanin ata" sabi sakin ni Ivy habang nakalingon sa pwesto nila Cloud kaya tumingin din ako don. Shet oo nga.
Papunta na siya dito shete, makikita ako! Pano nato. Shet naman. Akala ko lalagpasan na niya yung pwesto kung nasan kami ni Ivy pero huminto siya tsaka lumiko papunta samin hayp naman talaga.
Ayan tuloy nakita niya kami don na parang tanga.
"Oh? Ivy, Sky. Why are you here?" tanong niya pagkakita samin.
"Si Ivy kasi nagpasama may hahanapin daw siyang book dito" palusot ko.
Mukha namang naniwala siya kase naghanap na ulit siya ng book don.
"Gaga ka, dinahilan mo pa talaga ako" bulong sakin ni Ivy nandito lang kase sa gilid namin si Cloud, syempre baka marinig dapat tayong mag ingat duh.
"Shh, wag kang maingay dyan" sabi ko lang sakanya.
"Ah, Ivy. Anong oras ka pala uuwi? Sabi kasi ni Tita pag parehas yung time ng uwi natin sumabay nalang ako sayo" sabi ni Cloud kay Ivy.
"Ah ganun ba, kung may gagawin ka pa ngayon aantayin nalang kita" sabi ni Ivy.
"Wala nakong gagawin, tara na" sabi naman ni Cloud at bumalik sa table nila. Kaya sumunod kami ni Ivy don. Shete.
"Oh? Uuwi kana ba?" tanong ni Lucas sakanya.
"Oo" sagot lang ni Cloud. Napalingon naman samin si Lucas yung kasama niya wala atang pakelam sa mundo, nakatingin parin don sa librong hawak niya.
"Oh? Crystal?!" gulat pa na sabi ni Lucas pagkakita sakin.
"Gago ka, kung mag iingay ka lang lumabas kana don" sabi sakanya nung katabi niya at nagulat pa na nandon kami, pero dahil wala nga siyang pake sa mundo nagbasa nalang ulit siya.
"Hoy, bat ka nandito" tanong ni Lucas sakin.
"Bakit, bawal? Sayo tong library?" pambabara ko sakanya.
"Bawal kase dito yung maiingay na katulad mo" sabi niya pa saken. See? Tarantado talaga.
"Gago ka talaga, para kang hindi maingay ah" sabi ko at binatukan siya.
"Aray, masakit ha!" sabi niya pa.
"Arte mo" sabi ko sakanya, sasagot pa sana siya nung umepal na si Cloud.
"Tara na, Ivy" sabi niya at nauna ng lumabas sa library.
"Bye, bro!" sabi pa ni Lucas sakanya.
"Tara na gurl" sabi naman sakin ni Ivy. Shete pupunta nga pala ako sakanila ngayon.
"Hoy, babush na" sabi ko kay Lucas at lumabas na kami don kumaway lang siya at ang gago dumila pa, pamwiset ang hayop.
Pagdating namin sa parking lot, nandon na yung sundo nung dalawa kaya sumakay na kami, natext ko narin yung driver namin na hindi ako magpapasundo ngayon.
Itetext ko nalang si Mommy mamaya na late akong uuwi ngayon, syempre haharot pako duh.
BINABASA MO ANG
Reaching the Sky (University Series #1)
Teen FictionCloud Riley Martinez is aware that he will be having an arrange marriage after his graduation and he did not complain, until he met Crystal Skyler Perez. (University Series #1)