"Gaga kayo, di ba tayo papagalitan nila Tita dito?" sabi ni Mia. Nandito kami ngayon kila Ivy.
"Hindi yan, umalis sila kanina eh" sabi naman ni Ivy.
"Oh, shot na! Bilis may chika ako" sabi ni Ava at inabot samin yung beer.
"Etong gaga nato, alak na ata dumadaloy sa katawan hindi dugo" sabi ni Ivy pagkainom niya.
"Siguro nga" sagot ni Ava at tumawa pa si gaga.
"Ivy! Nandyan ka ba?" may sumigaw bigla sa baba. Gaga talaga, sabi umalis daw sila Tita.
"Omygod! Gaga ka, nandito na ata sila Tita! Sabi mo umalis!" sigaw ni Mia.
"Omygod, umalis nga sila kanina! I didn't know na babalik sila agad" sabi ni Ivy.
"Tara na sa baba, makikita rin naman tayo ni Tita pag umalis tayo" sabi ni Ava kaya bumaba nga kami. Gulat tuloy sila Tita kasi hindi niya alam na nandito kami ngayon.
"Oh, nandito pala mga friends mo. Hindi mo sinabi sakin" sabi ni Tita pagbaba namin. May kasama ata siya.
"Oh, siya naba si Ivy? Ang laki na niya ah!" sabi nung isang babae na katabi ni Tita. Mukhang masungit ha.
"Ah, yes. Ivy, Tita Eliza mo. My sister, and this is her son, Cloud your cousin" pakilala ni Tita sakanila. Ang gwapo nung Cloud ha. Bet ko, char.
"Oh, hi po" bati ni Ivy. Ang gaga mukhang matino.
"Oh, and Ivy, dito muna sila for 1 month kasi nirerenovate pa yung house nila so di pa sila makakapunta don." sabi ni Tita kay Ivy. Tumango lang siya.
"Nagdinner na ba kayo, Ava?" tanong ni Tita samin.
"Ah, yes po Tita" sagot naman ni Ava. Isa pa si gaga mukhang matino.
"Okay, you can go upstairs na" sabi ni Tita kaya umakyat na ulit kami.
"Gaga ka talaga buti di na masyadong nagtanong si Tita" sabi ni Mia pagdating namin sa room ni Ivy.
"Hoy, ang gwapo nung Cloud. Pinsan mo ba talaga yon" sabi ko
"Pota ka, sisiraan talaga kita sakanya para hindi mo maharot yon" sabi niya naman.
"Grabe ka, ayaw mo ba kong magka lovelife ha"
"Wag kang papayag Ivy. Sisirain lang niya buhay ng pinsan mo" sabi naman ni Ava kaya binatukan ko siya.
"Mga gaga, ang bait ko kaya" proud ko pang sabi sakanila.
"Alam mo, uminom ka nalang" sabi niya kaya pinagpatuloy na namin ang pag inom. Pero maya maya may kumatok sa room ni Ivy.
"Gaga ka, baka si Tita yan?" sabi ni Mia.
"Ah, Ivy?" sabi nung kumatok. Yung cloud ata. Boses lalaki eh.
"Si Cloud!" sabi ni Ivy at bubuksan na sana yung pinto pero tinulak ko siya tsaka ako nagbukas non. Bumungad sakin ang pagkain. Char.
"Hi!"nakangiti pang bati ko sakanya. Mukhang nagulat pa siya sakin. Ganda ko daw kase hays.
"Si Ivy?" tanong niya. Ang sungit ha, hindi man lang pinansin yung pagbati ko sakanya.
"Ah, wala nasa cr. Bakit, what do you need? Ako kailangan kita" dire-diretso kong sabi sakanya. Harot na kung harot. Dapat di natin pinapalagpas yung mga ganitong chance.
"Here, pinapabigay ni Tita" sabi niya at umalis. Aba ang sungit talaga. Ikaw na nga tong nilalandi ayaw mo pa?! How dare you! Pero hinde, dapat don't lose hope tayo.
BINABASA MO ANG
Reaching the Sky (University Series #1)
Teen FictionCloud Riley Martinez is aware that he will be having an arrange marriage after his graduation and he did not complain, until he met Crystal Skyler Perez. (University Series #1)