"Hoy tara ngang cafeteria" sabi ni Ava pagkalabas nung prof namin.
Last class na namin yun for today kaya nagligpit nako ng mga gamit ko.
"Libre mo?" tanong sakanya ni Mia.
"Leche talaga kayo" sabi niya at nauna ng lumabas. Gaga talaga labag na labag sa loob manlibre.
"Yes! Sa wakas nanglibre narin si Avaleigh!" sigaw ni Mia at tumawa pa si gaga.
"I want milktea and donut narin" nakangisi ko pang sabi kay Ava habang nakapila siya don para umorder.
"Ano pa? Sabihin mo na nahiya ka pa eh" sarkastiko niya pang sabi sakin kaya tinawanan ko nalang siya at naghanap kami ng table ni Ivy.
"Shete malapit na pala finals" biglang sabi ni Ivy.
"Gosh, maistress nanaman ako neto" sabi ko naman. Last year, halos di ako natulog non kakareview duh, ayokong bumagsak.
"Oh!" padabog na nilapag ni Ava yung order namin na dala niya.
"Labag na labag sa loob ni gaga" sabi sakanya ni Ivy.
"Penge nga" sabi ni Mia at biglang kinagatan yung hawak kong donut kaya hinila ko yung buhok niya.
"Gaga ka, buti nagtira ka pa" sabi ko at binitawan na yung buhok niya. Tumawa lang si gaga.
"Hey" biglang may tumabi sakin kaya napalingon ako don, shete si Cloud pala.
Kasama niya si Nate. Oh? Himala wala ata si Lucas ngayon.
"Oh? Nasan si Lucas?" tanong ko sakanila at kumagat sa donut ko.
"Ako yung nandito pero iba hinahanap mo" sabi sakin ni Cloud at umarteng nasasaktan pa. Jusko anyare sa lalake nato?!
"Ayan hige, lagot ka" asar ni Ava.
"Omygosh! Kayo na ba?!" excited naman na tanong ni Mia.
"Jusko pag ako nilanggam dito ha" sabi naman ni Ivy na nasa tabi ko. Gaga talaga.
"Not yet" sagot ni Cloud sa tanong ni Mia.
"Hala! May 'yet' taray! Magkakalovelife na si Sky!" sigaw nanaman ni Mia. Kahilig sisigaw ni gaga.
"So where's Lucas nga?" tanong ko ulit. What? I'm just curious kung nasan yung tarantado nayon.
"Kasama ni Charlotte" buti sinagot na ni Nate yung tanong ko.
"Oh? Buti sumama si Lucas don?" sabi ni Ava.
"Napilit lang namin" sagot ni Nate at tumawa pa.
Hala, pansin ko lang ang gwapo din niya kaso syempre loyal tayo kay Cloud! I hope siya rin.
"Why are you guys here pala? You don't have class na?" tanong naman sakanila ni Ivy.
"Wala na" sagot lang ni Cloud. Nag usap usap pa sila don ng kung ano ano kaya kumain nalang ako ng donut.
"Ang dungis mong kumain" biglang sabi ni Cloud at inabot yung tissue tsaka pinunasan yung gilid ng labi ko. Shet. Teka yung puso ko!
"Jusko eto na nga ba sinasabi ko eh kinakagat nako ng langgam!" sigaw ni Ivy sa tabi ko, gaga talaga.
"Omygosh! Ang harot niyo! Sana ol!" kinikilig naman na sabi ni Mia.
"Yung mga maglalandian po, pwede nang lumipat sa kabilang table" sabi naman ni Ava.
Bitter si gaga, baka walang kaharutan ngayon.
BINABASA MO ANG
Reaching the Sky (University Series #1)
Teen FictionCloud Riley Martinez is aware that he will be having an arrange marriage after his graduation and he did not complain, until he met Crystal Skyler Perez. (University Series #1)