"Hoy mga gaga!" sabi ni Ava at lumapit samin. Lasing na ata to pota.
"Oh?! Nasan na si Mia?!" sigaw sakanya pabalik ni Ivy.
"Nandon! Lumalandi!" sagot lang ni Ava at sinamahan kaming uminom don.
Naubos na namin yung black label kanina kaya nagbukas sila nung Jager.
"Oh? Nasan na jowa mo?" tanong sakin ni Ava.
Kaya napairap nanaman ako. Pota pinaalala pa niya yung hinayupak nayon.
"Hinatid yung Haliparot" si Ivy na yung sumagot sakanya.
"Ha?! Bat nandito yon?!" sigaw naman ni Ava.
"Nag gate crash sa party ko, ampota!" sagot naman ni Ivy.
"Hey guysh!" sigaw ni Mia pagkakita samin. Hindi na makapaglakad ng diretso si gaga.
"Gaga ka! San ka galing?!" sabi sakanya ni Ava.
"Over there lang!" sagot niya at uminom narin.
"Hoy! Tara sa pool!" sabi ni Ava samin.
"Lezgooo!" lasing naman na sigaw ni Mia at nauna pang nagpunta sa pool.
Buti nalang suot ko naman yung two piece swimsuit ko sa loob nung dress kaya sumunod nako sakanila sa pool.
Pagdating namin don tinanggal ko lang yung dress ko and then syempre pumunta nako sa pool.
Dala rin namin don sa pool yung iniinom namin kanina kaya dun na kami uminom.
"Hoy gaga! Si Cloud ba yon?!" sabi sakin ni Ivy at may tinuro siya kaya lumingon ako don.
Nandon nga si Cloud, nakatingin sakin kaya inirapan ko siya at uminom nalang ulit. Pota may pasok pa naman bukas.
"Sky" may tumawag sakin sa gilid kaya napalingon ako don. Si Cloud pala.
"What?" masungit kong sagot sakanya.
"Tara na, umuwi na tayo" sabi niya pa. It's already 12am na kasi.
"Ayoko, umuwi kana kung gusto mo" sabi ko sakanya.
"No, let's go home together" sabi pa niya.
"Ayoko pa ngang umuwi!" irita kong sagot.
"I'll wait until you want to go home" sabi niya at umalis na. Bumalik lang siya dun sa pwesto niya kanina.
"Oh? Anyare?" tanong ni Ivy sakin pagkaalis ni Cloud.
"Uuwi na daw kami eh ayoko pa nga" parang batang sabi ko sakanila.
"Gaga ka, 1am naman tapos na yung party bat dika pa sumama" sabi niya.
Well, she's right. 1am tapos na yung party dahil may pasok pa nga bukas. Kaya yung ibang bisita naguuwian narin.
"Ayoko parin, bahala siya dyan" sabi ko nalang at uminom ulit. For sure, malalang hang over nanaman to bukas. Sana makapasok ako, gosh!
"Hi girls!" bati samin nung isang lalaki don sa pool.
"Oh, hi Dave!" bati sakanya ni Ivy.
"Hi! Crystal right?" sabi niya naman sakin.
"Ah yeah" sagot ko lang. Well, I'm not interested.
Nagusap pa sila ng kung ano ano don ni Ivy kaya uminom nalang ako.
Si Ava tsaka Mia ewan ko kung nasaan na, pota kasama naman namin yon kanina dito sa pool pero nawala na.
BINABASA MO ANG
Reaching the Sky (University Series #1)
Teen FictionCloud Riley Martinez is aware that he will be having an arrange marriage after his graduation and he did not complain, until he met Crystal Skyler Perez. (University Series #1)