5

2.7K 55 5
                                    

"Oh Sky" bati ni Tita pagdating namin kila Ivy.

"Why are you here?" tanong niya. Buti pa si Tita nagtatanong hayp si Cloud wala atang pakelam kahit nandito ako pano nako makakaharot neto.

"Ah, magrereview po kami ni Ivy" sagot ko syempre kunyari matino.

"Oh, okay. Dito kana magdinner ha" sabi lang niya at nagpunta sa kitchen nila. Kaya umakyat na kami sa room ni Ivy.

"Hoy ano haharot ka ba sa baba o magrereview ka?" tanong sakin ni Ivy.

"Gaga, syempre magrereview muna ko mamaya nako haharot" sabi ko sakanya.

"Lah, parang di naman kapani-paniwala yan" sabi niya pa.

"Magrereview nga muna ako" sagot ko at kinuha na yung libro ko.

"Hoy, buksan mo nga muna yung pinto" sabi sakin ni Ivy habang nagrereview kami. May kumakatok kasi, sino ba tong epal nato.

"Pinapadala ni Tita" sabi niya at binigay yung juice tsaka sandwich tas umalis na. Anubayan, di nako nakaharot ha.

"Oh, pinapadala daw" sabi ko at binigay kay Ivy yung dala ni Cloud.

"Si Cloud ba yon?" tanong niya kaya tumango nalang ako at bumalik sa pagrereview.

"Oh eh bakit nandito ka? Diba dapat humaharot kana" sabi niya pa.

"Gaga, umalis agad eh" sabi ko, bigla namang tumawa si gaga.

"Baka ayaw na sayo, gaga ka daw kase" sabi niya kaya binatukan ko lang siya.

Buti nalang patapos nako sa nirereview ko kaya mag iig muna tayo. Baka sakaling nandon si Cloud.

Nagiscroll ako nung biglang may nagdm saken kala ko si Cloud na shete si Lucas pala, nakafollow nga pala saken yung tarantado na yon.

LucasV: Hoy

CSkyler: Anong meron sa V mo ha? Feeling mo kamag-anak mo si Gary V?

LucasV: Wala, pasosyal lang kunyari LV

CSkyler: Gago ka talaga

LucasV: Lah, bakit hindi ka gago?

CSkyler: Hindi, bakit? Papalag ka?

LucasV: Lah bat naghahanap to ng away sa ig

CSkyler: Alangan naman maghanap ako ng away sa youtube

LucasV: Pwede rin

CSkyler: Alam mo ang sarap mong sapukin

LucasV: Masarap lang ako walang sapok na kasama

CSkyler: Lah, natikman mo?

LucasV: Di masyado

CSkyler: Balakajan, wala kang kwentang kausap

LucasV: Lah, ikaw ba meron?

CSkyler: Gago ka talaga, ano?

LucasV: Sagutin mo muna tanong ko

CSkyler: Ayoko, wala akong pake sa tanong mo

LucasV: Lah talaga? Pero binasa niya

CSkyler: Nakita mo ha?

LucasV: Oo, kitang kita ko

CSkyler: Sana matanggal yang mata mo

Reaching the Sky (University Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon