6

2.5K 42 0
                                    

"Crystal Skyler!!! Wake up! You're already late na!" sigaw ni Mommy sa labas kaya napabangon ako.

Shit, 2 am na ata ako nakatulog tas kailangan kong gumising ng 6:30 kasi matagal ako gumayak.

Buti 8 yung klase namin pero shit lang 7:30 na! Ano 30 minutes lang?! Shet naman.

Naligo na agad ako at gumayak nagliptint tsaka polbo nalang ako kase wala nakong oras para maglight make up.

Di na rin ako nakapagsuklay ng maayos kakamadali, shet ang haggard ko umagang umaga.

"Magbreakfast kana, bilisan mo nalang" sabi sakin ni Mommy pagbaba ko.

"Sa Campus nalang Mom, Bye!" sabi ko at sumakay na agad sa kotse.

"Kuya driver, pakibilisan nalang po" sabi ko sa driver namin, bat ba i don't know his name eh! Buti naman binilisan niya pero syempre maingat parin.

Pagdating sa Campus, pagbaba ko tumakbo na agad ako papunta sa room, buti nalang wala nang masyadong tao sa labas kasi nagkaklase na.

And shit lang pagdating ko sa room, nandon na yung prof. Buti nagsusulat siya sa white board kaya di niya napansin pagpasok ko.

"Gaga ka, bakit late ka ha?" tanong agad ni Ivy pagkaupo ko.

"Late ako nagising" sagot ko at inayos na yung buhok ko.

"Nako, mukhang may nangyari kagabi, chika naman dyan gurl" sabi pa ni Ivy.

"Gaga, mamaya na" sagot ko

"Oh, so meron nga. Ang harot niyo talaga" sabi pa niya at nakinig na ulit kami.

"Hoy, bat late ka" tanong sakin ni Ava pagkaalis nung prof.

"May nangyari kagabi" sabi ni Ivy kaya nanlaki mata ni Ava, gaga talaga kung ano ano nanaman nasa isip neto.

"Omygod! Gaga ka! Baka magulat nalang kami bigla after 9months may pamangkin na kami" sabi ni Ava, oh diba gaga talaga.

"Gaga ka walang ganon na nangyari" sabi ko

"Sayang naman" sabi pa niya kaya binatukan ko.

"Oh, bilis na chika na!" excited namang sigaw ni Ivy, isa pang gaga to.

"Diba kase nga hinatid niya ko pauwi kagabi, and biniro ko siya nung bababa nako. Sabi ko wala ba talaga siyang goodbye kiss sakin tas sabi niya gusto ko daw ba, tas pota hinalikan ako---" di pa ko tapos magsalita nung biglang tumili silang dalawa. Gaga talaga. Jusko.

"Omygod! I didn't know, maharot din pala si Cloud!" sigaw pa ni Ava.

"Omygosh! Ang speed naman ng pinsan ko, i'm so proud!" sigaw naman ni Ivy.

Omygod din, kaibigan ko ba talaga tong mga to. Ganyan din ba ko kasiraulo? Parang hindi naman.

"Mga gaga, sa noo lang ako hinalikan. Sayang nga eh, di siya masyadong mabilis hayy" kunyaring malungkot ko pang sabi sakanila.

"Gaga ka, kala ko naman hinalikan ka na" sabi ni Ava.

"Hayaan niyo, next time iseseminar ko muna" sabi ni Ivy at tumawa pa, gaga talaga.

"Gaga kayo, samahan niyo nga ako. Di ako nakapagbreakfast pota" sabi ko sakanila.

"Ayoko, tinatamad ako" sabi agad ni Ivy. Ang sama talaga nung gaga na to.
Gumaganti porket nailibre niya ko ng milktea kahapon.

"Ava--" di pako tapos magsalita tumanggi agad siya, hayop talaga.

"Keri mo na yan gurl" sabi niya pa. Hayp, gaganti ako sa inyo.

Reaching the Sky (University Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon