30

2.8K 32 0
                                    

Pagbalik namin sa cabin, natulog muna ko dahil pagod nako tapos may date pang mangyayari mamaya, gosh!

6pm nung magising ako, and pag gising ko wala sila Ivy sa cabin. Well, siguro they're preparing the rest house na.

Kaya ayon gumayak narin ako, i just wore the maxi dress that i buyed nung nag mall kami and naglugay lang ako tsaka medyo kinulot yung dulo and I'm done!

6:50pm nung bumalik na sila Ivy sa cabin and tapos narin ako mag ayos.

"Taray, mukhang pinaghandaan ah" asar sakin ni Ivy pagpasok nila.

"Ba't ganyan mukha mo? Ano, bare faced kang haharap don?!" sabi naman ni Mia at nilapitan agad ako.

Hindi na kasi ako nag ayos ng mukha, powder lang and liptint kase aalisin ko rin naman mamaya pagkatapos ng date, edi hassle lang.

"Halika dito, bilis" sabi ni Mia at pinaupo ako sa harap nung vanity table.

"Gaga, ba't ganyan lang buhok mo? sasabunutan kita eh" sabi naman ni Ava tsaka pumunta sa likuran ko.

So ang nangyari si Mia ang nagmemake up sakin and si Ava inaayos yung buhok ko.

"Ayan mukha ka ng tao!" sigaw ni Ivy pagkatapos nila akong ayusan.

Well, i must say nag improve nga yung itsura ko nung inayusan nila ko.

Light nude make up yung ginawa ni Mia sa mukha ko and then si Ava naman hinalf ponytail niya ako and parang nakabun yon sa gitna and kumuha siya ng strands of hair sa gilid tsaka kinulot.

"Hoy, lumayas kana 7pm na oh!" sabi ni Ivy kaya tumayo nako.

"Galingan mo gaga ka" sabi naman ni Ava

"Dapat pagbalik mo dito kayo na ulit ha" sabi naman ni Mia at tumawa pa.

Gaga talaga pano magkakabalikan may asawa na nga? duh, ano mistress ako? Never!

Bubuksan ko na sana yung pinto nung cabin nung may nagbukas din non.

"Uh, hi. Susunduin sana kita" sabi ni Cloud.

"Let's go" sabi ko lang at sinara na yung pinto tsaka nauna nang maglakad papunta sa rest house.

Habang naglalakad kami wala man lang nagsasalita as in mga paghampas lang ng alon sa dagat yung maririnig mo. It's so awkward, gosh!

Buti naman nakarating na kami sa rest house, dun kami dumiretso sa rooftop kasi dun daw kami magdedate.

Pagdating namin sa rooftop meron lang don na table sa gitna and napapalibutan ng candles yung paligid and may petals na nakapalibot sa mismong table, naka pa heart shape pa!

Maganda yung view don dahil kita mo sa baba yung beach and maganda din mag stargazing kase transparent yung paligid.

"So how's life? I guess you're doing fine?" sabi niya nang makaupo kami.

"Yeah, maybe" sagot ko at nagsimula nalang kumain, it's still awkward to talk to him tapos kami lang dalawa dito.

"Are you still mad at me?" sabi niya kaya napaangat ang tingin ko sakanya.

"I don't want to lie, so yes. I'm still mad at you" diretso ang tingin kong sagot sakanya.

"I'm still mad at myself too" sabi niya at malungkot akong nginitian.

"Why? Nakamove on ka naman na siguro dahil naging asawa mo na siya" sabi ko kaya napatingin siya sakin.

"5years, Sky. 5years kong pinilit yung sarili ko na mag move on na sayo pero di ko pala kaya" sabi niya at malungkot akong nginitian.

Reaching the Sky (University Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon