23

1.9K 35 1
                                    

Hapon na nung nagpunta sa office ko si Lucas. Hindi na rin ako nakapaglunch kanina.

"Hindi mo naman ako tatanggalin diba?" sabi niya agad pagpasok sa office ko.

"Gago ka" sabi ko lang at inirapan siya.

"Sisihin mo si Tito! Napag-utusan lang ako dito, tsaka bakit ba affected ka?" sabi niya pa.

"Manahimik ka dyan" sabi ko kaya natawa siya. Gago parin talaga.

"Omg! Si Sky bet parin pala ang kanyang ex ih!" sabi niya at ginaya pa yung boses ko. Hayop na Lucas to.

"Labas" nagtitimpi na sabi ko sakanya.

"Oh? Ikaw ah, lab mo parin pala yon ah" asar pa niya.

"Lalabas ka o sasakalin kita? Choose" sabi ko kaya dali dali siyang lumabas. Gago talaga yon.

"Hey girl! Hindi ka daw naglunch sabi ng secretary mo" sabi naman ni Ivy pagpasok niya sa office ko. Isa pa to.

"Lumabas kang traydor ka" sabi ko sakanya at inirapan siya.

"Gaga ka, sinusunod ko lang naman si Tito duh!" sabi niya pa.

"Mukha bang si Dad yung CEO dito?" sarkastiko kong sagot.

"Gosh, gaga ka. Bakit ba affected ka? Wag mong sabihin na mahal mo parin talaga yung ulap nayon!" sabi niya. Gaga talaga parang hindi niya pinsan yon.

"Kinasal ba sila?" curious kong tanong kaya natawa siya hayop nayan.

"Omygod! Gaga ka, bet mo parin yung pinsan ko hano?!" sabi niya pa.

"Gaga, curious lang. Pano ba naman kase nagpunta si Charlotte kanina don" sagot ko.

"Oh talaga?! Ewan ko sakanila. Hindi ko na sila kinausap simula nung nagbreak kayo eh. Tsaka wala na kami dito non" sagot niya lang.

"Lumabas ka na nga may gagawin pako" sabi ko

"Hoy gaga, nag aaya si Ava sa club niya mamaya daw" sabi niya pa.

"I'm not sure kung makakasama ko" sabi ko lang.

"Sumama kana gaga ka!" pamimilit niya pa.

"Ano bang meron?" tanong ko.

"Naistress daw siya sa work niya kaya it's time to partyyyy!" sigaw pa niya. Hayop akala ata nasa club na siya.

"Gaga ka, lumayas ka na nga" sabi ko lang kaya lumabas narin siya.

6pm nung umalis nako sa company. Sabi ni Ivy 7pm daw kami pupunta sa club ni Ava.

Kaya pagdating sa condo ko nagshower na agad ako at gumayak.

I just wore a black leather mini skirt and halter top and ankle boots.

Nakagayak nako nung pumasok sa condo ko si Ivy. Nakagayak narin siya.

"Tara na! Kotse mo nalang gamitin natin ha" sabi niya kaya lumabas na kami at bumaba tsaka sumakay sa kotse ko papunta sa club ni Ava.

"Oh? Akala ko dika pupunta, Sky!" sabi agad ni Ava pagdating namin don.

"Akala ko rin" sabi ko kaya natawa siya at hinila na kami dun sa may couch na nireserve niya para samin.

Nandon na agad si Mia at umiinom ng beer. Naexcite nanaman masyado yan kaya maagang nagpunta.

"Wassup mga gaga!" sigaw niya pagkakita samin.

Reaching the Sky (University Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon