3

3.4K 46 0
                                    

"Oh, kumusta kalandian niyo sa cafeteria?" sabi sakin ni Ivy pagbalik ko sa room.

"Success naman siya kaso may epal na babae don sarap sapukin" sagot ko at naupo. Gigil parin talaga ko don.

"Sana sinapak mo" sabi ni Ava

"Gaga, baka hindi kuhanin order namin eh" sagot ko

"Pota ka talaga, pati yon inaway mo" sabi naman ni Ivy.

"Gago kase, humaharot ako tas biglang eepal, panira" iritang sabi ko pa.

Hindi na sila nagtanong kaya kinuha ko yung phone ko may kailangan akong ipost ngayon sa ig gurl. Mga kaharutan ko kanina sa cafeteria.

Pinost ko yung picture namin kanina na kumakain nilagyan ko lang ng caption na 'Lunch'. Lalagyan ko pa dapat ng heart emoji kaso wag nalang.
Masyadong korni pag ganon.

"Tingnan mo si gaga, ang kalat oh" sabi ni Ava sabay pakita kay Ivy nung phone niya. Nakita pala yung post ko. Gaga talaga.

"Pota, may paganon buti hindi mo pinost yung habang sinusubuan ka niya" sabi ni Ava.

"Gaga ka, nagsubuan kayo?!" sigaw ni Ivy.

"Bruha ka talaga Ava galing mo gagawa ng kwento" sabi ko at tinawanan niya lang ako.

Nagcp nalang ulit ako dahil wala pa naman yung prof. Nag facebook muna ko para i-add si Cloud don.

Nakita ko yung account niya pero wala naman masyadong post don, yung current profile picture niya lang nakita ko, sa U.S pa ata yon. In-add ko narin siya.

And nagpunta rin ako sa ig para tingnan kung meron siya.

Cloudrm

0 posts -1,945 followers -236 following

Napaka private naman ng lalake nato, pero iba ha kahit walang post madami followers, taray. Yung sakin kase kung ano ano lang pinopost ko.

CSkyler

26 posts -1,864 followers -320 following

Oh ayan ha, follow niyo nako para bongga na. Kung ano ano lang din naman pinopost ko dyan. Nag follow request narin ako kay Cloud para pag nagfollowback, magpapapansin tayo sa ig stories ko. Ganyan dapat, galaw galaw.

"Hoy, gaga ka nandyan na yung prof" sabi ni Ivy kaya tumigil nako kakaselpon at nakinig na.

"Gosh, ang hirap naman non" sabi nanaman ni Ivy pagkatapos magdiscuss nung prof namin at umalis na.

"Gaga ka, buti di ka nakitang natutulog kanina" sabi ni Ava.

"Pota ka, anong mahirap sinasabi mo di ka pala nakinig kanina" sabi ko naman sakanya.

"Grabe naman kayo, ang boring kase kaya natulog muna ko. Napakinggan ko naman yung huling sinabi niya ah" sagot pa ni Ivy.

"Oh, ano yung huling sinabi ha?" sabi ko.

"Class dismiss" sagot niya kaya binatukan ko nalang siya. Wala na talagang pag asang tumino si gaga.

"Hayp naman, maglunch na nga tayo" sabi ni Ivy kaya nagligpit na kami ng gamit.

"Girls!" sigaw ni Mia sa labas ng room namin. Nandyan na pala si gaga. Sumasabay kasi siya samin lagi pag break tsaka lunch.

Gaga kase, ayaw makipagkaibigan sa mga blockmates niya wala tuloy siyang kasama. Siya lang kasi nahiwalay saming apat. Gaga kase nagtourism pa pero bahala siya, yun naman gusto niya.

Reaching the Sky (University Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon