20

1.9K 33 0
                                    

Kinabukasan parang ayokong pumasok pero kailangan, kaya mabigat ang katawan na bumangon ako at gumayak para pumasok.

Para akong lalagnatin pero ipinagsawalang-bahala ko nalang iyon.

"Sky, magbreakfast kana" sabi sakin ni Mommy pagbaba ko.

Para akong lantang gulay na naglalakad pababa sa hagdan.

Alam kong napansin yon ni Mommy pero hindi na siya nagtanong pa.

"Sa Campus nalang, Mommy" mahinang sagot ko pero sapat lang para marinig niya.

Hindi na siya sumagot kaya lumabas nako at sumakay sa sasakyan.

Pagdating sa Campus, nakayuko lang ako habang papunta sa room namin.

Masama parin ang pakiramdam ko pero hindi ko na yon pinansin at dire-diretsong pumasok sa room.

"Gaga ka, kala ko late ka nanaman" sabi sakin ni Ivy pagkaupo ko pero hindi ko na siya pinansin hanggang sa dumating yung prof.

Nakinig parin ako kahit walang pumapasok sa isip ko.

"Huy, break time na. Tara na sa cafeteria?" sabi sakin ni Ivy pagkalabas nung prof.

"I'm fine, dito nalang ako" sabi ko sakanila ni Ava at pilit na ngumiti.
Ayokong magkita kami don ni Cloud.

"Sige, baka ngayon may dumating nang take out sayo ha" sabi niya at tumawa pa tsaka sila lumabas ni Ava.

Gusto kong umiyak pero parang naubusan na ko ng luha kakaiyak kagabi.

Ewan ko pero bigla bigla nalang akong natutulala, nagulat pa ko nung dumating sila Ivy dahil magstart na yung second class namin.

"Huy, lunch na" sabi sakin ni Ivy habang nagliligpit sila ng gamit.

"Gaga ka, anyare ba. Bakit parang wala ka sa sarili mo?" sabi sakin ni Ava.

"I'm fine" sabi ko lang sakanila.

Mukhang napansin nila na wala ako sa mood kaya umalis na lang rin sila.

Ilang araw akong ganon, 2 days i guess. Hindi narin ako nakakakain ng maayos. Hindi ako kumakain ng breakfast at lunch.

Kumakain lang ako ng dinner kaso konti lang yon. Kumakain lang ako dahil nandon sila Mommy at ayokong mag alala sila sakin.

"Gaga ka, hindi ka na kumain nung break time ha. Lunch na tapos hindi ka parin kakain?" pangaral sakin ni Ivy nung pangatlong araw ko nang sinasabi sakanila na hindi ako kakain.

"Ano bang nangyayare ha? Pag si Cloud tinatanong namin kung okay lang ba kayo. Hindi naman sumasagot" sabi naman ni Ava.

"Sky, tell me. May nangyari ba?" seryosong sabi sakin ni Ivy.

"Hindi ko na kaya, Ivy" sabi ko at niyakap siya tsaka umiyak ng umiyak.

"Omygod! Anong nangyare ha?!" sabi niya habang pinapatahan ako.

"Gaga ka, ano bang nangyayari sayo?!" nag aalala naman na tanong ni Ava.

"Hey, ang tagal niyo" sabi ni Mia na kakapasok palang sa room.

"Omygod! Anong meron?!" sigaw niya nung makita yung sitwasyon ko.

"Pano kase si Sky bigla nalang umiyak" sabi sakanya ni Ava.

"Gosh! Sabi na eh! May nangyayari sa inyong dalawa ni Cloud hano?!" sabi pa ni Mia.

"Sky, ano bang nangyari?" mahinahon na tanong sakin ni Ivy habang umiiyak parin ako.

Reaching the Sky (University Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon