28

2K 31 0
                                    

Kinabukasan pagkagising ko, well as usual tulog parin sila. It's already 10am in the morning.

And dito ulit sila natulog sa room ko, pano ba naman kase sabi ko kagabi sa guest room sila.

Tapos nung nalasing dire-diretsong pumasok dito sa kwarto ko ang mga pota. Edi wala akong choice kaya dito kona sila pinatulog.

"Hoy, gumising na nga kayo!" sigaw ko kaya napabangon sila, maliban kay Mia.

Gagang yan, maaga nga siyang nakatulog kagabi dahil nalasing agad tapos late pa din na nagising.

"Pucha, ba't nandito nanaman ako sa lapag?" sabi ni Lucas pagkabangon niya.

"Tanga, dyan ka humiga kagabi eh" sagot ko sakanya at dumiretso na sa cr.

"Nagugutom ako, magluto ka nga Ivy" rinig kong sabi ni Ava kay Ivy.

"Teka lang, nahihilo pako ponyeta" sabi naman ni Ivy sakanya.

"Gisingin niyo na si Mia" sabi ko habang nasa loob parin ng cr.

"Hoy, mianna!" sigaw agad ni Ava pero hindi parin nagigising si Mia.

"Ayaw mo gumising ha" sabi ni Ava at tinulak si Mia, ayon hulog si gaga. And success kase nagising siya.

"Pota, sino tumulak saken?" sabi agad ni Mia. Tinuro naman nung dalawa si Lucas na nakahiga nanaman sa lapag.

Kaya ayon tumayo si Mia tsaka sinabunutan si Lucas na walang ka alam-alam sa nangyayari.

"Aray, pota ano nanaman?!" sigaw ni Lucas pagkatapos siyang sabunutan ni Mia.

"Tinulak moko eh!" parang batang sabi naman sakanya ni Mia.

"Gaga ka ba? nandito nga ako sa lapag pano kita itutulak" sagot naman sakanya ni Lucas.

"Hehe, sowi!" sabi ni Mia at nagtatakbo papunta saken, kakalabas ko lang kasi sa cr.

Hinabol naman siya ni Lucas pero napatigil din nung nakita niyang nagpunta sa likod ko si Mia.

"Oh, scared ka?" sabi sakanya ni Mia at tumawa pa gaga talaga.

"Wag mo nga akong idamay sa kagagahan mo, mianna" sabi ko sakanya.

"Bilisan niyo na dyan, pupunta tayong mall. I need to buy clothes for our vacation. Sama kayo and dun na rin tayo mag breakfast" sabi ko sakanila at kumuha na ng damit sa closet tsaka nag shower na.

"Libre mo ba to, Sky" sabi sakin ni Mia pagkatapos namin gumayak.

"Oo libre ko basta wag kang sasama ha" sabi ko sakanya.

"Iwan ka na dito, mia. Bantayan mo yung condo" sabi sakanya ni Ivy.

"Gaga ka, edi ikaw" sagot lang ni Mia sakanya. Gaga talaga.

"Tara na, ano magchichikahan muna kayo dyan? gutom nako pota" sabi ni Ava kaya umalis na nga kami.

11:30am narin kasi and hindi pa kami kumakain so we need to go na talaga.

Yung car ko nalang ginamit namin dahil kasya naman and buti nalang hindi traffic so nakarating din kami agad.

Dumiretso na kami dun sa isang italian restaurant don and nagorder na rin sila.

At syempre dahil mga baliw sila nagtuturuan pa sila kung sino magbabayad.

"Bato bato pick nalang tayo tas kung sino matira yun magbabayad" nakangisi pang suggest ni Mia.

Reaching the Sky (University Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon