Pagkagising ko it's already 7am. So gumayak na agad ako at bumaba na para magbreakfast.
Muntik pakong mahulog sa hagdan nung makita kung sino yung nagiintay don sa baba.
Pota, ang aga aga ba't nandito agad yan?
"Hoy, bat nandito ka?!" sigaw ko sakanya habang pababa ako.
"Wala man lang goodmorning kiss?" sabi pa niya at lumapit sakin tsaka ako hinalikan sa noo. Potspa naman.
Umagang umaga kinikilig ako dahil sa lalake nato.
"Nagbreakfast ka na ba?" tanong ko sakanya at naupo sa dining table.
Naglalagay ako nang pancake sa plate ko nung sumagot siya.
"Busog na agad ako eh" sabi niya kaya tiningnan ko siya, pota nakatitig pala sakin.
"Ang aga aga, Cloud ha" sabi ko sakanya at inirapan siya.
Jusko, umagang umaga bumabanat.
"Why? Busog na nga ako" sabi niya at tumawa pa.
Hindi ko nalang siya pinansin at kumain na. Nakakailang nga eh pota pano ba naman nakatitig siya sakin habang kumakain ako.
7:40 nung natapos akong kumain kaya tumayo na agad ako para pumasok na.
"Tara na" sabi niya at inakbayan pako habang palabas kami ng mansion.
May dala siyang kotse kaya dun nalang kami sumakay.
"Kaninong car to?" tanong ko sakanya pagkasakay namin.
"Mine" sabi niya kaya napalingon ako sakanya.
"Really?!"
"Yeah, binilan nako ni Mommy last week ngayon lang dumating" sagot niya at pinaandar na. Taray may bagong kotse lolo niyo.
"We're here" sabi niya at nagpark na.
"Hatid na kita" sabi niya pagkababa namin. 8am na kaya for sure late nako pagdating ko don. Pero hayaan na, haharot muna ko char!
"Anong oras ba klase mo?" tanong ko sakanya habang naglalakad kami papunta sa building namin.
"8am" sagot niya kaya napalingon ako sakanya. 8am na!
"What?! 8 am na, pumunta ka na sa building niyo!" sabi ko sakanya.
"Hahatid muna kita" sabi pa niya.
"No, I'm fine na. Go to your building na!" sabi ko sakanya at tinulak pa siya.
"Okay lang naman na malate ako. Valid naman yung reason ko, kailangan kong ihatid yung girlfriend ko" sabi niya at hindi parin umaalis.
Hayop. Parang gusto ko tuloy na wag na kaming pumasok. Hayy.
"What are you thinking?" tanong niya nung mapansin na may iniisip ako.
"Nothing" sagot ko lang.
"You're lying" sabi niya habang tinitingnan parin ako.
"Well, iniisip ko lang na parang gusto ko nalang na huwag tayong pumasok sa first class natin, ang harot mo kase" sabi ko sakanya kaya natawa siya.
"Sure let's ditch our class together" nakangiti niyang sagot sakin.
"So san tayo pupunta?" tanong ko sakanya.
"Let's go to the music room" sabi niya at hinila ako sa music room. Meron kasing music room dito sa campus.
Kumpleto yung mga instruments don kaya masarap tumambay don kapag you like music ganern.
BINABASA MO ANG
Reaching the Sky (University Series #1)
Teen FictionCloud Riley Martinez is aware that he will be having an arrange marriage after his graduation and he did not complain, until he met Crystal Skyler Perez. (University Series #1)