11

2.1K 36 0
                                    

"Sky, san ka nanaman nagdinner?" tanong ni Mommy pagdating ko.

"Kila Tita Evilyn" sagot ko

"Omygod! Nakakahiya na kay Evilyn! Ilang araw ka na atang nagdidinner don, may food naman tayo dito" sabi pa niya.

Diko nalang siya sinagot at umakyat na sa kwarto ko, nagbihis lang ako tsaka nahiga na. Gosh, nakakastress tong araw na to.

"Crystal! Breakfast is ready!" sigaw ni Mommy sa baba kaya bumangon nako at gumayak. Buti naman di nako late ngayon.

"Crystal, di pa kita nakakausap about dun sa naghatid sayo ha" sabi ni daddy pagkaupo ko.

Shete, naman bat ba naalala pa niya yon. Tumayo tuloy ulit ako.

"Bye, Daddy!" sabi ko at lumabas na.

"Crystal Skyler!" rinig kong sigaw pa ni Daddy pagkasakay ko sa kotse.
Sa campus nalang ako mag breakfast.

"Nandito na po tayo, Ma'am" sabi nung driver kaya bumaba nako tsaka dumiretso sa room.

"Aba, ang aga ni gaga" sabi ni Ivy pagpasok ko.

"Samahan moko magbreakfast" sabi ko

"Gaga ka, hindi ka nanaman nagbreakfast sa inyo?" sabi niya

"Si Daddy kase eh. Tara na samahan mo nako"

"Ayoko, tinatamad ako" pota talagang babae nato.

"Ava--"

"May gagawin pako girl eh" tanggi agad sakin ni Ava. Shete, ano bang aasahan ko sa mga to?!

Nagpunta tuloy akong mag isa sa cafeteria.

"Sky!" may sumigaw sa likod ko pagkaupo ko, kaya napalingon ako don. Hayop na Lucas to, nandito nanaman.

"Ano nanaman?" irita kong tanong sakanya.

"Sungit naman aga aga eh" sabi niya pa at naupo sa upuan sa harap ko.

"Paki mo" sabi ko at kumain nalang.

"Hoy, kilala mo ba yung Charlotte nayon? Kakatransfer lang samin eh" bigla niyang sabi. Pucha, muntik nako mabulunan!

"What?! Nandon yung babae nayon?!"

"Oo! Kilala mo ba? Mukhang close sila ni Cloud eh" sabi niya pa.

"Wala akong kilalang haliparot" sagot ko

"Ganon? Sige, bye pikon!" sabi niya at umalis na gago talaga yon aalis nalang mang aasar pa.

Pagkatapos kong kumain bumalik narin ako sa room.

Maya maya dumating narin yung prof kaya nakinig na kami.

"Gaga ka! Nagtransfer na pala si Charlotte dito?! Nag engineer pa talaga!" sabi sakin ni Ivy pagkalabas nung prof.

"Yeah, i heard it from Lucas" sabi ko nalang.

"Oh gosh! Hindi pa kayo nung pinsan ko may hadlang na agad?! Epal talaga nung babae nayon kahit kailan" irita niyang sabi sakin.

"Nako girl! Dapat sa mga ganyan sinasabunutan!" biglang singit naman ni Ava. Gaga talaga to.

"I won't waste my time for her" sabi ko sakanila.

"Taray napapaenglish sa sobrang inis si gaga" sabi ni Ava at tumawa pa sarap batukan ni gaga.

"We got your back girl, pag may nangyari dahil sa gaga nayon kasama mo kaming sasabunutan siya" sabi pa ni Ivy.

Nginitian ko nalang siya dahil nandyan na rin yung prof namin.

Reaching the Sky (University Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon