15

2K 40 0
                                    

Nagising ako nung kumatok yung maid sa room ko. Shit naman 9am palang oh!

"Ma'am Sky, may bisita po kayo" sabi niya sa labas.

"Who is it?!" sigaw ko habang nakahiga parin. Pota naman ang aga aga sino ba yon?!

"Sabi niya po boyfriend niyo daw siya" sagot nung maid. Kaya napabangon ako bigla.

Pota?! Isa lang naman boyfriend ko. So si Cloud?! Anong ginagawa non dito, ang aga aga?!

"Tell him I'm coming!" sigaw ko at nagmadaling pumasok sa cr.

I quickly did my morning routine and then bumaba nako.

Shit, nakapajama pa pala ko tsaka oversized shirt.

And yung buhok ko medyo gulo gulo pa pero hayaan na nga!

"Good morning" bati niya pagkakita sakin. Nakaupo siya dun sa couch sa sala.

"What are you doing here? Ang aga pa!" sabi ko at lumapit sakanya tsaka naupo sa tabi niya.

"Naiwan mo kase" sabi niya at inabot sakin yung paperbag na laman is yung gift ko kay Ivy. Ay shet, oo nga.

"Oh, thanks! Nagbreakfast ka naba?" tanong ko at tinabi muna sa gilid yung paperbag.

"Nope" sagot niya kaya hinila ko agad siya sa dining area.

"Sit down and eat" sabi ko sakanya at naupo na.

At dahil nga hindi ako nagrarice tuwing umaga, wala rice don. Meron lang is bread, bacon, egg, hotdog and pancakes.

"Sorry, walang rice" sabi ko at inabot yung bread sakanya.

"It's okay" sabi niya at nagsimula nang kumain.

"Uuwi ka na ba?" tanong ko sakanya pagkatapos namin kumain.

"Dito ako gagayak para sabay na tayo pumunta don" sabi niya sakin at ngumisi pa.

"Pinlano mo to eh hano?"

"Syempre!" sabi niya at tumawa pa kaya napailing nalang ako.

"Oh? San ka pupunta?" tanong ko sakanya nung sumunod siya sakin sa pag akyat.

"Diba tayo pupunta sa room mo?"

"Gago ka, may restroom dyan, don ka magbihis" sabi ko sakanya. Sasama ka pa ah. Pwede naman, char!

"Sayang" sabi niya at nagkakamot pa ng ulo na bumaba. Gago talaga.

Umakyat narin ako sa room ko pagkatapos don.

Nagshower muna ko and gumayak nako.

I just wore a simple white button up dress, and heels tsaka naglugay lang ako and kinulot yung dulo nung hair ko and light make up and I'm done!

Nagpack rin ako sa isa kong bag nung extra clothes ko kase may pool party na magaganap mamaya. You know, always ready.

"Let's go" sabi ko sakanya pagbaba ko, nakaupo na siya don sa may sala.

Naka short-sleeved polo siya na nakabukas pa yung unang dalawang butones kaya medyo kita yung dibdib niya. And jeans din.

"Oh, natulala ka na dyan. Gwapo ko ba?" sabi niya at kumindat pa hayop.

"Kapal mo naman" sabi ko sakanya at kinuha yung paperbag sa gilid tsaka nauna ng lumabas.

At dahil may dala naman siyang kotse yun nalang gagamitin namin papunta kila Ivy.

Reaching the Sky (University Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon