29

2.1K 32 1
                                    

Kinabukasan 5am nung magising ako, well nag alarm nako because baka malate ako ng gising at iwanan pa nila ko, duh!

So bumangon na agad ako at naglight breakfast dahil kakain din naman ulit kami mamaya habang nasa byahe.

And mamayang 6:30am dadating na yung van nila Mia kase don kami sasakay para malaki din yung space.

And since may driver naman sila hiniram muna namin para yun yung magdrive dahil tinatamad daw sila magdrive, gosh!

So ayon gumayak na nga ako, I just wore a black hoodie and denim shorts nalang para comfortable ako mamaya, naglugay nalang din ako dahil for sure magugulo din yon mamaya.

6:30 nung may kumatok sa pinto ng condo ko, it must be the driver and Mia ofcourse.

"Henlo! Goodmorning!" sigaw agad ni Mia pagkabukas ko ng pinto. Nasa likod naman niya yung driver nila.

"Here's my things po" sabi ko at binigay yung maleta and bag dun sa driver nila para ibaba na at mailagay sa van.

"Taray kala ko sa laguna tayo pupunta?" sabi niya nung makita yung suot ko.

Pano kase naka off shoulder siya tapos design is parang hawaiian, and nakashorts lang din siya.

"Gaga, wala pa naman tayo sa laguna mamaya nako magpapalit" sabi ko sakanya at nilock na yung condo ko tsaka pinuntahan na namin si Ivy.

"Ms. Selene Ivy?" sabi ni Mia na parang panlalake pa yung boses, gaga talaga.

"Yes? Who is it?" sigaw naman ni Ivy sa loob.

"Sa lazada po ituh, nandito na po yung inorder niyuh" sabi pa ni Mia habang pinipigil yung tawa niya. Gaga ampota. Traydor sa shopee.

"What? what did i order?" sigaw ni Ivy na naglalakad na ata papunta sa pinto ng condo niya.

"Utak po" sabi ni Mia at tumawa ng tumawa sakto namang bumukas yung pinto.

"Gaga ka! kala ko kung ano na, iniisip ko pa tuloy kung ano inorder ko" sabi ni Ivy at binatukan si Mia na tumatawa parin.

"Where's your things?" sabi ko kaya kinuha na niya sa loob yung dalawang maleta niya.

"San punta mo? Ibang bansa?" asar sakanya ni Mia.

"Gaga, syempre sa laguna. At dahil girlscout ako, madami akong extra clothes na dala" sabi niya at hinila na palabas yung mga maleta niya.

Dumating narin yung driver ni Mia kaya binuhat nayon pababa. Nilock lang ni Ivy yung condo niya at umalis na kami.

Pagbaba namin sumakay na kami van sa pinakalikod katabi ko si Ivy at sa gitna si Mia and Ava tapos sa tabi nung driver si Lucas.

Dinaanan lang namin yung dalawa and then bumyahe narin kami.

9am nung nag stop over muna kami sa mcdo para magbreakfast.

30min to 1hour nalang yung byahe namin so medyo malapit na kami dun sa beach resort. So natulog nalang ulit ako habang nasa byahe.

10am nung makarating na kami dun sa beach resort. Sinalubong pa kami nung mga staff don and tinuro kung saan yung mga cabin namin.

Pagdating namin sa cabin nandon sa labas si Mr. Enriquez. Iniintay ata kaming dumating, taray vip pala kami here.

"Oh, Crystal! Finally, you're here!" sigaw niya at nilapitan ako tsaka niyakap. Pota.

"Uh, yeah" naiilang kong sagot sakanya, buti naman bumitiw na siya sa pagkakayakap dahil nakatingin na samin halos lahat ng staff dito.

Reaching the Sky (University Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon