May 02, 2019. 07:30 hours.
Nasa barracks na sila ng mga kasama nila para mag-prepare ng mga gamit nila but he is still thinking of their Colonel's god-daughter.
Nakita na niya ang babaeng ito somewhere. He just can't remember it. The name is not familiar but the face is. Sigurado siya na nakita niya ito somewhere.
She is so beautiful. Ang sarap titigan ng mukha. Hindi ka magsasawa sa kakatingin.
Napatingin siya kay Kurt na inaayos ang mga food supplies sa bag nito.
"Bok, pamilyar ang mukha nung Candice, eh. Parang nakita ko na siya." He said to Kurt.
Napatingin ito sa mukha niya. Medyo nagulat.
"Saan mo nakita?" Maang nitong tanong.
"Basta, nakita ko na siya.Hindi ko lang talaga matandaan kung saan." Sabi niya na sigurado sa mga sinasabi.
"Baka naging ex mo?" Seryoso nitong tanong.
He smiled at the thought. Sa ganda ng babaeng iyon ay hindi niya iyon makakalimutan kung naging girlfriend man niya iyon. Pero hindi niya iyon naging babae.
"Napangiti ka na diyan, naging gf mo nga?" Lalong naging seryosong tanong nito. Ngayon lang niya ito nakitang ganito kaseryosong magtanong tungkol sa mga babae niya.
Obviously ay attracted rin ito sa inaanak ng commanding officer nila. Napansin niya kanina ang kakaibang kislap sa mga mga nito habang tinitingnan ang mukha ng inaanak ng CO nila.
How odd na pareho silang attracted sa babae kahit sa picture lang nila nakita? Kahit siya ay naiisip pa rin ang mukha ng babae hanggang ngayon.
It is their thing na magpagandahan ng gf. Sa reaksyon nito ay obvious na type nito ang babae. He would not be so eager to know if she is his ex if he is not interested in her.
And to that, he had an idea. Babakuran na niya kaagad ang inaanak ng CO para hindi na nito ituloy ni Kurt ang pagkakagusto nito sa dalaga.
"Teka, parang, naalala ko na! Nakilala ko siya sa isang party ng kaibigan ko. One night stand lang ang nangyari sa amin. Hindi ko na nakita kinaumagahan, eh." He lied to him to see his reaction.
Nakita niya kung paano dumilim ang itsura nito sa sinabi niya. Nagdiwang ang loob niya. Sa wakas ay naungusan niya si Capt. Alexander Kurt Ravena! Sure siya na hindi na ito makikialam sa kanya kapag diniskartehan niya si Candice Domingo.
Matagal na niya itong gustong maunahan at ngayon lang siya nakakita ng pagkakataon na magawa iyon.
"Type mo?" He asked the obvious. Napakasarap nitong paglaruan sa mga palad niya. This is his first time to do it to him and he is loving it.
"Hindi na." He said with animosity in his voice. Tapos napabuntong hininga ito.
"Sarap kasama niyang si Candice." He started to lie about her. Natutuwa siyang makita ang dismayadong mukha ni Kurt.
Lalo niya sana itong tutudyuin pero umalis na ito sa tabi niya. He go out of the barracks without saying anything.
Hindi niya alam why Kurt seemed affected by his prank. It is his first time to see him act like that. Whatever his reason is, he will find it out as usual.
Naiwanan siyang napapangiti sa sarili. The high and mighty Kurt Ravena has fall to his trap. Sarap nitong panoorin habang nagngingitngit sa inis dahil naungusan niya ito.
Sa PMA pa man ay habulin na sila ng mga babae. Pareho kasi silang biniyayaan ng kagandahang lalaki. Pareho silang magaling sa sports at madalas nagkakalaban sila sa basketball.
YOU ARE READING
LOVE AND DUTY Series: Xander❤Lorelle
RomanceCandice was kidnapped while enjoying her first ever vacation after she become a physician. She was taken by her abductors in the war zone island of Sulu. With the help of her ninong, she was rescued by elite warriors of AFP. To spice things up,one...