Nagpasalamat siya sa Dios at ligtas na ligtas ang anak niya. Salamat din at nakausap na niya ito.
She is her only daughter. Her most precious possession. Simula ng mamatay ang kanyang asawang si Larry ay ito na ang naging centro ng buhay niya.
Halos mamatay siya sa takot ng malaman mula kay Resty na nadukot ng mga teroristang ASG ang kanyang anak.
"Kumusta raw si Candice?" Tanong ng kanilang kasambahay na si Lucia nang matapos ang tawag.
"Narescue na siya ng mga militar, Lucia. Kasama na siya ni Resty sa brigade." She said with a happy mood.
"Sabi ko naman sayo ay hindi siya pababayaan ng Diyos. Salamat Panginoon sa pagligtas mo sa doctor Candice namin" Napangiti rin ito at napa-sign of the cross pa.
"Halika. Samahan mo ako. Pupunta tayo sa simbahan. Magpapamisa ako para sa nalalapit na birthday ng anak ko." She said excitedly.
"Ilang taon na nga ba siya ulit sa May 8?" Lucia asked.
"Trenta na. Pero wala pa ring ipinapakilala sa akin na nobyo. Baka tumandang dalaga Lucia, natatakot ako. Baka gawing dahilan ang Daddy niya para pumasok sa single blessedness." Totoong natatakot siya para sa anak.
"Sa ganda ng anak mo, marami pang magkakagusto sa kanya. Baka pumipili pa ng best sa mga manliligaw niya. Tsaka uso na ngayon ang mga early 30's na nag-aasawa. Tingnan mo ang mga artista."
"Sana nga. Mula kasi noong high school ay hindi na nakapagnobyo ulit. Naging busy sa pag-aaral para makapagtrabaho at kumita ng pera. Ngayon namang may maganda ng trabaho at may naipon wala ng oras para makipagdate. Hindi na yata lumalabas ng bahay kapag rest day niya."
Worried na rin siya kay Lorelle dahil hindi na ito bumabata. She married Larry at the age of 19. But her daughter is still single at the age of 29.
"Hay naku, huwag ka nang magproblema sa anak mo, Stella. Hindi tatandang dalaga ang anak mo. Ang mga kasingganda ng lahi ninyo ay dapat humayo at magparami. Kung ako ang naging kasing ganda ni Candice aba eh, matagal akong mag-aasawa! Titikman ko muna ang lahat ng magagandang lalaki sa Pilipinas!"
"Magbihis ka na nga. Puro ka biro." Saway niya rito.
But really, she is worried about her Lorelle. Baka hindi na ito makapag-asawa. She knew na may trauma ito sa pag-aasawa dahil sa nangyari sa Daddy nito. Just like her, she was also traumatized by his sudden death.
Namiss niya tuloy si Larry. Kung narito lang ito ngayon ay sabay sana nilang paplanuhin ang birthday celebration ng kanilang nag-iisang anak.
Gumayak na siya para makaalis na sila ni Lucia papuntang simbahan. Kailangan nilang makauwi ng maaga dahil may mga gagawin pa sila sa bahay.
Napatingin siya sa unknown number na tumatawag sa kanya. Sino kaya ito? It called her two times bago nagtext.
Pick up mom.It is me.
Tumawag ito uli. Sinagot niya iyon kaagad.
"Mommy, si Lorelle po ito."
Bago ang number nito. Nakabili na siguro ito ng bagong cellphone.
"Anak, napatawag ka. Is everything all
right?" Hindi niya maiwasang kabahan."I have something to ask and say. And I need your advise." She is serious in the other line.
"What is it honey?" She asked sweetly.
"Paano po ninyo tinanggap ang nature ng work ni Dad?"
Natigilan siya. Paano nga ba?
"Natanggap ko kasi mas mahal ko siya kaysa pangamba ko. He is a hero and I love loving a hero."
"Even if you are always frightened while he is on a mission?" Lorelle asked again.
"Yes, because when you marry a soldier, you should be tough. Your faith should be greater than your fears. Your heart should be tougher and stronger than most wives."
"How do you deal with the anxiety?"
She smiled at the question.
"I embraced it. I pray for your dad's safety and divine protection every time yet somehow I get my self ready for the worst. But you will never really be ready."
Kahit ilang beses niyang inihanda ang sarili sa worst case scenario ay nasira pa rin ang buhay niya ng mamatay ang dad nito.
"Dumating po ba sa isip ninyo na sana hindi nalang si Dad ang pinili ninyo?"
"A million times, anak. But I always find myself choosing him in the end. Sa kanya ako mas masaya kaya siya ang pinili ko."
"Minsan po ba pinapili na ninyo si dad between you and his career?"
"No.Never. Noong nagdesisyon akong pakasalan siya ay natanggap ko na na mahal niya ang duty niya at ako rin ay minahal ko na ito. He don't have to choose. I never attempted to let him choose."
"Paano po noong naging anak na ninyo ako? Hindi po ba kayo nahirapan sa pagpapalaki sa akin mag-isa?"
"I find it hard but he never failed to help me out whenever he is around. Nakita mo naman siguro kung paano niya tayo pinaglalaanan ng oras kapag nagbabakasyon siya. He devoted his time to us whenever he is around us."
Candice sighs before asking her next question.
"Papayag po ba kayo kung sakaling sundalo rin ang maging asawa ko?"
Matagal siyang hindi nakasagot. Is she in love? Sundalo rin kaya?
"Ikaw lang ang makakapagdesisyon niyan anak. I will just support you. Whatever your decision is, I will be here to support you."
Hindi ito agad nagsalita sa kabilang linya.
"Teka, bakit nagtatanong ka ng ganito?May bf ka na ba?Is he a soldier just like your dad?" She eagerly asked her.
"Mom, the truth is, me and Xander met again. He is now a captain of an elite team who rescued me. He loves me still but I am hesitant to take him back because of what happened to dad."
She sighed. She knew him. He is Lorelle's high school sweetheart. Isa sa dahilan kaya hindi na nagkaroon ng nobyo ang anak niya.
"Ikaw ang dapat na magdesisyon anak. Kung saan ka mas masaya iyon ang sundin mo."
Natigilan ito ulit sa kabilang linya. Alam niyang nag-iisip.ito ng mataman.
"Do not rush things. Kilalanin mo muna siyang mabuti. Kilatisin mo. Pag-aralan mo kung kaya mo ba talaga siyang tanggapin kong ano siya lalo na sa nature ng trabaho niya."
"May isa pa akong problema Mom." At last she spoke again.
"What is it?"
"He has a current gf who is head over heels on him."
"Lorelle, do not meddle on their affair. He should be the one who should settle it. Bago mo siya sagutin ay dapat wala na siyang sabit. Remember the rule of karma?"
"I remember mom. I would not do something stupid I promise."
"Good."
"Thank you, Mom."
"You are always welcome, Lorelle."
"Dalhin mo siya rito sa pag-uwi mo. Gusto ko siyang makilala at makita ng personal."
"If things will be settled Mom. I will bring him to you."
"Take care, sweetheart. I miss you so much."
"I miss you more, Mom."
"I love you, anak."
"I love you, too Mom. Bye."
Napaisip siya habang hawak pa rin ang kanyang cellphone. Lorelle is in love but it is a bit complicated. But she is glad that she finally found someone. She hopes that her love story will have a happy ending.
YOU ARE READING
LOVE AND DUTY Series: Xander❤Lorelle
RomanceCandice was kidnapped while enjoying her first ever vacation after she become a physician. She was taken by her abductors in the war zone island of Sulu. With the help of her ninong, she was rescued by elite warriors of AFP. To spice things up,one...