Chapter 11-Alexander

3 1 0
                                    


When his team of five moved slowly towards the hut where Lorelle was detained, hindi niya naiwasang kabahan, not for himself but for her.

Sa dami ng nadaanan niyang extraction ay rito siya pinakakinabahan. What if macompromise sila at magkabakbakan? Kaya kaya ni Lorelle na tumakbo?

Sa pagkakakilala niya rito ay napakahinhin nito. Hindi makabasag pinggan ang dalaga. So sweet, so innocent.

Siya ang naunang lumapit sa kubo na kinaroroonan ng dalaga. Tiningnan niya ang loob nito. Napakuyom siya ng kanyang kamao sa nakita. Two terrorist are harassing his Lorelle.

Napatiimbagang siya ng sinikmuraan ng isa ang dalaga. Agad siyang lumapit sa pinto ng kubo at nang lumabas ang isa sa mga terrorist ay agad niyang inundayan ng saksak sa kill zone.

Bumulagta ito sa bungad ng pinto. Napatingin sa kanya ang isang teroristang nakadagan sa dalaga at maging si Lorelle.

Her eyes is of so much fear. She is crying in despair.

Agad niyang tinadyakan ang terorista bago ito nakaporma sabay gilit ng kutsilyo sa leeg nito. Bumulagta ito sa sahig ng walang buhay.

Yumakap sa kanya ang dalaga ng makilala siya nito. Takot na takot ito.

Naitulak niya ito bigla ng magsalita si PFC Guzman sa commu nila.

"Sir, may witness po tayo. Anong gagawin ko rito sa babae?"

"Idespatsa n'yo na 'yan. Target is secured. Aalis na tayo." He assist Lorelle and let her stand.

"Pwede ko bang madala ang mga gamit ko?" She said between sobs. Tumango siya.

Tinulungan niya itong dalhin ang maleta nito.

"Sir, may movement kaming nakikita papunta sa inyo. Permission to fire." Sabi ng sniper nila.

"How far?"

"150 meters."

"Huwag ka munang magpapaputok hanggat hindi kailangan. Aalis na kami." He said. Bumaling siya sa dalaga. "We need to hurry."

Naratnan nila sa labas si Guzman at Monte habang iie-execute ang witness na sinasabi ng mga ito

Napakunot noo siya. Bakit hindi pa nito pinatay ang witness nila? "Bakit hindi pa iyan nadispatsa Guzman?"  He said na nainis sa tauhan.

But Lorelle recognized the woman. Hindi ito pumayag na patayin nila ito.

Frustrated na napabuntong hininga siya. Hindi niya pwedeng iwanan ito dahil magsusumbong ito sa ASG. Hindi niya rin ito pwedeng isama dahil wala iyon sa mission nila.

"Doc, sasama ako sa iyo. Please, ayoko na rito." Narinig niyang sabi ng babae.

"Dr. Domingo, ikaw lang ang pwede naming isama. Maaring espiya ang babaeng iyan at pwede tayong mapahamak dahil sa kanya. This mission cannot be compromised by that woman."

But Lorelle, the hard headed Lorelle never listened to him.

"I cannot leave a woman like her here. Nakita mo ang ginawa sa akin ng mga lalaking iyon kanina? Maari niya ring sapitin iyon." She explained.

He decided to kill the woman using his knife but Lorelle meddle again.

Hindi na sila nagtalo ng walang ano ano ay nagpaputok ang kanilang sniper. Alam nilang nakompromiso na nga ang misyon na ito.

LOVE AND DUTY Series: Xander❤LorelleWhere stories live. Discover now