May 02, 2019. 21:45 hours.
Maingat ang bawat kilos na pinagmasdan niya ang mga galaw ng mga kalaban nila. Bawat galaw ay tiyak at alerto lagi ang mga pandama niya.
Sumunod siya sa mga yapak ng kanyang ama sa pagsusundalo kaya ngayon ay narito siya sa operasyon na ito. Tatlong taon na rin siyang miyembro ng elite team na ito.
Nang mamatay ang tatay niya sa sakit sa atay ay hindi na siya naitaguyod ng nanay niya sa kanyang pag-aaral kaya hanggang second year college lang ang narating niya sa kursong nursing.
Sumunod namang namatay ang nanay niya sa cancer of the breast pagkatapos ng isang taon.
Grabe ang samahan nila rito sa team. Solid sila pagdating sa bakbakan. Wala pa silang misyon na hindi naging matagumpay. Magagaling kasi ang mga lider nila. Matatalinong dumiskarte sa pagpaplano.
Napatingin siya sa kanilang second in command na si Lt. Kent Magno. Katulad niya ay nakadapa ito at ang mga mata ay nasa mga kalaban nila.
Bukod sa magandang lalaki ay graduate ito sa PMA na tulad ng kanilang team leader na si Capt. Kurt Ravena. Parehong mababait sa kanila ang dalawa. Hindi nila ipinapakita na iba sa PMA graduate ang mga enlisted personnels. They treated them like their batch mate in PMA.
Isa iyon sa nagpapataas ng morale nilang mga enlisted personnels ang maramdaman na hindi sila nilo-look down ng kanilang mga officers.
Tiny ang tawag ng mga ka-team niya sa kanya, pet name niya dahil siya ang pinakamababa ang height sa lahat. Sa height niyang limang talampakan at walong pulgada ay siya na ang pinakamababa sa team. Mas matangkad sa kanya ng kaunti si Cpl. Aranas na 5'9" ang height.
Isa siya sa dalawang medics sa team nila. Si Pfc Arthur Monte ang isa na nasa team B ngayon para i-rescue ang doctor na inaanak ng CO nila.
Kaninang alas siete ng gabi pa sila sa mga pwesto nila. Hinihintay lang nilang matulog ang karamihan sa mga tao sa kumunidad na iyon bago kumilos.
Nakahanda na silang lahat sa elite team para sa gagawin nilang rescue. Hudyat nalang ni Capt. Ravena ang hinihintay nila para isagawa ang misyon nila.
Nang humudyat ang kanilang kapitan ay sabay sabay silang kumilos na parang isang tao.
Dahan dahan ang mga kilos niya habang gumagapang papunta sa kubo ng pinaniniwalaan nilang kinalalagyan ng mga dayuhang bihag.
Hinintay niyang mawala ang mga bantay sa pwesto bago siya mabilis na kumilos palapit sa kubo.
Nagtago siya sa likod ng isang punong kahoy ng makita ang isang teroristang bantay na armado ng baril na C14. Kailangang walang makaputok na baril sa gabing ito para malaya nilang maitatakas ang mga bihag na walang makakapansin sa kanila.
Isang putok ng baril lang ang kailangan para magising ang buong community at iyon ang iniiwasan nilang mangyari. Kutsilyo lang ang dapat nilang gamitin sa pagpatay sa mga kalaban nila sa ngayon.
Mabilis na sinunggaban niya ang isang armadong lalaki ng mapadaan ito sa pinagtataguan niya. Ito ay isa sa mga nagbabantay sa labas ng kubo.
He aimed for his neck. Dahil hindi nito inasahan ang pagsunggab niya ay nalito ito at hindi agad nakapalag. Pinilipit niya ang leeg nito gamit ang kanyang mga kamay hanggang sa tumunog iyon. Agad nitong ikinamatay ang pagbali niya sa leeg nito. He severed his atlanto-occipital joint. Isa iyong fatal point, a kill point.
Itinago niya ang patay na katawan ng lalaki sa bandang hindi madaling makita ng mga kasama nito. Mabuti na ang sigurado. Tumakbo siya papunta sa kubo na target nila at nagtago siya sa labas nito.
YOU ARE READING
LOVE AND DUTY Series: Xander❤Lorelle
RomanceCandice was kidnapped while enjoying her first ever vacation after she become a physician. She was taken by her abductors in the war zone island of Sulu. With the help of her ninong, she was rescued by elite warriors of AFP. To spice things up,one...