Chapter 28-Alexander

1 0 0
                                    

Hindi pa rin maalis sa isip niya ang nangyari sa pagitan nila ni Lorelle kanina sa encounter area. Naidagdag pa ngayon ang pakiusap ni Kent sa kanya.

Seeing them together a while ago is painful for him. Dapat ay siya ang umaalalay sa dalaga at hindi si Kent.

Siya dapat ang kasabay nitong kumakain at hindi si Kent.

Bakit sa dinami dami ng babae ay natipuhan pa nito maging ang Lorelle niya? Ang Lorelle na minahal niya sa mahabang panahon?

Nagseselos ang puso niya ng maisip kung paanong ang babaeng iningatan niya ng ilang buwan ay nakuha ni Kent sa isang gabi lang.

And now, gusto nitong ituloy ang naudlot na relasyon nito at ng dalaga.

Bakit ibinigay ni Lorelle ang pagkababae nito sa kung sino sinong lalaking nakilala lang nito sa isang party? Bakit si Kent pa talaga?

What happened to her? Ito pa nga ang nagsabi sa kanya di ba? Ibibigay niya iyon sa lalaking pakakasalan niya.

Ano bang nangyari kay Lorelle after na mawala ang Daddy nito? Naging pariwara ba ang buhay nito? How could she turn out to be the woman she despised 15 years ago?

Napakuyom siya sa kanyang kamao. Ilang lalaki na kaya ang naka-one night stand nito? Hindi niya talaga matanggap that she changed drastically over the years.

But can he blame her? Kahit nga siya di ba? He has changed. He changes his women like clothes.

Knowing Kent, alam niyang makukuha nito si Lorelle ulit. And he needs to back off kung ayaw niyang magkasira sila ng kaibigan niya.

Wala sa bukabularyo nilang dalawa ang manulot ng babae. Base sa sinabi nito kanina ay determined itong mapasagot ang ex niya.

Maybe it is time to move on. Wala na rin namang saysay na ipilit niya kay Lorelle na magkabalikan sila ulit.

Sinabi na nito kanina. Minahal siya nito ng totoo noon. Noon. Baka iba na ngayon?

Gusto niyang sabihin nito na siya pa rin hanggang ngayon pero tumahimik na ito. Noon ay siya ang mahal nito. Iba na ba ngayon? Si Kent na ba ngayon?

What about the kiss they shared earlier? Wala lang ba iyon? Is that only for closure? Siya lang ba ang may naramdaman sa halik na iyon? Wala lang ba ito rito?

Ang pagyakap nito sa kanya? Bunga lang ba iyon ng sobrang takot? Pero bakit it felt so real?

Iwinaksi niya sa isip ang nangyari kanina lang. Dapat ay tapusin na niya ang misyon na ito kaagad para makabalik na siya sa bakasyon niya.

"Capt. Ravena?Kurt?" Pukaw ni Pete sa pag-iisip niya. Nasa harapan na
pala sila ng office nito.

"Mukhang malalim ang iniisip natin, ah? May naiwanan ba sa bakasyon?" Pete asked.

Ngumiti siya. Wala sa ibang lugar ang iniisip niya kundi nasa mess hall at inaalagaan ng ibang lalaki.

"Can I use the phone now?" Sabi niya rito imbes na sagutin ang tanong nito.

"Sure." Itinuro nito ang handheld phone.

Nalowbat na ang commu or communication gadgets nila kaya kailangan niyang makitawag rito.

He called their CO. He answered in the first ring.

"Hello Kurt! Tell me the good news." He said excitedly.

Good news for his CO and a bad news for him. Maghihiwalay na sila ulit ng landas ni Lorelle.

"Sir, nandito na po kami sa marine post. All hostiles are secured. Pero ang muslim ay kasalukuyan pong nagpapagaling. Katatapos lang siyang operahan ni Lor- ni Dr. Domingo, sir."

Hindi na niya dapat pang tawagin sa pangalan nito ang dalaga mula ngayon. He should address her according to her profession lalo na sa harap ng CO nila.

Narinig niya ang sigh of relief nito ng marinig ang report niya.

"Good job, Kurt. We will celebrate your success just like the old times."

Sa ibang pagkakataon ay matutuwa siya sa sinabi nito. But not now. Masakit sa puso na makita ang mahal mo sa piling ng iba.

"Okay, sir. My team will be glad to hear the good news." He said faking a smile.

"Just wait for me there. Kumusta nga pala si Candice?" He asked again.

Hindi siya agad nakasagot.

"Kurt? Is there something wrong?" He asked wearily.

"No, sir. She is totally fine. Kumakain na siya ngayon kasama si Lt.Magno."

"I am glad that she is fine.How was her injury?"

"Nakakalakad na po siya ng dahan dahan using a cratches." Naalala na naman niya kung paano alalayan ni Kent si Lorelle kanina. "Kent is assisting her."

"I am glad that Kent is there for her." He said in a happy voice.

Taliwas sa CO nila ay hindi siya natutuwa that Kent is the one assisting her. It is a torture for him. Seeing her in his arm is not a happy scene.

"I am on my way there, Kurt. And guess what, someone would like to come with me just to see you."

Hindi man niya itanong ay alam na niya kung sino. Si Belle iyon. Pamangkin ito ng isa sa mga brigade general nila at ilang beses na siya nitong binisita sa post niya.

Mabuti na ring pinuntahan siya nito. In that way, Lorelle will forget about him, too. At may pagbabalingan siya ng sama ng loob niya.

"What time will you land, sir?" He asked his CO.

"At noon,kukunin lang namin kayo diyan tapos babalik na rin tayo rito.Sa brigade na tayo kakain ng tanghalian. Doon ko na paghihintayin si Belinda."

"Loud and clear, sir."

It is already 11am, malapit na itong dumating sa post.

"Thank you, Kurt. Bye."

Nawala na sa linya si Col. Martinez.

"Gusto mo bang magpahinga?Doon ka muna sa pad ko habang hinihintay mo si CO." Pete offered to him. He might think that he is exhausted.

"Pupuntahan ko muna ang muslim na nabaril."

"Okay, basta punta ka lang sa pad ko. Feel at home ka lang."

Napatango siya. Hindi pahinga ang kailangan niya to be at ease. Isang bagay lang ang makakapawi ng nararamdaman niya.

Belinda could give it to her later. For now, aasikasuhin muna niya ang mga bagay na dapat niyang gawin.

Naratnan niya sa clinic ng post si Agodo na nakahiga sa kabilang kama. Wala pang malay si Samiya na nakahiga naman sa isa.pang kamang naroon.

"Kumusta na siya?"

"Nasalinan na po siya ng dugo sir. Pero sabi ni doc, kailangan pa niya ng isa pang bag."

"Tumayo ka diyan, kuhanan mo ako ng dugo at isalin mo sa kanya."

Gusto niyang gawin iyon para pasalamatan ang dalaga sa ginawa nito kay Lorelle.

"Pero wala na po tayong blood bag, sir. Sa brigade nalang po."

"Maghanap ka diyan, baka may nakatago pa." Pamimilit niya rito.

Umiling ito.

"Bakit ka ba nandito? Kumain ka na ba?"

"Kumain na po ako, sir. Ako po ang pinababantay ni doc kay Samiya."

"Anong tingin mo sa kanya? Inosente o guilty?" Nakita niyang nalito ito sa tanong niya.

"Inosente po, sir."

Napatango siya. Sino ba namang tao ang magbubuwis ng buhay para iligtas ang isang bagong kakilala?

Napahanga siya sa babaeng muslim. Nabago nito ang pananaw niya sa mga muslim na kagaya nito. Hindi pala lahat ay masasama. May iilan pa pala na katulad nito na may mga puso.

"Bantayan mong maigi ito Agodo. Sabihan mo ako kaagad kapag nagising na siya."

Tinapunan niya ng huling sulyap ang muslim bago umalis.

LOVE AND DUTY Series: Xander❤LorelleWhere stories live. Discover now