Chapter 48-Lorelle

5 0 0
                                    

May 05, 2019. 10:30 hours.

Isang araw na siyang walang balita kina Xander at sa buong elite team nito at lubos na siyang nag-aalala para sa mga ito. Nakita niya kung paano ang buhay sa operation ng mga ito. Walang katiyakan na makakabalik pa ang mga ito ng buhay.

May kutob siya na si Belinda ang subject sa operation ng mga ito. She felt bad for her. Alam niya ang pakiramdam na ma-kidnap. Magkahalong takot, kaba at awa sa sarili ang mararamdaman mo sa sitwasyon.

Naalala niya ang tangkang pangrarape sa kanya sa kuta ni Akbar. Sana naman ay hindi mapahamak Belinda at marescue ito kaagad ng team ni Kurt.

Ipinagpaliban niya ang kanyang pagpunta sa hospital kahapon. Nangako naman ang kanyang ninong na makikipagcoordinate ito sa hospital para sa gusto niyang medical mission.

Pinuntahan niya si Samiya para may makausap naman ito at maging siya ay may mapagsabihan ng kanyang nararamdaman.

Napangiti ito ng makita siya sa pinto ng clinic. Hindi na ito nakaswero at medyo bumabalik na ang mamula mulang kulay sa balat nito.

"Nakainom ka na ng gamot mo?"

"Yes doc." Nakangiting sabi nito.

"Bukas pwede ka nang i-dischage. Pwede ka ng makasama sa akin sa paglalakad sa beach every morning and afternoon."

"Salamat for everything, doc Candice."

"I should be the one who must be thankful. You saved my life. Kung hindi dahil sa iyo ay baka ako ang nakaratay dyan sa bed mo."

Ngumiti ito ng mas malapad.

"Have some rest, pupuntahan ko lang si Ninong for an update."

"Sana ay okay silang lahat doc." Concerned na sabi nito.

"Sana nga Samiya. Sana nga." Hopeful na sabi niya.

She waited for her ninong outside his office. May kausap ito sa handheld radio kaya hindi na muna siya pumasok sa office nito.

Nang matapos ang pakikipag-usap nito ay tsaka siya kumatok sa pinto. Napansin niya ang problemado nitong mukha.

"Ninong sila Xander ba iyon?"
Hindi niya napigilang magtanong.

Tumango ito.

"Kumusta po sila?"

"Not a good news, anak." Malungkot itong nagsalita.

"May nangyari po bang masama kay Xander, sa team?" Bumangon ang sobrang kaba sa dibdib niya.

"Later, Candice, I will talk to you later. Mauna ka ng kumain at pupuntahan ko pa si General."

Naiwanan siya na sobra ang kabang nararamdaman. Paano kung may nangyari kay Xander? Bakit wala pa ang mga ito hanggang ngayon? Noong siya naman ang hostage ng mga bandido ay nakuha na siya ng mga ito kaagad.

Si Belle kaya? Kumusta kaya ito?

Ang hirap kapag civilian ka tapos ang mga kasama mo ay mga military. Puro confidential puro classified info. Paano siya na gustong malaman ang kalagayan ng mahal niya?

Para siyang papatayin sa sobrang kaba at takot para kay Xander at sa team nito.

Hapon na ng muli silang nagkita ng ninong niya. Sinamahan siya nito kasama ang limang sundalo sa hospital na pinakamalapit sa kanila.

Nahihiya naman siyang magtanong rito habang nasa daan dahil may mga sundalo silang kasama. Baka isipin ng mga ito na ginagamit niya ang pagiging inaanak niya para makakuha ng classified information.

LOVE AND DUTY Series: Xander❤LorelleWhere stories live. Discover now