May 08, 2019. 19:00 hours.
Napatingin siya sa hinahangaan niyang doctor. Gusto niyang maging katulad nito balang araw. Pero gusto niyang maging pediatrician. Mga bata ang gusto niyang gamotin.
Napakaganda ni Dr. Candice sa suot na floral beach dress na kulay green. Sleeveless iyon na hanggang talampakan ng doctor. Litaw na litaw ang ganda nito.
Masaya ito habang kausap ang mga dumalo sa beach birthday celebration nito. It is her 30th birthday today.
Nagdiwang sila rito sa beach ng brigade. Napakasaya niya na masaksihan ang pagdiriwang nito sa kanyang kaarawan. Napangiti siya ng dumako ang tingin nito sa kanya.She smiled at her, too.
Kasalukuyang nagpapapicture ang doctor kasama ang mga sundalong rescuers nito. Nandoon rin ang mga dayuhang Australian.
"Samiya, halika ka!Sumama ka sa picture namin."
Lumapit siya rito. Nandoon ang lahat ng member ng elite team na nagrescue rito. Tumabi siya sa kay doc Candice. Nasa gitna sila ng 12 sundalo na nakasuot ngayon ng pang civilian.
"Ready 1, 2, 3. Say marines!" Sabi ng sundalong may hawak ng camera.
"Marines!" Sabay sabay nilang sigaw as the photographer took their images.
Marami silang ginawang mga poses. May seryoso, may wacky, may look up at may nakasalute silang lahat.
Bago matapos ang picture taking ay lumapit sa kanila si Capt. Kurt Ravena at umakbay kay doc Candice. Napangiti rito ang doctor.
"Isa pa ulit." Request nito sa photographer." This time let us all say I love marines."
Sumigaw silang lahat ng "I love marines!"
Capt. Ravena kissed Dr. Domingo in her cheeks as the camera clicks. Maluwang namang ngumiti ang doctor matapos medyo napadilat ang mga mata sa ginawa ng boyfriend nito.
Napangiti siya. The high school sweeethearts are reunited at last. Ang sarap nilang pagmasdan na punong puno ang mga mata ng pagmamahal.
Narinig lang niya ang kwento ng dalawa. Sa mga hopeless romantic na kagaya niya ay ang sarap pakinggan ang kwento ng mga ito.
Napatingin si doc Candice sa wrist watch nito. Napalingon na parang may hinahanap.
"Nagugutom na ba kayo? Mamaya pa yata matatapos ang meeting ni ninong Resty. Kain na tayo." Doc Candice said to her guests.
Nanalangin muna sila bago kumain.
Napatingin ulit siya sa doctor.Una nitong inasikaso ang bf nito na binigyan nito ng plato at nilagyan iyon ng mga pagkain.
She smiled on the sight of them.
"Naks naman, sana all! Baka naman langgamin na kayo niyan. Ako rin Candice, lagyan mo rin ang plato ko!" Si Lt. Kent iyon ang crush niya sa mga elite members. He is teasing the lovers.
"Maghanap ka na kasi ng mag-aalaga sa yo, Kent para hindi kana maiinggit." Sabi ni doc Candice rito.
Napangiti siya sa sinabi ng doctor. Willing siyang magvolunteer na alagaan ito kung papayag ito.
Gwapong gwapo talaga siya rito. Para itong artista sa tikas nito. Naaalala niya ang actor na si Chris Evans rito. Maging si Capt. Ravena ay crush niya dati pero ngayong bf na ito ni doc Candice ay kinalimutan na niya ang crush niya rito.
Halos lahat naman ng members ng elite team ay mga gwapo, liban sa isa na kinasusuklaman niya ang pagmumukha.
"No thanks. Sabi ko naman sa inyo, ayoko ng ganyan. Ayokong langgamin ako sa sweetness." Lt. Kent said while picking some finger foods.
YOU ARE READING
LOVE AND DUTY Series: Xander❤Lorelle
RomanceCandice was kidnapped while enjoying her first ever vacation after she become a physician. She was taken by her abductors in the war zone island of Sulu. With the help of her ninong, she was rescued by elite warriors of AFP. To spice things up,one...