Pinipigil lamang niya ang sarili na hindi bumigay kay Xander kahit ang totoo ay gusto na niya itong pagbigyan sa mga hirit nito.
Mahirap talaga kapag nagtatalo ang isip at puso at kailangan mo lang mamili ng isa.
Her heart should wait and let her brain decide now. It is righteous to do it now.
Napasandal siya sa likod ng pinto ng barracks ng ninong niya. Inalala niya lahat ng nangyari sa pagitan nila ni Xander kanina.
She smiled at the thought. Kapag hindi na complicated ang lahat ay malaya na silang dalawa na gawin ang ginagawa ng normal na magkasintahan.
Lalo siyang napangiti ng maalala ang sayaw na pinagsaluhan nila. It was their first dance. Hindi nga kasi sila nakapagsayaw sa prom nila.
Dumating kasi ng biglaan ang Daddy niya kaya hindi siya naka-attend sa prom.
He promised her another dance para daw sa 18th birthday niya.
Nalungkot siya ng maalala ang kanyang 18th birthday celebration.
She imagined it to be grand when she was young dahil her dad promised her a grand debut celebration.But it never happened dahil patay na ang daddy niya when she turned 18. Sa halip na grand celebration ay sila lang dalawa ng Mommy niya ang nagcelebrate.
Bumalik na naman ang mga agam agam niya sa trabaho ni Xander. Natatakot siyang mamatay ito sa line of service na kagaya ng dad niya.
Ayaw niyang may isang another Stella at Lorelle na mag-suffer after he died. Hindi niya yata kayang mabuhay na katulad ng pamumuhay ng Mom niya.
Lalo siyang naguluhan. Mahal niya pero takot siyang makasama ito. Nauuna ang takot para sa kanya. Hindi niya alam kung anong future ang maghihintay sa kanya kay Xander.
She saw him fight the enemy. Tila wala itong takot na mamatay. Kahit nga nadaplisan na ito ay wala lang rito.
Paano kapag sa susunod ay hindi na daplis kundi sasapul na ang bala sa vital organs nito?
Napahugot siya ng malalim na buntong hininga. Bakit kailngang ganito kahirap mahalin ang binata? Bakit hindi nalang maging simple ang lahat? Bakit hindi nalang ito nagbusiness man?
Paano kung kahit hindi ito mamatay ay ma-injured naman ito permanently?He can be amputated or blinded by some terrorists' bombs. Paano ito mabubuhay?
Parang hindi niya kakayaning makita ang miserableng buhay nito. She cannot stand even the thought of it. She just can't take it.
Napakislot siya ng marinig ang mga katok sa pinto. Si Xander kaya ang bumalik? She excitedly open the door.
Nagulat siya ng makita ang nasa likod ng pinto. Nagsukatan sila ng tingin.
Ano ang ginagawa nito rito?
"Pwede ba tayong mag-usap?"
Napatango siya.
"Doon tayo sa beach, baka kasi dumating si Col. Martinez, ayokong makita niya tayo."
Sumunod siya kay Belinda habang naglalakad ito papunta sa dalampasigan na pinanggalingan nila ni Xander kanina.
Anong gusto nitong sabihin sa kanya?
Huminto sila sa tahimik na bahaging iyon ng beach.
"Anong pag-uusapan natin?" She asked her.
"Alam mo doc, hindi ako maramot na tao. Pero pagdating ka Kurt nagiging maramot ako."
"Hindi ako nakikihati sa iyo." She emphasize.
YOU ARE READING
LOVE AND DUTY Series: Xander❤Lorelle
RomanceCandice was kidnapped while enjoying her first ever vacation after she become a physician. She was taken by her abductors in the war zone island of Sulu. With the help of her ninong, she was rescued by elite warriors of AFP. To spice things up,one...