May 03, 2019. 04:50 hours
Nagpapahinga na sila sa kakahuyan habang hinihintay ang chopper na susundo sa kanila.
Napatingin siya kay Xander na may sampung metro ang layo mula sa kanila ni Samiya. Kausap nito ang mga kasamahan. Kagaya nila ay tapos na ring kumain ang mga ito.
He changed physically. Lalo lamang itong naging matipuno. At sa tantiya niya ay nadagdagan pa ang height nito na 5'11" dati. Mukhang six footer na ito ngayon o higit pa.
Naglakbay ang kanyang mga mata sa katawan nito. His shoulders broaden and his butt, lalong umumbok iyon. That is so sexy to see for her.
His face, even with those black paints all over it is still so handsome. Nakadagdag sa kagwapuhan nito ang pagkatone ng masseter muscle nito.
She can say na parang iniiwasan siya nito mula pa kanina ng ibinaba na siya nito. Maayos naman sila kagabi at nag-usap pa sila habang pasan pa siya nito.
Bakit bigla nalang itong hindi namamansin? Galit ba ito sa pang-iiwan niya rito? Sabagay, hindi niya ito masisi. Dapat naman talaga itong magalit sa kanya without saying anything bago siya umalis. Kahit naman sa kanya nangyari iyon ay magagalit siya rito.
Ghosting ang tawag doon ng new generations. Iyong bigla kang mawawala at hindi magpaparamdam.
She assessed herself. She is still attracted to him. Walang nabago sa atraksyong nararamdaman niya para rito.
She decided to make the first move and say sorry. She tried to stand up, medyo okay na din naman ang kanyang ankle na na-injured.
Nakatayo siya ngunit namilipit siya sa sakit matapos mapwersa ang kanyang na-injury na paa. Napadaing siya sa
sobrang sakit. Nang mapansin siya ni Xander ay napakabilis na nakalapit ito sa kanya at nasalo siya nito bago matumba.Napasinghap siya ng maamoy ulit ang binata. Yumakap siya rito. Felt like the old times.
Matagal na nagdikit ang kanilang mga katawan. Nararamdaman niyang gusto rin nito ang pagkakayakap niya rito.
God knows how she missed him. Ilang taon ring hindi ito nawaglit sa isip niya. If not for her course ay alam niyang laging ito ang magiging laman ng isip niya oras oras.
"Hmmm, baka naman pwede mo nang bitawan si doc, Kurt."
They startle at the sound of another baritone voice. Napabitiw ito sa kanya at maging siya rito.
She scolded herself. Ano ba itong ginagawa niya? Lumalandi pa talaga siya sa gitna ng panganib.
Napatingin siya sa may ari ng boses. He is almost as tall as Xander. Matipuno, gwapo at matikas rin ito.
"Good morning, doc," he said with a charming smile. Ang gugwapo naman ng ka-team mate nitong si Xander.
Kasama ba sa qualifications ng team nito na dapat gwapo, matipuno at matikas? Sa 12 katao kasi sa team nito ay lima na ang nakita niya ng malapitan ngayong umaga. And she can say na lahat ng mga ito ay meron sa katangiang nabanggit niya.
Napatingin siya sa lalaking bumati sa kanya pero agad na bumalik sa mukha ni Xander ang tingin niya. Namula ang pisngi niya ng mapansing titig na titig sa mukha niya si Xander.
"Good morning, too." Matamis siyang ngumiti rito.
"Nakainom ka na ba ng tubig doc?" The soldier asked her.
Umiling siya. Nakalimutan na niyang uminom ng tubig dahil wala namang nagbigay sa kanya.
Mabilis na kumuha ito ng tubig at ibinigay sa kanya. "Ito talagang si Kurt hindi mo naman binigyan ng tubig si doc."
YOU ARE READING
LOVE AND DUTY Series: Xander❤Lorelle
Roman d'amourCandice was kidnapped while enjoying her first ever vacation after she become a physician. She was taken by her abductors in the war zone island of Sulu. With the help of her ninong, she was rescued by elite warriors of AFP. To spice things up,one...