Chapter 31-Lorelle

2 0 0
                                    

Napahiya siya sa biro ng kanyang ninong. Alam naman niyang he just did it to lighten their mood. Pero sana wala si Xander ng sabihin nito iyon.

Nalaman tuloy nito na hindi siya nagkaroon ng boyfriend simula ng maghiwalay sila. Alam niyang nakikinig ito kahit hindi ito nagsasalita.

When her ninong asked her about getting over him, narinig kaya nito iyon?

Walang kaalam alam ang ninong niya na si Xander ang lalaking matagal na niyang hinihintay. Ang Mommy lang niya ang nakakakilala rito.

Ano kaya ang magiging reaksyon nito kapag nalamang si Kurt ang ex boyfriend niya? Would he still send him to rescue her?

Maybe yes. Sa galing ng binata ay kampante ang ninong niya rito.

Tila dehado siya sa sitwasyon nila. Nakakarami na sa kanya si Xander. Nahalikan siya nito kahit may current gf ito. Ngayon naman ay narinig yata nito na hinihintay niya ito hanggang ngayon.

This situation must be changed somehow. Dapat ay hindi siya ang madehado rito. Kahit ang impression man lang nito sa kanya ang mag-iba sa kanila.

Napapikit siya. Paano niya ipapakita kay Xander na wala na ito sa puso niya. Hindi siya dapat magmukhang desperada.

She needs to bounce back. She needs to reclaim herself. Ayaw niyang umalis sa lugar na iyon na nasa isip ni Xander na she is not over him yet.

Napatingin siya kay Samiya ng mapansing gumalaw ang kamay nito. Hawak niya ang braso nito kaya kahit nakapikit at naramdaman niya ang kamay nito na gumalaw.

"Samiya," tawag niya rito.

Hindi na ito muling gumalaw. Baka nananaginip lang ito.

Napatingin siya sa gawi ni Xander ng mapansing nakatingin ito sa kanya. He is sitting across her. Magkatapat sila sa magkabilang panig ng chopper.

Nakatingin nga ito sa kanya. Their eyes met. Pero umiwas siya kaagad ng tingin. Ano kaya ang iniisip nito? Iniisip kaya nito ang sinabi ng ninong niya?

"Candice," sigaw ni Kent sa pangalan niya.

Napatingin siya rito. He is sitting next to Kent.

"With the approval of your ninong, I will ask you for an official date."

Napanganga siya sa sinabi nito. Napatingin siya sa ninong niya. Nakangiti itong tumango kay Kent.

"I don't date military men, remember?" Paalala niya rito. Hindi naman masamang pagbigyan niya ito pero talagang ayaw niya sa mga nakauniporme. Pulis o militar, hindi sila ang gusto niyang makasama. Pero exemption ba si Xander?

"Bakit hindi mo subukan?"He plead.

Gwapo naman si Kent. Mabait. Magalang. May respeto sa kanya. Bakit nga ba hindi? Dahil kay Xander?

"I will think about it." She said.

"Kent, ang paalala ko ha." Her ninong butt in.

"Loud and clear, sir." He said while looking at her.

Naramdaman niyang bumagal ang lipad ng chopper bago ito medyo tumagilid. Siguro ay maglalanding na sila.

Nagsalita ang pilot ng chopper.

"Ladies and gentlement, may I have your attention, in your left is the beautiful South Philippine sea. It is one of Sulu's hidden treasure."

Napasinghap siya sa kagandahan ng karagatan. It is turquoise in color. And mahabang dalampasigan ay kulay puti. Hindi niya alam na white beach pala ang Sulu.

LOVE AND DUTY Series: Xander❤LorelleWhere stories live. Discover now