Napakasarap sa pakiramdam ng ginawang pagpasan ni Xander sa kanya. Siya pa rin iyong gentleman na nakilala niya 15 years ago.
Lalo siyang napahanga rito ng parang wala lang na tumakbo ito habang karga siya sa likuran nito. Nakaligtas siya sa pagod at sakit ng katawan.
Hindi kagaya ni Samiya na tumatakbo para sa buhay nito. Kawawa naman ito.
Pinagalitan niya ang sarili. Kung bakit ba kasi natapilok pa siya? Napakaclumsy niya talaga. Pabigat pa tuloy siya ngayon sa mga rescuers niya.
Napakapit siya kay Xander ng mahigpit ng tawirin nila ang ilog na iyon.
Hindi niya akalaing itutuloy nito ang balak na magsundalo. Sabi kasi nito na business management ang kukunin nito.
Dati na itong malakas at maliksi dahil corps commandant ito sa CAT nila. Basketball player din ito sa school nila. Kaya nga ito campus crush noon.
Bagay rito halos lahat ng profession dahil bukod sa physical attributes ay matalino rin kasi ito.
Naalala niya ang naging sagutan nila kanina dahil kay Samiya. Hindi siya makakapayag na patayin nalang basta ang dalaga dahil nandoon ito sa pugad ng mga terorista.
Speaking of Samiya, ano kaya ang ginagawa nito sa pugad ni Akbar? Tama kaya ang ginawa niyang pagligtas rito? Pero malakas ang kutob niya na mabait itong tao. Malay niya, baka bihag rin ito ni Akbar.
Napalingon siya kay Samiya ngunit nawala ito sa paningin niya. Napalinga siya sa paligid. Naroon pa ito kanina nang nasa gilid na sila ng ilog. Naalarma siya, nasaan ang babae? Nasa isang metro nalang sila mula sa kabilang bahagi ng ilog.
"Xander, nawawala si Samiya." She said in a worried voice.
Natigilan sa pagtawid si Xander. "Salazar, nasaan ang Muslim na witness?" Hindi lumilingon na sabi nito sa tauhan.
Natigilan ang mga kasama nito at napalinga rin katulad niya. Lalo siyang inatake ng kaba. Sigurado siya na nasa gilid ito ng ilog kanina. Tumawid kaya ito o tumakbo palayo sa kanila?
Walang anu-ano ay umahon sa ilog ang dalaga. Hawak ito ng isa pang sundalo sa baywang.
Nakita niyang wala ng malay ang dalaga. Nalunod kaya ito?
Mabilis nilang natawid ang ilog. Inalalayan siya ni Xander habang sinisipat ang dalaga. Napahinga siya ng maluwag ng makitang humihinga pa si Samiya.
"Bakit hindi mo inalalayan 'yan Salazar?" May himig ng galit na tanong ni Xander sa tauhan.
Hindi kumibo ang tinawag nitong Salazar.
"Napansin kung nalulunod na siya kaya sinagip ko, Sir. Sino ba iyan?" Tanong ng isa pang sundalo na bigla na lamang sumulpot at siyang nakasagip sa dalaga.
"Bakit nandito kayo, Agodo?"
Ngayon lang niya napansin na dalawang sundalo ang nadagdag sa kanila.
"Utos ni Lieutenant, Cap."
"Kailangan na nating umalis rito. Magliliwanag na. Baka maabutan tayo ng mga kalaban." Xander sounded worried.
"Anong gagawin natin sa witness, sir?" Tanong ng nakilala niyang si Guzman kay Xander.
"Buhatin mo, Guzman. Hindi natin pwedeng iwanan yan dito. Baka nagpapanggap lang yan na walang malay."
Tumalima naman kaagad ang inutusan nito. Pwede bang magpanggap ito na nalunod ito? Para saan? Para kargahin ding katulad niya?
"Bilisan na natin. May apat na oras pa tayo para makarating sa pick up point."
He move swiftly. Lorelle can't stop herself from hugging him from behind. Her heart long for this man right here for a very long time.
YOU ARE READING
LOVE AND DUTY Series: Xander❤Lorelle
RomanceCandice was kidnapped while enjoying her first ever vacation after she become a physician. She was taken by her abductors in the war zone island of Sulu. With the help of her ninong, she was rescued by elite warriors of AFP. To spice things up,one...