Chapter 46-Kent

2 1 0
                                    

Natigilan siya sa paghakbang ng marinig si Kurt na kinakausap si Candice. Why is he speaking to her that way?

Alam niyang nasaktan si Candice sa sinabi nito. Naawa siya sa bagong kaibigan. Kagabi pa ito umiiyak sa sama ng loob tapos ngayon heto si Kurt at walang pakialam na nagsasalita ng masasakit rito.

Hindi siya nakapagpigil. Sumawsaw na siya sa usapan ng dalawa.

"Kurt, kung ayaw mo kaming samahan ay pwede namang iba nalang ang i-buddy ko. Huwag lang ganyan ang mga sinasabi mo." He said bago nilapitan si Candice na nakayuko.

Hinawakan niya ang mga braso nito at inalo. Ano bang nangyayari rito sa kaibigan niya? Nakapamanhid naman nito.

"Mabuti pa nga. Ayoko kong masisi kapag may nangyaring masama dyan kay Dr.Domingo." Maging sa kanya ay tila naiinis rin ito.

What happened to his words noong isang araw?Bakit napaka-cold nito kay Candice? Anong ikinakagalit nito?

"Pwede ba tayong mag-usap?" He said. Gusto niya itong kausapin bilang kaibigan. Kung gusto nitong makuha ulit si Candice ay dapat tigilan nito ang kakasungit rito.

Sumunod siya rito ng bahagya itong lumayo sa kanila ni Candice.

"Ano yon?Ano bang ginagawa mo?" He asked him ng makalayo sila kay Candice. Ayaw niyang marinig sila ng dalaga.

"Ikaw anong ginagawa mo?Akala ko ba magkaibigan tayo?"

Napakunot noo siya. Saan ba ito nanggagaling? Hindi niya ito maintindihan.

"Ano bang pinagsasabi mo?" He asked dahil clueless siya.

"Pwede ba Kent, huwag na tayong maglokohan. Alam kung kumikilos ka ng patago. Sinasamantala mo na may gusto sayo si Lorelle."

He frowned. Now he is accusing him of things na never niyang ginagawa.

"Bok, hindi ko alam ang pinagsasabi mo."

"Stop playing innocent Lt. Magno. Umalis nalang kayong dalawa! Magsama kayo kung saan ninyo gustong pumunta!" He is furious. Bakit ito nagagalit?

"Bok, ano ba talagang nangyayari sayo?"

"Stop pretending, Kent, huwag mo akong paikotin sa kasinungalingan mo! Go!Leave now!"

Napatiimbagang siya. Hindi siya nagsisinungaling rito. Kaibigan lang talaga ang turing niya kay Candice.

"Bok-" He reluctantly said.

"That's an order!"

Mando nito sa kanya na ginamit na naman ang superiority nito.

"Ang hirap sayo dinadaan mo sa superiority kapag naduduwag ka na!" Hindi na rin niya napigilan ang sarili niya. He snapped.

Napakuyom sila pareho ni Kurt ng kamao. Anumang oras ay magkakasakitan na sila.

"Kent!Umalis na lang tayo." He heard Candice but napika na rin siya kay Kurt.

"Kent, please." She plead.

But he did not listen to her. Naghanda na siya para sa isang fist fight at ganoon din si Kurt. Nagsusukatan na sila ng mga kilos.

"Ravena!Magno!What the hell are you two doing?"

Pareho sila ni Kurt na tila nabuhusan ng nagyeyelong  tubig ng dumating si Col. Martinez. Natauhan siya at tila ganoon din si Kurt.

Mabuti nalang at dumating ang CO nila dahil kung hindi ay magsusuntukan na talaga sila sa harap ni Candice.

Sabay silang sumaludo sa Colonel.

Napatingin ito kay Candice bago ibinalik ang atensiyon sa kanila. Halata sa mukha nito na dismayado ito sa kanilang dalawa ni Kurt.

"To my office, now!"

Agad na tumalima silang dalawa. Kinausap muna nito si Candice bago sumunod sa kanila ni Kurt.

Hindi sila nagkikibuan ni Kurt habang hinihintay si Col. Martinez sa office nito. Nagpapakiramdaman lang sila na nasa magkabilang sulok ng opisina ng CO nila.

Muntik na silang magkasuntukan kanina. Kung hindi dumating ang CO nila ay nagkasakitan na sana sila.

Unang beses iyon na nag-away sila ni Kurt na muntik ng mauwi sa pisikalan. All because he cannot tolerate what he is doing to Lorelle. Kung mahal nito ang dalaga ay dapat hindi nito tratuhin ng ganoon.

Sabay silang napatuwid ng tayo ni Kurt ng magkasunod na pumasok sa office ng CO nila si Col. Martinez at Brigade General Carlito Arevalo.

May mission ba ulit? Bakit nandito ang general nila? As he can see in their faces ay mukhang may pinoproblema ang mga ito.

"Kurt, I have a grave news." Seryosong bungad ng general na kay Kurt nakatingin.

Napatingin sila ni Kurt rito. Kapwa sila kinakabahan. What could it be?

"Belinda was abducted on her way to the airport."

Nakita niyang napakislot bago napakuyom sa kamao nito si Kurt. Nagulat rin siya sa narinig. Paanong nakidnap si Belle? Bakit hindi ito sinamahan ni Kurt papunta sa airport?

"What is the status, sir." He asked dahil siya ang unang nakarecover sa balita.

"We don't know the identity of her abductors yet pero may kutob akong ASG pa rin. It's been one hour after her abduction." It was their CO who give the remaining info.

"Permission to assemble the elite team for a rescue, sir."Sabi ni Kurt na alam niyang natatakot ngayon para sa gf nito.

"Another team is in pursuit of the abductors but we need your team there, too. So again Kurt, we need you in this mission kahit nasa gitna ka ng bakasyon." Their CO said.

"Sir, yes sir!"

Papaalis na sila ng magsalita ulit ang general.

"Kurt, huwag mong papabayaan si Belle.I will entrust her safety in you."

"Sir, yes sir! I will do everything for her sir. Kahit buhay ko ibibigay ko para lang mailigtas siya."

He must be very confuse right now. May kutob siya na nag-away ang dalawa kaya umalis si Belle na hindi kasama si Kurt. He might be taking the blame for what happened to Belle.

Nang makalabas sila sa office ng CO ay inusisa niya ito.Wala itong choice kundi kausapin siya. Nalaman niya rito ang totoo.

"We will get her, bok. You have the whole team to help you." He said to lighten his burden.

Sa labas ng office ay nandoon rin si Candice. Sumunod pala ito sa kanila.

"Xander, what happened?" She asked wearily.

Nang hindi sumagot si Kurt ay siya na ang nagpaliwanag rito.

"We need to go for a mission. It is classified. Hindi ka muna namin masasamahan kaya mag-iingat ka rito habang wala kami."

Hindi na siya nagsabi pa ng details rito. Baka mag-aalala ito at sisihin pa ang sarili sa nangyari kay Belle.

Iniwanan niya ang dalawa para makapag-usap ng maayos.

Kung minamalas ka nga naman, sa loob lang ng ilang araw ay dalawa agad ang kidnap case nila. At mga taong malalapit pa talaga sa kanilang mga senior officers ang involve.

Wala pa silang lead kung anong grupo ang dumagit sa pamangkin ng General pero kahit sino paman ang mga iyon tiyak niyang may masama itong hangarin.

Dalawang babae na puro malapit kay Kurt, una si Candice at ngayon ay si Belle. Hindi niya ma-imagine kung paano nito dadalhin ang burden ngayon.

He prepare his things. Mula sa pagkain hanggang sa ibang gears at ammo. Kailangang prepared siya sa lahat. His supplies is good for three days.

LOVE AND DUTY Series: Xander❤LorelleWhere stories live. Discover now